I

7 5 16
                                    

Leif's

MABILIS akong naglakad patungo sa likuran ng aming athletic center. Nakakainis. Heto nanaman tayo, ako nanaman ang napansin. Sa akin nanaman ang sisi, lagi na lang.

"Leif, ano ba?!" sigaw nito sa pagmumukha ko nang mahawakan niya ako sa aking braso at iniharap sa kanya. Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko, sa akin ang sisi. Makikita sa mga mata niya ang inis, ang galit, ang lungkot, ang pagkadismaya pero hindi ko na iyon pinansin.

"What?" walang emosyong tanong ko dito. Alam ko na 'to, bubulyawan nanaman niya ako dahil sa pagiging pabaya ko kani-kanina lang.

"Ano 'yon, Leif?! Ba't naman ganon?! Anong katangahan naman 'yon, ha?!"

"What? I did my best. And it's not my problem if Glee won. Atleast, I did everything that I can." kalmadong sagot ko dito. Nagpapasalamat ako sa sarili ko't nakayanan kong magsalita nang hindi sumisigaw o pumipiyok.

Glee won and not me. Ngayong araw ang aming sportfest at naisipan kong sumali sa archery hindi para irepresenta ang aming block kundi para maglibang. Alam naman ng lahat na isa ang archery sa aking libangan at gustong-gustong ginagawa, kaya naman naging kampante sila na mananalo ang aming block laban sa iba pang blocks at courses.

"No, no! You let Glee won the game, for pete's sake! Why did you do that?!" napasabunot na ito sa kanyang buhok at mahahalata mong inis na inis na ito.

"No, I didn't." sagot ko at iniwan na siya doon.

Wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin ng blockmates ko sa akin. Una pa lang, sinabi ko na sa kanilang I didn't join archery to win and they all agreed na whatever happens, its okay. Tapos ngayon, lalapitan nila ako para tanungin kung anong ginawa ko kanina? That's pure bullsh t, men.

"BUHAY!" muntik na akong ma-out of balance nang bigla akong yakapin ng damulag na ito. Psh, kahit kailan talaga'y isip bata.

"I won, Buhay, I won! Mas magaling na ako sa iyo!" nakangiting sabi nito habang hawak-hawak ang gintong medalya na nakuha niya matapos manalo sa archery.

"Nah, pinagbigyan lang kita. And please call me Leif and not Buhay." hindi porket life ang pagkakabigkas sa pangalan ko ay okay na sa akin na tawaging Buhay, korni kaya.

"Mukha mo, hahahaha. Umamin ka na kasi, mas magaling na ako sayo!" proud na sabi nito kaya naman umiling na lang ako at hindi na sumagot.

Glee is actually my half brother. Mag-iisang taon pa lang siyang nag-aaral dito at walang nakakaalam na magkapatid kami. Mas pinili naming hindi na lang ipaalam sa lahat lalo na't ayaw naming maapektuhan ang image ng mama niya. Kilala kasi ito dahil siya ang kasalukuyang mayor sa aming lugar, isa pa, isa lang ang alam nilang anak nito at walang ibang anak sa labas ang asawa niya. Pero dahil sa isang sold (soldier) ang papa ko, hindi maiiwasan ang pambababae. Ayan tuloy, nabuo ako. Ang mama ni Glee na kasalukuyang tinuturing kong nanay ang tunay na asawa ni papa. Kumbaga, kabit lang talaga ang mama ko. Sa katunayan ay ito ang nagpalaki sa akin dahil namatay ang mama ko noong isinilang ako. Mabait naman ang mama ni Glee at si Glee kaya wala kaming nagiging problema sa bahay, sadyang mas matanda lang ako kay Glee ng dalawang taon. Eighteen siya, twenty naman ako.

"Buhay–"

"Leif, Glee. Leif." putol ko dito.

"Ate, look." seryosong sabi nito kaya naman tinignan ko ang tinuturo niya.

Nagkakagulo ang mga tao. May mga naghahabulan, may mga nadapa at mga hindi alam kung saan sila pupunta. Dahil sa lakas ng mga tilian sa athletic center, hindi maririnig ang ingay dito sa labas. Maaaring na sa quadrangle pa lang ang gulo at wala pa sa loob.

UNDEAD: Zombies AheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon