Kabanata 36

6K 197 11
                                    

Kabanata 36

All That Matters

Noon, hindi ako naniniwala na may luluhod talaga sa harap ng isang tao para magmakaawa. Yes, I've seen it in movies. Maraming drama na sa telebisyon ang nakita ko kung saan mahigpit ang yakap ng lalaki sa babae, habang nakaluhod, umiiyak at humihingi nang patawad. Pero, hindi ko inakalang sa punto ng buhay ko ngayon ay masasaksihan ko ito.

I never believed that someone could kneel down and ask for an utmost forgiveness. Siguro, iiyak pero ang luluhod habang umiiyak? Siguro nga ay imposible.

Mabigat ang aking paghinga at nanlalabobo ang aking mga mata. The cries of Nile made me wish that this should just be a dream. Sana nga ay panaginip na lamang ito. Kasi hindi ko naman hiniling na hahantong sa eksenang kailangan niya akong luhuran para lang makahingi ng patawad at magsisi sa mga nagawa niya noon.

He wasn't at fault. Hindi niya naman kasalanan ang lahat. The accident happened because I was reckless. Umalis ako, nagmadali kahit hindi stable ang aking pag-iisip. I was confused and hurt at the same time. Hindi ako naging rasyonal sa mga oras na iyon. I answered the call even though I was driving and in distress.

Malaki ang kasalanan ko. I let the accident happen. I brought that to myself. Ako mismo ang nanakit sa sarili kaya bakit iba ang umiiyak ngayon at humihingi ng patawad?

Patuloy sa pag-iyak si Nile. Sa bawat iyak, pakiramdam ko ay mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin at ayaw akong bitawan. Hinawakan ko ang kaniyang braso at pilit na inaalis iyon sa pagkapulupot sa aking baywang.

Nataranta siya at mas lalong nagdumikit sa akin.

" N-Nile..." my voice broke. Nakita ko ang pagtulo ng aking luha sa kaniyang pulong suot.

" T-tumayo ka diyan, p-please..."

Hindi siya bumitaw.

Hinawakan ko nang maigi ang kaniyang braso upang ialis pero bigo ako. I heaved a deep sigh. Sinubukan kong yumuko at lumebel sa kaniya. He somehow let go of my waist. Pumantay aki sa kaniya.

His tear-stained face was a tormenting sight to see. Iniwas niya ang tingin sa akin at yumuko. Kinuha ko ang kaniyang kamay at inilapit sa aking mukha. Sinadya kong ilagay iyon kung nasaan ang aking pinakatatagong peklat. Kung pagmamasdan ay parang wala lang but when he got to feel it, mas lalo siyang napayuko at parang ayaw akong pagmasdan.

"H-hey..." I called him softly. Iniangat ko ang kaniyang mukha at pinilit na tumingin sa akin. However, he was stubborn. Nakaharap man ang mukha sa akin, ang tingin naman ay nasa ilalim.

" Look at me please..."

Pinanatili ko ang kaniyang kamay sa aking mukha. I caressed the back of his hand habang unti-unting dinadama ng kaniyang daliri ang aking mahabang peklat. Hindi kalaparan ngunit may kahabaan ito. What made it horrible is because it almost damaged my eye. Malapit na nga. Nasa ilalim lang nang aking mga mata. If I moved that much during the accident, I would've gotten blind.

" I brought this to myself, okay?" suminghot ako. " Hindi mo kasalanan ang lahat. Kaya 'wag kang lumuhod kasi nahihirapan akong makita kang ganyan. Hindi mo naman kasalanan na nagkaganito ako. I was selfish because I didn't listen to you. Hindi ko naisip na baka may sarili kang dahilan kung bakit mo nagawa iyon. And you did have a reason, at tanggap ko ang dahilan mong iyon. I forgive you, Nile. So please, forgive yourself, too. Sabay nating patawarin ang isa't-isa sa mga naging kasalanan natin at sa mga maling desisyon."

Isa, dalawa, at sunod-sunod pang mga luha ang dumaloy sa aking pisnge. Suminghap si Nile at agad na pinalis ang mga luhang iyon. Maingat ang bawat pagpunas niya sa aking lukha, tila takot na baka makaulot pa siya ng karagdagang sakit sa akin.

All that Matters (Absinthe Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon