Malakas ang buhos ng ulan pero dahil wala akong dalang payong ay sinugod ko nalang ito."Jessie please pag usapan natin to" Ani niya sa hindi kalayuan pero hindi na ko lumingon pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad sa ulanan. Wala na kaming dapat na pag usapan pa.
Ilang minuto lang ang lumipas ng makauwi ako at may kumakatok sa pintuan.
Napabuntong hininga ako."Kakausapin ko ba sya? o wag nalang?"tanong ko sa sarili ko pero hindi ko ba alam kung bakit kahit ayaw ng mga paa ko na lumakad ay tila ba inuudyok nito ang puso ko para tuluyan na ngang pag buksan sya ng pinto.
"Jessie let's talk" Ma-awtoridad na utos nito pagkabukas ko ng pinto. Habol habol pa nya ang hininga at basang basa din ang suot nyang yuniporme. Mukang sumugod din sya sa ulanan.
humugot ako ng isang malalim na hinga bago ito kausapin. Hindi ko ba alam bakit hindi ko sya kayang tignan.
"Ano bang gusto mong pagusapan natin?" Nag iwas ako ng tingin pero hindi ko maitatago na nag aalala ko na baka mag kasakit sya dahil basang basa ang damit nya.
"Pinag alala mo ko alam mo ba yun? bakit ka ba kasi bigla biglang umalis saka bakit ka ba sumugod sa ulanan tignan mo basang basa ka" Lumambot ang puso ko sa sinabi nito pero ayokong ipakita yun sa kanya. Ayokong isipin nya na malakas ang epekto sakin ng pag aalala nya.
"Ano bang pakialam mo? saka puwede ba? umuwi ka na." pag susungit ko at akmang isasara na ang pintuan.
Hinawakan nito ang doorknob dahilan para mapatigil ako. Lumapit ito sa akin saka pinatong ang kamay niya sa balikat ko. Tinignan ko ito sa mata at mapapansin ang pagod sa mga mata niya. Hinapit ako nito palapit sa kanya saka niyakap.
Ramdam ko ang hinga nito at ang mabilis na pintig ng puso nya dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa. Nakaramdam ako ng init mula sa pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula na ako habang yakap yakap ako nito.
Unti unti itong bumibigat at kaunti nalamang ay hindi ko na kakayanin ang bigat nito at mawawalan na ako ng balanse.
Agad ko itong inihiga sa sofa saka idinampi ang kamay ko sa gilid ng leeg nya.
"Inaapoy ka ng lagnat."
kumuha ako ng isang planggana na may malamig na tubig saka isang malinis na towel para idampi dito para naman kahit papaano ay bumaba ang lagnat nya.
Habang pinupunasan sya ay di ko maiwasang pagkatitigan ang mukha nito. Natatakpan ng mahaba nyang bangs ang medyo singkit nyang mga mata na bumabagay sa mistisong kulay ng balat nya.
Maya maya pa ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko at nakita kong gising na nga sya.
"Gising ka na pala,basang basa parin ang suot mo kaya mag palit ka muna ng damit." Umayos ito ng upo sa sofa. Inalis ko naman ang kamay ko na hawak nya saka nag halungkat ng damit na kasya sa kanya at nakita ko ang isang white t shirt at saka short na inorder ko noon online pero hindi ko naman masuot dahil sa masyado itong malaki sakin.
Iniabot ko dito ang damit na dala ko. "Mag palit ka muna" saad ko habang nakatingin lamang ito sa akin saka tumayo sa kinauupuan nya at kinuha ang damit na inaabot ko.
Panigurado akong babagay yan sa kanya dahil sa matangkad sya kaya sakto lang sa kanya ang damit.
Nagkaron ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa nakatitig lamang kami sa isat isa kaya kaaagad nya itong binasag.
"Pwede mag tanong?"
"Nag tatanong ka na"Pamimilosopo ko.
"Sino yung tinutukoy mo nung nakaraan na gusto mo?"Seryosong tanong nya.
Hindi ko ba alam pero para akong naging estatwa sa tanong nya dahil wala akong imik o sagot manlang dahil nakatitig lang ako dito.
"Sino?"muling pagtatanong nya.
"Bakit ba gusto mong malaman?"nag iwas ako ng tingin.
"Masama ba?"
Akmang aalis na sana ako para makaiwas sa tanong nya ng hawakan niya ang braso ko.
"Sandali lang, sagutin mo muna yung tanong ko." Pagpupumilit nya.
Napatingin ako sa salaming nasa gilid lang namin at sa totoo lang ay kitang kita ko ang buong sitwasyon ngayon.Nakahawak sya sa braso ko habang seryosong seryoso ang mukha.
"sino?" Muli nyang tanong.
Humarap ako dito saka nag baling ng tingin sa salamin.
"Harap ka sa salamin..." Yan nalamang ang tanging nasabe ko sa tanong nya at habang nakatingin ako sa salamin ay nakita kong tumingin nga sya dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko.
"Yan yung gusto ko...yung taong gusto ko..." Mahinang bulong ko.
Maya maya pa ng makarinig ako ng malakas na tunog malapit sa may ulunan ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka tumayo na sa higaan at pinatay ang alarm ko.
"Panaginip lang pala..." Mahinang sabi ko sa sarili bago nag inat ng katawan.
Kung hindi ako nag kakamali ay hindi lamang iyon ang unang beses kong napanaginipan ang misteryosong lalaking iyon at naguguluhan padin ako hanggang sa ngayon dahil sa hindi ko maaninag ng maayos ang itsura nito dahil masyadong malabo ang mga larawaran sa panaginip ko.
Bumukas ang pintuan sa silid ko at iniluwa nun si Mama.
"Gising ka na pala. Mag asikaso ka na pag katapos bumaba ka na para mag almusal dahil pupunta tayo kay Doktora pag katapos." Bilin nito saka agad na umalis.
BINABASA MO ANG
In God's perfect timing
General FictionIf right now Isn't for us I pray we meet again and if not, I wish you find happiness. I am very glad I've met you.