Kabanata 26

5.9K 198 7
                                    

Kabanata 26

All That Matters

Time flies really fast. Sa bawat ikot ng kamay ng orasan, may oras na nagagamit, nasasayang at nawawalan ng kontrol. Totoo ngang sabi nila'y hindi mo mamalayan ang paglipas ng oras kapag nagugustuhan mo ang sitwasyon o di kaya'y mas gusto mo lamang na kalimutan na may oras talagang tumatakbo.

I realized it had been so many years and I have missed so many things in their lives. Pakiramdam ko'y wala dapat akong lugar dito ngayon kasi ang totoo naman, ako yung nang-iwan sa ere. While listening to their throw back stories, I can't help but feel a pang in my heart. Hindi ko alam kung may kailangan rin ba akong sabihin o sumabay na lamang sa kanilang tawanan.

"You really changed a lot." puna sa akin ni Muriel habang hinahatid ko siya sa labas ng bahay nina Ma'am. Maaga siyang uuwi at mauuna sa amin ni Nile dahil marami pa siyang gagawing trabaho. She just skipped some hours of her work and she'll go back to her office to finish some stuff.

Nagpapasalamat nga siya at nagkaroon siya ng oras para kay Ma'am. Hindi rin naman kasi siya madalas na magkuwento kay Ma'am dahil nga sa trabaho. Kay Nile niya pa nga malalaman na may sakit si Ma'am.

"Hindi rin naman." may ngisi sa aking labi nang sabihin iyon. Truth be told, I may have change in some ways, ngunit ako pa rin naman ito. Ako pa rin naman si Adina. Except that she battled a lot and won some of them.

"I still can't believe you won Miss Universe! Dati-rati ay nanunuod lang tayo tapos sabay-sabay pa tayong papalakpak kapag nakakasali ang Pilipinas sa top 5."

"Yeah, those were the days..." I trailed.

"Kumusta ka naman? Aside from being the most beautiful woman in the universe?"

"Heto, pagod. Maraming appointments na kailangang puntahan. This is just my free day at bukas marami na akong gagawin. I'll probably can't visit Ma'am Graveda again."

Tumango si Muriel. "It's okay. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo lalo pa't malaki naman talaga ang responsibilities mo as a title holder."

Tama nga at mabigat talaga. Aside from being trained to become prim and proper, I had to become a leader as well. Hindi naman kasi kailangang nasa pulitika ang tao upang matawag na pinuno. For me, I wanted to raise awareness for the society against crimes, discrimination and poverty. Ngunit mas lalo kong pinahalagahan ang kultura at mental health awareness. I've been there before and I understand now why there are so many people who are willing to help those with mental health challenges.

"Muriel..." I called her attention. Tumigil siya sa pagbubukas sa pinto ng kotse at napalingon sa akin. Her face was masked with confusion.

"About what happened before..." I trailed. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at naghanap ng pwede mapag focusan ng tingin.

"I'm sorry for leaving you behind. Alam kong mahirap akong patawarin dahil sa kasalanan kong iyon sa'yo. I never meant any harm but I was just hurt and disappointed with everything. Pasensya na...kung nadamay ka. Kung nasaktan man kita nang lubusan noon, I'm sorry." napayuko ako. I just wanted to make this burden in my heart disappear.
Naramdaman ko ang yakap ni Muriel sa akin. Her arms embraced me tightly like she's making up for the lost years. Sumubsob ako sa kaniyang balikat at huminga nang malalim.

"Ano ka ba? Okay kang iyon. I understand you. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo, I'd shut down. I'll push people away. But you know what, Adi? Kahit ganoon ang ginawa mo, ramdam ko pa rin naman na ayaw mo akong saktan o iwan. I understand why you didn't want to see me or Nile. Nasaktan ka at may mga bagay na kailangang ilayo sa'yo para hindi mo maalala ang mga bagay na nakakasakit sa'yo."

All that Matters (Absinthe Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon