"Yes! enroll na ko!!!" Sigaw ko habang nag sasasayaw sayaw sa kusina.
"Itong batang ito talaga oo. Ano ba yang tinitili tili mo diyan Jessie?" Ani ni Mama habang nakiki usiyoso sa laptop ko.
"Ma! naka enroll na ko sa school na pangarap kong pasukan." Masayang saad ko dahilan para matuwa din si mama.
Inilapag nito ang kanin sa lamesa. "oh sya itabi mo na muna yang laptop at umupo ka na dito. Mag hahapunan na tayo.Tawagin mo na din ang kapatid mo. Sabihin mo kakaina."
Tumango ako dito pero hindi pa rin nawawala ang galak sa mukha ko.
"Arone?" Kumatok ako sa pintuan pero hindi ito sumagot kaya akmang kakatok sana ulit ako ng walang emosyong binuksan na nya ang pinto.
"Tawag ka ni Mama kakain na daw." Saad ko saka bumaba ng hagdan. Agad namang sumunod ang kapatid ko.
College student na din ang kapatid ko gaya ko kaya madalas kaming kapos sa gastusan dahil pareho kaming nag aaral at si mama lang ang bumubuhay samin dahil pinabayaan na kami ni papa. Sumama sya sa ibang babae.
"Nakapag enroll na ang ate mo, e ikaw ba anak naka enroll ka na ba?" Tanong ni mama habang sinasandukan kami ng kanin sa plato.
Tumango ang kapatid ko pero wala syang binitawang salita.
______
"Aalis ka na ba talaga?"
Napahinto ako sa kinatatayuan ko saka lumingon sa gawi ni Yani. Makikita sa mga mata nito na malungkot sya.
Mapakla akong ngumiti saka tinanungan sya.
Lumapit sya sa gawi ko. "Bago ka umalis...gusto kong malaman mo na-"
"Gino bilisan mo na diyan at nag mamadali tayo!" saad ni tito sa hindi kalayuan habang nilalagay ang mga gamit ko sa kotse.
Muli akong lumingon sa gawi ni Yani. "Ano yung sasabihin mo?"
Nanatiling walang imik si Yani, nakatingin lamang sya sa mga mata ng binata. Hindi nya ba alam kung ito na ba ang tamang oras para sabihin na gusto nya ito dahil ayaw nyang may pag sisihan siya sa huli.
"Yani?" Pag tawag muli ng binata.
Mapakla siyang ngumiti dito. "Gusto ko lang sabihin na mag ingat ka." Saad nya saka inabot ang isang bracelet dito.
Hinablot nito ang braso ng binata saka isinuot ang bracelet doon.
"Para saan ito?" Tanong ni Gino.
"Remembrance."
"Thank you."
"Gino tara na." Napalingon si Gino sa gawi ng tito nya at ready na ang lahat kaya kailangan na niyang umalis.
"Pano ba yan mauuna na ko."
"Mag iingat ka." Mapaklang ngumiti ang binata bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Pinag masdan ni Yani ang kotseng sinasakyan ng binata hanggang sa makalayo na ito.
"Akala ko wala akong pag sisisihan. Meron pala at yun yung hindi ko sinabi sayo na gusto kita, matagal na."
Hindi namalayan ni Yani na unti unti na palang nagingilid ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan.
BINABASA MO ANG
In God's perfect timing
Ficção GeralIf right now Isn't for us I pray we meet again and if not, I wish you find happiness. I am very glad I've met you.