Part 3 (Past)

198 6 10
                                    

"You need to be there. It's a company gathering." 

Hindi na siya naka sagot pa dito dahil pagkatapos nitong sabihin ang dapat sabihin ay tumalikod na ito at dumiretso sa kwarto nito. Nagulat siya kanina nang mapagbuksan niya ito nang pinto at sabihing may company gathering sa sabado dahil nga part siya sa kumpanya bilang anak at asawa nang mga heads nang company. 

Kakauwi lang nanaman ito after week na hindi umuwi. Nang mapagbuksan niya ito akala niya ay hihingi ito nang tawad sa pagtulak nito sa kanya pero hindi, nasaktan siya sa inasal nito ngunit wala siyang magagawa, hindi niya mapipilit ang isang taong may galit sa puso. 

Balak sana niyang magkulong sa kwarto ngayong araw dahil day off ksao hindi pwede dahil sa isang araw ay sabado na at kailangan niyang lumabas at maghanap nang isusuot since hindi na siya mkakalabas bukas. 


"Manang Selma!" hanap niya kay manang para magpasama sa pagbili nang damit.

"Nak?" balik sigaw nito na nasa kusina.

"Nang, labas po tayo maghahanap po ako nang damit." 

Nakita niya naman ito na lumabas mula sa kusina at tumanaw sa kanya. "Oh sige, magpalit kana at hintayin kita dito sa may sala, magpapalit lang din ako nang damit. "

"Sige po pakitawag na din po si kuya." paki usap niya dito para tawagin ang driver nila.

***
Nasa mall na sila ni manang at kanina pa sila imiikot dahil hindi siya makapili nang damit niya. Ang sabi lang kasi ni Earl ay formal event. 


"Hay, manang, ang hirap pumili!" nababagot na sabi niya.
"Subukan natin duon oh, turo nito sa isang sikat na shop."
"Sige manang"
Pagpasok nila ay may attendant na um-assist agad sa kanila. Nahirapan pa din sila sa pamimili until nagdecide sila ni Manang Selma kasama na rin ang attendant na pumirmi sa kulay pulang gown pagkatapos nang ilang palit.

Nagbabayad na sila nang bigalng magsalita si Manang Selma.

"Elaine?" 

"Manang?", napatingin siya dito dahil sa pagsabi nito nang pangalan nito ngunit nagulat siya nang sa labas nang shop ito nakatingin. Napasunod siya nang tingin dito pero hindi alam kung sino ang tinatawag nito dahil madaming tao ang nagdaraan. 

"Manang Selma" tawag niya ulit sa pangalan nito.

"Nakita ko si Elaine, alam kong siya iyon. Hindi ako maaring magkamali."  nakatingin pa rin ito sa alabas at malikot ang mga mata.

Pilit paring naghahanap ang mga mata ni Manang Selma. 

"Kung siya nga iyon at nandito lang siya malapit sa atin bakit hindi siya nagpapakita kay Earl o sa pamilya niya?" tanong niya.

Napaisip ito. "Oo nga , impossibleng hindi siya magpakita kay Earl?"

"Manang, baka masyado lang kayong nag iisip dahil sa na kwento niyo sakin?"

"Siguro nga, pero kung sakaling si Elaine iyon. Hindi ko alam kung ito'y makakabuti o makakasama sa sitwasyon ninyo ngayon."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni Manang Selma, because deep within her she is not happy.


"Halika na, umuwi na tayo at kaylangan kong labhan na iyang damit mo para naka handa na sa darating na sabado." 

"Opo" bukod tanging sagot niya at sumabay na sa paglalakad nito.

***
Pagka uwi nila ay tahimik pa rin siya. Hindi niya mawari ang kabang nararamdaman niya nang araw na iyon dahil sa mga sinabi ni Manang Selma. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw.  

Napatigil siya sa pag mumuni muni nang bigalng kumatok si Manang Selma. "Nak, kain na" 

"Opo, andyan na po" pasigaw na sagot niya. 

Pag kababa niya ay nagulat siya nang makita si Earl na naka-upo na sa hapag kainan. Iritable itong tumingin sa kanya.

"What took you so long?"  kunot nuong tanong nito.


"Sorry, I thought you won't be home again tonight"

"So?, Is that an excuse to let someone wait?" 

Hindi na siya sumagot pa at umupo na lang. Handa na ang lahat at iniwan na rin sila ni Manang Selma. Tumanggi ito nang sabihin niyang sumabay na sa kanila. Kailangan pa raw nitong labhan ang damit niya. Hirap siyang lunukin ang pagkain niya dahil sa nakabibinging katahimikan ang mga kubyertos lang nila ang maririnig. Napapiksi siya nang bigalang tumunog ang phone nito. 
Pasimple niya itong tinignan nang sagutin nito ang phone at nakita niyang natigilan ito. 

"Where are you? I will be there. Follow her" mariing utos nito sa nasa kabilang linya. 
Pagkasabi niyon ay tumayo ito at hindi na nagpaalam at agad na umalis. Naiwan lang siyang nkatulala sa harap nang mga pagkain. 

"Oh, asan na iyon?" tanong ni Manang Selma pagpasok nito sa kusina at makitang siya lang ang naroon. 

"Umalis na po" tipid na sagot niya.

"Jusko naman at hindi pa nagpaalam" 


"Nagmamadali po eh, mukhang importante yata"

"Ganun ba. masyado bang importante iyon at hindi na niya inubos ang pagkain niya. Kahit naman minsan kung tungkol sa trabaho ay hindi niya iniiwan ang pagkain, maliban na lang dati kung si Elaine ang pupuntahan ----" napatigil ito bigla at napatingin sa kanya.

Nakatingin din siya dito at hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Kinabahan siya na hindi niya malaman kung bakit.  

"Imposible naman siguro manang." alanganing sagot niya. 

"Sana nga" sabi nito sabay lapit at haplos sa mga bisig niya. 

Hindi niya alam kung bakit iba sa pakiramdam niya ang malamang nasa palagid lang si Elaine. Dahil ba hindi niya alam kung anong mangyayari sa paligid niya? Iyon nga marahil pero bakit hindi pa din sapat na rason iyon para siya ay makampante?

Nang gabing iyon ay hinintay niya ang pag-uwi ni Earl pero hanggang sa madaling araw ay wala pa din ito. 

Hapon na nang magising siya at nagulat siya nang abutan niya si Earl sa kusina na nag kakape. 

"Lagi ka bang late nagigising?" tanong nito.

"Hindi naman ngayon lang dahil late akong natulog."


Tumango-tango lang ito at hinagod siya nang tingin, nuon din niya naalala ang suot niyang pantulog ay manipis at alam niyang kita ang pang ilalim lang niyang suot. Dahan-dahan niyang itinakip ang mga kamay sa may bandang dibdib niya. 

"Sa susunod wag kang lalabas nang kuwarto mo na ganyan lang ang suot mo kahit nandito ka sa bahay, alam mong hindi lang tayo ang tao dito at hindi lang ako ang lalaki dito at hindi mo rin alam kung may biglang bisitang darating at haharap ka nang naka ganyan." mahabang sabi nito sa kanya. Akmang iiwan na siya nito nang may maalala.

"By the way, ask Nana Selma to prepare you and your things for tonight's party." Iyon lang at iniwan na siya nito. 




*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon