Kabanata 38

6.1K 183 3
                                    

Kabanata 38

All That Matters

I was like a walking zombie. Oo nga't buhay ako pero nanghihina pa rin dahil sa balita. I pushed myself to move, to go on with my day kahit na sobrang bigat ng aking dibdib.

Hindi pa rin mawala sa isip ko na wala na si Ma'am. Iniwan niya na kami. Bakit kung kailan na umalis ako ay siya ring pagbitaw niya?

Huminga ako nang malalim. I'll be mourning silently. Mag-isa lang din akong makikiramay dahil wala naman akong kasama. Although I have Leone, hindi niya rin naman mararamdaman kung gaano ka bigat ang dinadala ko ngayon.

" You can cry, you know." biglang sabi ni Leone nang makita ang aking pagkatulala. Lumingon ako sa kaniya mula sa pagkakasandal bintana ng kotse.

" I am so tired of crying, Leone." sabi ko.

Ngumiti siya sa akin. Tipid. " Alam ko. Pero kung hindi mo ilalabas, mas sasakita diyan sa dibdib mo. Alam ko, hindi ako ang namatayan ngayon pero, naramdaman ko na rin naman iyan noon, Adi. Sadyang...may mga taong nawawala na sa ating buhay kasi kailangan na nila ng pahinga. Hindi ko man kilala nang lubusan si Ma'am Graveda, pero I know she already fulfilled her purpose in this world kaya siya kinuha ng Diyos."

Tama si Leone. She already served her purpose. At sa huling sandali ng buhay ay nakasama niya ang lalaking kaniyang minahal mula noon. Maybe life was really unfair. Hindi lang sa estado, kundi, kahit sa pag-ibig at sa mismong mga pinagdaanan.

" After you cry, Adina. Game face on, na ha? You still have your duties." she reminded me.

Bumuntong-hininga ako. Umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong nailabas. After that, I wiped off my tears and smiled. I'm still mourning pero hindi na iyon gaanong masakit.

The rest of my day was spent with plotting my goals all over the year. At dahil nga marami akong proposisyon sa organisasyon, pahirapan kung papaano ko matatapos ang aking objectives sa isang buong taon. The organization helped me with the planning for the month of May.

There are many awareness events at iyon talaga ang tinutukan namin. Now that poverty seems to overrule again, I had to address the issue lalong-lalo na at may mga taong nadadawat at hindi makalaban. I was tasked to write an article and published it. Hindi lamang doon, I had to be in the interviews, spreading awareness on how to prevent the spread of diseases and becoming healthy, especially sa mga babae.

Dahil naging busy ako sa lahat, hindi ko namalayan na ilang linggo na ang lumipas. Mommy had the chance to visit me in my apartment.

" Do you have time to shop for today? Namiss kita anak!"

" Oo naman po. They cleared my schedule for this morning. Mamayang gabi ay may dadaluhan kaming charity event."

" Oh, you must be tired then! Look at your hair! Inaalagaan ka ba ni Leone?" taranta niyang tanong.

Tumawa ako. " Of course, Mom. Kung gusto niyo po ay magpa-spa tayo ngayon. I'll just change."

" Sige. I'll make myself a cup of coffee."

Pumasok ako sa aking kwarto at pumili ng damit. I wore a black double breasted blazer dress. I put on a two-inch wide Chanel belt and paired my outfit with ankle-length booths.

I brushed my hair with my fingers. Humahaba na ang aking buhok. Dahil sa iba't ibang hairstyle ko palagi ay hindi ko na masyadong pinagtutuonan ng pansin.

I walked out of my room carrying a mini bag. Sapat lang upang maisilid ko doon ang aking cellphone at wallet.

" Done with your coffee?" tanong ko kay Mommy nang mapansing excited na itong lumabas ng pinto. Sinilip ko ang kitchen at nakitang wala naman siyang kalat na iniwan doon.

All that Matters (Absinthe Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon