Napatigil ako sa pag d-drawing ng dumating si Tito. Umupo ito sa kaharap kong upuan. Kasalukuyan kaming nag babakasyon dito sa baguio habang hindi pa nag sisimula ang klase.
Inilapag nito ang isang baso sa tabi ko.
"Tikman mo masarap yan." Nginitian ako nito.
Kinuha ko ang baso saka pinag masdam ang laman nito. "Ano po ito?"
"Strawberry taho. Alam mo iho paboritong paborito yan ng mama mo noong nabubuhay pa sya. Madalas kaming nag babakasyon dito sa baguio para lang diyan." Nginitian ako nito bago humigop sa basong hawak niya na may laman ding strawberry taho.
"Ang sarap.." Natawa ito.
"Sabi sayo e" Napatingin ito sa gawi ng sketchpad ko.
"Ang galing mo na mag drawing ah. Kamukang kamuka na ng mama mo." Pamumuri nito sa gawa ko.
"Salamat po."
Si Tito Simon ang nangangalaga sakin ngayon simula nung mawala si Mama. Pastor din sya kaya madalas niya akong pangaralan tungkol sa Bibliya.
"Nga pala saan mo balak mag enroll ngayong taon?" Ibinaba nito ang walang lamang baso sa lamesa saka tumingin sa labas. Tanaw na tanaw mula dito ang kabahayan sa bundok at ang fogs na bumabalot sa lugar.
"Hindi ko pa nga po alam." Tumingin ito sa gawi ko.
"Alam mo Gino mas maganda kung sa manila ka mag aaral. Madami kang school na mapag pipilian doon."
"Pag iisipan ko po." Wika ko saka hinigop ang natitirang tao sa baso ko.
Napatingin ako sa relos ko. "Ah..Tito mauuna na pala ako may pupuntahan pa po kasi ako."
"Sabay ka na sakin?" Alok nito.
"Hindi na ho kaya ko na po mag isa." Ngumiti ito. "Sige mag iingat ka, huwag mong kalilimutang mag dasal." Tumango ako dito saka kinuha ang sketch pad ko at inilagay iyon sa bag ko.
Patakbo akong pumunta sa gawi ni Yani, ang kababata ko.
"Sorry late ako ng 10 minutes." Hingal na saad ko.
Nakasimangot ang mukha nito. "Psh kailan ka ba hindi na late?"
Lumapit ako dito saka kinurot ang pisngi nito. "Ang sungit mo buti nga sinamahan kita e" pang iinsulto ko. Inalis nito ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya saka inirapan ako. Sa totoo lang sanay na ako sa ugali nyang ganyan dahil sa madalas ko na syang kasama.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko nang hatakin nito ang braso ko kaya wala akong choice kundi sundan siya.
Huminto kami sa tapat ng isang resturant.
"Sikat ang kainan na ito dito sa baguio dahil sa masarap daw ang mga pagkain dito kaya gusto kong sulitin ang bakasyon-"
"Ang dami mong sinasabi, di mo nalang sabihin na kakainin tayo dito at mag papalibre ka." Napailing nalamang ako nang umukit ang malaasong ngiti sa mukha niya.
Napatigil ito sa pag kain at tumingin sa gawi ko. "Kanina ka pa naka tutok sa laptop mo, ano bang pinag kakaabalahan mo?" Tanong ni Yani saka muling sumubo ng kinakain nya.
Tumingin ako sa gawi niya. "Nag hahanap kasi ako ng magandang school sa Manila." Napatigil ito. " Sa Manila ka na mag aaral?" Napatango ako.
"Sabi ni Tito madami daw magagandang school sa Manila so why not?" Binaling ko muli ang sarili sa laptop. Bahagyang natahimik si Yani at kitang kita ang lungkot sa mukha niya.
Ngumisi ako. "Bakit ganyan itsura mo?"
"Wala lang, lilipat ka na kase."
"kahit malayo na ako ikaw pa din ang best friend ko." Saad ko saka ipinag patuloy ang ginagawa.
Para bang may kung anong pumiga sa puso ni Yani at paulit ulit na sumasagi sa isipan nya ang salitang kaibigan na sinambit ng binata. Hindi niya ba alam pero nasasaktan siya kapag sinasabi nito ang salitang kaibigan dahil alam niya sa sarili niya na hanggang doon nalamang siya at yun lang ang tingin sa kaniya ng binata at hindi na mag babago iyon. Gusto niya na aminin sa binata ang nararamdaman nya bago paman din ito umalis pero natatakot siya na baka mag bago ang turingan nila kapag umamin siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko dahil sa matagal na pag katulala nito.
Tumango ito. "Busog na pala ako." Tumayo ito sa kinauupuan. "Cr lang ako." Tinanguan ko lamang siya saka nag patuloy na ulit sa ginagawa.
___
"Anong desisyon mo?" Tanong ni tito saka ibinaba sa mesa ang hawak nyang Bible. Umupo ako sa sofa malapit sa kanya.
"Nag search ako, tama po kayo madaming magandang schools sa manila."
"May napili ka na ba?" Tumango ako.
"Mayroon na po kaso nag aalangan ako kasi ang mahal ng tuition fee, baka kulangin po tayo."
Lumapit si Tito sa gawi ko saka ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Alam mo iho, God will provide kaya huwag mong isipin na kakapusin tayo." Natawa ito.
"Alam mo iho noong nag aaral pa ako madalas akong walang baon, naiinggit nga ako noon sa mga kaklase ko dahil ang sasarap ng pinapabaon sa kanila ng mga magulang nila. Sabi din ng mga magulang ko na hindi na daw ako makakapagtapos ng pag aaral dahil wala na silang pampaaral sa akin. Pero nakatapos naman ako. See? may mga bagay na akala natin imposible pero ginagawang posible ng Diyos."
Mapakla akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
In God's perfect timing
General FictionIf right now Isn't for us I pray we meet again and if not, I wish you find happiness. I am very glad I've met you.