It's Wednesday at simula na naman ng bagong araw sa buhay ko. Nakatira ako sa dorm ng school kaya no worries kasi hindi ako mahihirapan pumasok. Napagdesisyunan ko na mag-jojogging ako tuwing mon and wed ng umaga dahil gusto ko lang. Tuwing mon and wed kasi wala akong super morning classes na 6 am. 10:00 am pa start ng classes ko pero 5:00 am palang ngayon. Nagbihis ako ng tshirt tsaka short at nag suot ng running shoes at lumabas ng tahimik. Tulog pa kasi dormmates ko. Kaya shhh lang muna.
Pumunta ako sa joggers lane ng kalsada at sinumulan na ang pag jojogging. Hindi ganun karami yung nagjojogging siguro sa mga sampu lang nakita kong nagjojogging nung unang ikot ko. Masyado pa atang maaga. Pangalawang ikot na ngayon at napapagod na ako. Ang laki pala talaga ng school ko. Huminto muna ako napapagod na talaga ako e. Tumulo nang tumutulo yung pawis ko.
"Arf! Arf!" Kahol ng aso sa likod ko. Ramdam ko yung hininga ng aso sa legs ko. Tas inaamoy niya yung paa ko. Para akong naestatwa. Ayoko kasi ng aso. "Hey Atlas! Stop it!"
Umupo ako doon sa may bench sa sidewalk para di ako nakaharang sa daan nila. Pero sinundan parin ako ng labrador na aso umamoy sa legs ko.
"Mama!" gulat na sabi ko. Bigla naman ba kasing sumampa sa akin yung aso. Yung unahang paa ng aso ay nasa balikat ko at inaamoy nito yung mukha ko.
Tinignan ko naman yung may-ari tas yung mukha ko parang nagmamakaawa na umalis na sila nung aso niya. Mukhang nakuha naman nung may-ari yung gusto ko ipahiwatig. Pero imbis na umalis ay umupo pa ito sa tabi ko.
"Kuya!" sigaw ko. Nararamdaman ko yung kuko ng mga paa ng aso niya. At legit na natatakot talaga ako. Mukhang naawa naman si kuya at kinuha niya yung aso niya. Nakahinga ako ng maluwag nung inalis niya sakin ito. Pero di pa sila umalis, hinihimas himas pa ni kuya yung aso niya.
"Sorry sa aso ko miss." sabi nung may-ari ng aso.
"Okay lang." sabi ko at kumaripas ng takbo.
...
12:00 nn
Kakatapos lang ng 2 hrs lecture ng prof ko sa fundamentals of accountancy. Kasi business ad and accountancy kinukuha ko. Introduction pa lang kaya medyo nakakabagot. Nandito na naman ako sa cafeteria. It's time para kumain e. I order a bibimbap, japchae tsaka bingsoo. I'm craving for something Korean kanina pa e. Hindi ko na nga tinanggal sa tray e para madali rin ibalik pag tapos na. Nga pala, sabihin mo lang order mo lulutuin nila dito sa cafeteria namin. Galing nga e, naamaze din ako kahapon kasi pag undecided ka may menu naman pero sabi ni ateng kumukuha ng order pwede daw kahit ano, sabihin lang daw kung ano gustong kainin sila na bahala magluto.
"Nandito ka ulit miss." sabi nung lalaki na kumuha ng atensyon ko. Siya yung kahapong umepal sa eksenang pinapanood ko. Kasama niya mga tropa niya 4 sila magkakasama dala ang tray ng mga pagkain nila. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami. Untouchables siguro sila. Yung di pwedeng madikit sa mga babae kasi para sa lahat sila kala mo mga hayop sa zoo na pangviewing lang.
"Inisnob ka boi, payag ka nun?" pang-aasar ng tropa niya.
Hindi naman siya sumagot, syempre di ko rin sila kinakausap. Bigla silang umupo sa tabi ko at sa kabilang side ng table ko. Tumayo naman ako at binuhat ang tray para umalis na. Feeling close kasi sila mga di ko naman kilala, tinuruan kaya ako na don't talk to strangers. Pagkatayo ko may humarang sa harapan ko. Tinignan ko kung sino humaharang sa dadaanan ko. At siya si kuyang may aso kanina.
"Ikaw na naman." sabi niya. Nginitian ko nalang siya. Awkward naman kung sabihin ko na hehehe ako nga yung takot sa aso.
"Kilala mo siya, Blake?" tanong nung lalaking inisnob ko.
"Not totally, kanina kasi---Ahhhh! ahh!!" hindi niya natapos sinasabi niya kasi tinapakan ko siya ng madiin. Mas lalong nagtinginan mga tao samin. Nakakahiya kasi yung nangyari kanina. Mukha akong tigreng di maamo e tas malalaman na takot ako sa aso.
"WHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan ng tropa niya. Tinignan naman niya ito ng masama kaya bigla silang nahinto sa pagtawa. Ako naman ang sinamaan niya ng tingin. Linapit naman niya yung mukha niya sa akin, sinisindak ata ako. Pero nakakasindak talaga yung tingin niya, natatakot ako onte pero secret lang yon. GUSTO KO LANG NAMAN KUMAIN NG MATIWASAY, BA'T BA HINDI AKO PATAHIMIKIN NG MGA IRE?!!!
"Ahmm a-a-te?" sundot sa akin nung babae sa gilid ko. Napalingon tuloy kami lahat sa kanya. "E-eto na p-p-po y-y-yung panyo niyo. T-t-thank you po." sabi niya na para bang inooffer yung panyo ko sa sakin. Hindi ko naman makuha kasi may hawak akong tray.
"Nandito ka rin?! Small world nga talaga naman. May itatapon ka pa ba?" Sarcastic na sabi ni Blake, I assume na Blake kasi sabi kanina ni kuya e. Wait, wait, wait kung ganyan ang behavior ni Blake kay ateng nerdy, ibig sabihin siya yung leader ng grupo kahapon. Ang layo kasi di ko masyadong namukhaan edi sana nung sa aso palang iniwasan ko na si koya kaso lang di ko siya maiiwasan nun yung aso kasi e.
"S-s-s-sorry po t-t-talaga." napairap ako sa way ng pagsasalita niya. Ako kasi nahihirapan para sa kanya. Pero feeling ko nakakaistorbo ako sa eksena nila para tuloy akong kontrabida na umirap.
"Next time kasi wag kang tatanga-tanga" sabi ni Blake. Kinuha naman niya yung tubig ng tropa niya at binuhos ito sa babaeng nerd.
Owwwwwwww to the M to the G!
YOU ARE READING
Phoenix
Teen FictionA not-so-typical love stories of students from different courses within the same university, Phoenix University.