- Chapter 6 -
Nararamdaman
Hindi ko alam kung paano kami natapos kumain ng matiwasay. Seryoso pala talaga siya at walang balak bawiin ang mga sinabi. Manliligaw talaga siya? Pero bakit? Balita ko ay maraming nali-link na mga modelo sa kanya o 'di kaya'y mayayamang kaosyoso sa negosyo. Tapos ako isang working student na galing probinsya ay liligawan niya? I don't get it! Ni wala akong panama sa mga naging ex-girlfriends niya. Kahit nga sinong babae ay makukuha niya nang walang kahirap hirap. Pero nandito siya ngayon sa aking apartment at sinabing manliligaw siya.
Hindi manlang nga ako tinanong kung payag ba ako sa panliligaw niya. Basta na lang niyang dineklara iyon na para bang wala akong magagawa kundi tanggapin lahat ng sinasabi niya.
"I think I should go. It's getting late." he said.
" Yeah. Ihahatid na kita sa baba." ako na ang nagbukas ng pinto at sabay kaming bumaba. Nang makarating sa tapat ng kanyang kotse at bumaling siya sa akin.
"Thank you pala ulit sa dinner. Mag-iingat ka sa pagd-drive." Ngumiti ako sa kanya at gumanti rin naman siya ng ngiti.
"No problem. I'll see you tomorrow, then." Marahan niyang sabi.
Tomorrow? Naku, Damien baka masanay ako. Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa eh.
"I'll text you when I got home." Patuloy niya.
Hindi naman na kailangan Damien sabi pa ng isip ko ngunit hindi ko na lang isinatinig.
"Bye!" Paalam ko rito nang pumasok na siya sa kanyang kotse. He just smiled and started his car's engine.
Kumaway kaway pa ako habang lumiliit na sa aking paningin ang mamahaling kotse ni Damien. Binaba ko na ang aking kamay at naglakad patungo sa hagdan.
"Boyfriend mo 'neng?" Napatingin ako sa nagsalitang si Aling Letty. Siya ang nagpapaupahan dito sa apartment. Nandito lang sa baba ang kanyang bahay at paniguradong nakita niya si Damien.
"Ahh hindi po." Nahihiyang sagot ko.
"Mukhang mayaman ah. Sa susunod kung hindi mo naman boyfriend 'wag mong papaakyatin sa apartment mo. At kahit maging boyfriend mo na iyon ay bawal magdala ng lalaki rito." Medyo masungit nitong pangaral sa akin. Si Aling Letty ay iniwan ng kanyang asawa. Kaya siguro ganito ito. Puro babae lang ang hinahayaan niyang mangupahan sa building na ito. Paniguradong bitter ito sa mga lalaki.
"Pasensiya na po. Hindi na po mauulit." Tumungo ako sa matanda bilang paggalang at saka patuloy na umakyat sa hagdanan.
Nang maisara ko na ang pintuan ay sumandal ako rito at napahawak sa dibdib. Nakalimutan na ang sinabi ng matanda at tanging si Damien na lang ang naisip. Naputol ito ng narinig kong nagvibrate ang aking cellphone. Agad akong pumunta sa center table at dali daling kinuha iyon. Binasa ko ang notification.
AutoLoadMAX
P100 prepaid credits was loaded to your mobile# 09****Sinundan iyon ng texts ni Damien.
Damien:
Now you can reply to my messages. Btw, I just got home :)Natawa ako sa emoticon niyang sinend. Hindi ako makapaniwala na gumamit pa siya ng emoticon. He's always serious kasi pero his actions are sweet. Halatang alam na alam kung paano maghandle ng babae. Napaismid ako sa naisip na siguro ganito rin siya sa iba. Tss. Nagtipa ako ng mensahe at sinend sa kanya.
Ako:
Thanks sa load pero hindi mo na dapat ako pinaload-an. Good to know that you're safe.Wala pang ilang minuto ay nagvibrate na ulit ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Until You're Mine
General FictionON-GOING " You're mine. Understand? " * WARNING: Mature Content *