Pagkatapos nang pag uusap nilang iyon ay isang linggong hindi umuwi si Earl. At kung uuwi man ito ay lasing. Minsan nang umuwi ito ay sobrang lasing ito and she didn't expect what he said to her. He was banging her room that night while calling her name. When she opened the door she saw Earl looking so wasted and miserable.
"Elaine, why did you agree with it? Are you stupid or something? Hindi mo ba na intindihan na ayoko sa marriage na ito." then he looked at her with disgust in his eyes.
"Alam mong ayoko din naman di ba?" malumanay na sagot niya at tinatanya ang mga katagang kanyang binibitawan.
"In the first place, bakit ka pumayag sa kasal? Ah, sorry naalala ko na pala, kasi lugi na kayo kaya tuwang tuwa kayo nang mag alok ang parents ko." mapait itong tumawa.
"What are you saying? Ikaw din naman di ba? You agreed with this?"
"No, I have never agreed with this. Have you heard me say yes during our first meeting together?" he was seriously looking at her.
"But isn't that automatically yes since you were there? What was your purpose and why were you even there in the first place?"
"I think you really are stupid. You can't even read between the lines when I never talked to you. I never even smiled at you once. But well, how can I blame you if you badly need it and my parents also need it."
"I think it's also advantageous to you since sa'yo mapapamana ang mga iyon" sagot niya.
"Well yes. Siguro sabihin na natin na kinasal na tayo pero not to the point na magkaka anak tayo. I don't like you in the first place and I was suppose to marry someone else but I don't have a choice."
She was speechless. Hindi niya alam na may dapat sana itong pakasalan bago siya.
"My parent's doesn't really like her so I know they did something to her para umatras siya at layuan niya ako."
Nagulat siya nang bigla na lang itong tumawa. "And this is all your fault the moment you agreed to marry me." may pait ang mga katagang binitwan nito.
She went near him. "Maybe let's talk about it tomorrow pag hindi ka na lasing."
"Anong pag uusapan natin?" blangkong sagot nito.
Aalalayan sana niya ito papuntang kwarto pero nagulat sya nang bigla nitong tabigin ang mga kamay niya at dahil mejo malakas ang tabig nito ay napaatras siya at tumama ang siko niya sa may door knob. Napahiyaw siya sa sakit pero mas nagulat siya nang makita ang pagkamuhi sa mga mata nito. Hindi siya nakapagsalita at sinundan lang niya ito nang tingin papasok sa kwarto nito.
Hinihimas himas niya ang kanyang siko nang makapasok na siya sa kanyang kwarto. Hindi siya makapaniwala sa mga binitiwang salita ni Earl. This is the first time na nag sabi ito nang sama nang loob sa kanya. Mag dadalawang taon na silang kasal ngunit alam niyang hindi pa sila magkakilala bilang magkaibigan or anuman dahil hindi ito nakikipag usap sa kanya. Buwan buwan ay nag iiwan lang ito nang envelop sa may lamesa na may lamang pera pambili nang mga gamit sa bahay at mga pagkain. Pampasweldo sa mga kasambahay sa bahay. Sila lang ang nakaka usap niya at ni minsan ay hindi pa ito naki pagkwentuhan sa kanya.
Ngayon lang niya napagtanto kung gaano ka miserable ang buhay niya. Napahagulhol na lang siya habang iniisip ang mga nangyari sa kanya.
***
Kinabukasan ay nagpapahid siya nang yelo sa kanyang siko dahil mejo namaga ito. Nagulat siya nang magsalita si Aling Selma sa likod niya.
"Ineng anong nangyari diyan?" sabi nito sabay hawak sa siko niya.
"Eh, hindi ko po sinasadyang mapagpag sa may door knob kagabi manang."
Si Manang Selma ang isa sa mga kasambahay nila na pilipino. Matagal na itong kasambahay nila Eral kaya nang ikasal sila ay sumama ito sa kanila. Never itong nag kwento nang tungkol kay Eral o sa pamilya nito dahil hindi naman siya nagtatanong.
"Nakita ko kayo kagabi. Narinig ko din lahat nang sinabi ni Earl kaya huwag ka nang magsinungaling." sabi nito sa kanya habang pinapahiran nang yelo ang mga siko niya.Natahimik na lang siya.
"May gusto ka bang malaman?" muling tanong nito.
"Saan po manang?"
"Kay Earl at sa mga sinabi niya sa'yo kagabi?"
Alanganin siyang napatingin dito. "Hindi po muna manang, hindi ko po kasi alam kung anong iisipin ko sa ngayon. Nagulat lang po ako sa inasal niya kagabi."
"Sana mapag tiisan mo pa siya, mabait na bata yang si Earl, Elaine" ngumiti ito nang tipid sa kanya.
"Sana lang po hindi na maulit ang nangyari kagabi dahil mejo natakot po ako sa mga expresyon sa maga mata niya manang." tipid na sagot niya.
"Ipagdasal natin, sana nga ay muling manubalik ang Earl na kilala ko."
Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Manang Selma nang sabihin ang mga katagang iyo.
"Manang, ang gusto ko lang pong tanungin sa ngayon ay ang kasal na nabanggit niya kagabi, na dapat ay hindi ako iyon?" hindi na nakatiis na tanong niya.
Naupo si Manang Selma sa tabi niya."Meron siyang dating kasintahan, at alam mo ba na kapangalan mo siya?" ngumiti ito sa kanya.
"Po?"
"Elaine din ang pangalan niya. Half pinoy at half american katulad ni Earl at hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin si Elaine."
"Ano pong nangyari?" hindi nakatiis na tanong niya.
"Ikakasal na dapat sila tatlong buwan bago ang una niyong pagkikita ni Earl, ang kaso biglang nawala si Elaine, kahit mga magulang ni Elaine ay ayaw sabihin kung nasaan siya. Ni isa walang nakaalam at nagsabi kany Earl nang tungkol kay Elaine. Nagpa imbestiga siya pero wala siyang nahanap na katiting na impormasyon. Ang hinala nang alaga ko ay may kinalaman ang mga magulang niya kung bakit hindi niya mahanap si Elaine." napabuntong hininga ito habang inaalala ang mga nagyari.
"Naghinala din siya na magkasabwat ang mga magulang ni Elaine at mga magulang niya, dahil parehong hadlang ang mga magulang nila sa isa't isa dahil magka kompetensyang kumpanya ito."
"Pero paano po naging sila kung ganung magka kumpetensya sila?"
"Hindi nila alam na magka kumpetensiya ang kumpanya nila nang magkakilala sila." ngumiti ito.
Gusto pa niyang magtanong ngunit pinigil niya ang sarili. Mukhang nakaramdam si Manang Selma kaya muling nagpatuloy.
"Nang malaman nilang magkakumpetensya ang mga pamilya nila ay naghiwalay sila ngunit dahil nga mahal nila an isa't isa ay muli silang nagkita at nagkabalikan nang lingid sa mga pamilya nila. Nagplano silang magtanan, magpakasal nag tago at iwan ang kanya kanyang responsibilidad sa kumpanya ngunit tatlong buwan bago ang planong kasalan ay hindi na nagpakita si Elaine." malungkot na pagpapatuloy nito.
Tumango tango na lamang siya at hindi na nagtanong. Siguro ay sapat na iyon para maintindihan niya ang sitwasyon ni Earl.
*****
BINABASA MO ANG
What if?
BeletrieI love him but I married someone. Do I deserve him? I love her but she's married. Do I deserve her? I married her with conditions. Do I deserve to be loved? Do we all deserve a second chance? _Loving my Brother's Friend sequel_