- Chapter 5 -
Dinner
Sinalubong ako ng masamang tingin ni Yuri pagkapasok ko sa aking apartment. Hindi na ako nagtaka kung paano siya nakapasok dahil minsan ay dito siya tumutuloy. Nakapamewang pa ito na parang kay tagal ko na siyang pinaghihintay sa aking pagdating.
"At saan ka galing babaita?" Masungit nitong sabi na parang may kahina-hinala akong ginawa kagabi. Hmm.
"Don't give me that look Yuri. Pagod ako" pambabalewala ko rito saka diretso na pumunta sa aking kwarto. Agad din namang sumunod sa akin si Yuri. Hays, I'm physically and mentally tired.
"Huh? Bakit ka pagod? Saan ka galing? Alam mo bang pinuntahan ako ni Trey sa aking apartment para hanapin ka? Nag-alala ako dahil sabi niya ay break na kayo at hindi ka niya mahanap! Ano bang nangyayari bes?" Halata ang pag-aalala sa boses nito pero wala akong ganang sagutin ito sa ngayon. Ang daming gumugulo sa isipan ko.
"I'll explain everything later. Sa ngayon gusto ko munang magpahinga Yuri.." Agad naman siyang lumapit sa akin saka ako yinakap. Napansin niya siguro ang panghihina sa boses ko.
"You know I'm always here for you, right?" Hinagod pa niya ang likod ko. I just nod my head saka siya bumitiw ng yakap.
"Magpahinga ka na. Ako na bahala sa tanghalian natin. Nagpaalam na rin ako sa manager natin na hindi tayo makakapasok ngayon. " yan ang huli niyang sinabi bago niya isara ang pintuan.
I'm always thankful for having a bestfriend like Yuri. Siya lang ang nakakaintindi sakin at ganoon rin ako sa kanya. We always have each others back lalo na kapag may problema kami dahil pareho kaming malayo sa aming parents. Siya ay gustong maging independent kahit na may kaya ang kanyang parents. Sa totoo nga lang hindi na niya kailangan magtrabaho para makaipon. Gusto niya lang talaga magkaroon ng sariling pera at ayaw umasa sa kanyang parents. I admire her for that. Siguro kung ako ang nasa posisyon niya ay ganoon din ang gagawin ko.
Ngunit mahirap lang kami kaya kailangan kong kumayod para sa aking pag-aaral. Kaya ko rin naman magtrabaho at ayaw ko nang dumagdag pa sa kanilang alalahanin. Parehong may edad na ang aking magulang at mas mabuti sa kanilang nasa bahay na lang.
Hindi ko nga maintindihan noong una dahil ayaw nilang pumunta ako dito sa Manila. Gusto nilang doon na ako magtapos ng pag-aaral sa aming probinsya. Pero parang may nag-udyok sa akin na dito ipagpatuloy ang pag-aaral. Tamang tama at luluwas pa Manila sila Yuri dahil nag-expand ang business ng kanyang magulang. Sinamantala ko ito at sumama sa kanila. Hindi na ako napigilan ng aking magulang. Halata ang kanilang malulungkot na mga mata at may pag-aalala na pinaalalahanan ako sa mga dapat kong gawin. Hindi ko rin makalimutan ang mga katagang binitawan ni mama habang yakap niya ako.
"Panigurado akong hinahanap ka pa rin niya at sa oras na magtagpo ang inyong landas huwag mo kaming kakalimutan iha" May sakit na sambit nito habang namumuo ang luha.
May pagtataka kong tiningnan ang aking ina. Hinaplos pa nito ang aking pisngi at pilit na ngumiti. Gusto ko pa sanang tanungin kung anong ibig sabihin niya pero tinawag na ako ni Yuri dahil papaalis na ang van na aming sasakyan papuntang Manila.
Napangiwi ako nang maalala ko ang aking mga magulang. Palaisipan parin sakin kung bakit wala akong masyadong alala nila noong ako'y bata. Ang sabi ni papa ay naaksidente raw kami ni mama at buti na lang ay pareho kaming nakaligtas. Hindi ko na rin naman iyon kinewestyon dahil masyado pa akong bata noong nangyari iyon.
Sa kakaisip hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok. Nagising na lang ako nang naamoy ko ang masarap na niluluto ni Yuri. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na. Napangiwi ako nang sumalubong sa akin ang lockscreen kung saan nakaakbay sa akin si Trey at malapad na nakangisi habang tinititigan ako. Ako naman ay nakayakap sa kanyang baywang at nakatingin naman sa camera. Kuha ito ni Yuri noong nag-outing kami sa Batangas. Lumandas ang 'di mapigilang luha sa aking pisngi. Ito na ang huling beses na iiyak ako nang dahil kay Trey.
BINABASA MO ANG
Until You're Mine
General FictionON-GOING " You're mine. Understand? " * WARNING: Mature Content *