Naranasan mo na bang mag mahal ng sobra? Iyong tipong sa isang lalaki umiikot ang mundo mo pero niloloko ka lang pala.
Ang hirap magpaka tanga sa isang taong akala ko siya na. Hindi pa pala.
Sabi nga ng mga kaibigan ko, bakit siya pa? Bakit sa isang tulad niyang manloloko? kailan kaba magigising sa katotohanan.Binigay mo nga lahat pero bakit may kulang? Saan ba ako nag kulang? Araw-araw pinaramdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal pero kulang ka parin. Iba talaga ang epekto ng first love. Babalik at babalik ka rin.
Nabasa ko ang post ng babae. "It was me before you and now it's me again". Grabi ang sakit lang isipin na mahigit isang taon kayong nag sama binaliwala lang pala nya dahil sa isang tao.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob na magpakita sa ibang tao. Alam ng lahat kung ano ang nagyari. Pero kinaya ko lahat. Halos hindi na ako pumapasok sa school kung pwede lang sana mag drop out pero hindi parin pwede.
Sabi ko nga sa sarili ko. I will fight for what is mine, pero ang daming "bakit" sa mundo. Bakit siya parin kahit na bumalik kana sa akin. Bakit siya parin ang nakikita mo. Bakit binaliwala mo na naman ako. Bakit niyo ko nagawang lokohin. Ano ba ang nagawa kong mali.
Betrayed. Yan ang salitang lumabas sa bibig ko simula nung nalaman ko ang lahat. From his friends down to my own friends. Ano ba ang nagawa kung kasalanan bakit ba ako nag hirap ng ganito.
Am I not enough? Am I not worthy? Tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.
YOU ARE READING
Come Back Again
RomanceOnce a cheater, always a cheater! Hi I'm Anais Bless Roberts and here's my story.