#LUITS #CHAPTER24
Natulala lang si Margaux sa tanong ni Charles kahit ako, yung luha ko gusto ng tumulo kaso hindi naman kailangan yung luha ko dito kaya tumahimik nalang ako at pinapanood yung mga nangyayari
"Charles... " Tawag ni Margaux sa pangalan ni Charles at mabilis na tumulo ang luha sa mata niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nagawa yun pero tila ay napipi ako
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
Biglang parang gumulo yung utak ko
Kita ko yung higpit ng hawak ni Margaux sa kamay ni Charles at titig na titig dito. Ngunit si Charles ay hindi man lang siya matingnan at pilit na pinipigal yung pagtulo ng luha ko
Ayos lang namang umiyak e. Lalo na kung nasasaktan kana talaga
Nakita kong nakabihis na itong lalaking ito at lalapitan sana si Margaux
Ngunit isang malakas na suntok lang ang natamo niya at nabagsak sa sahig
"Charles!" Sigaw ni Margaux at tinulungan makatayo si
Ivan
Ang kakapal ng mukha ninyo
"Nakakatawa naman. Ako na nga itong nagago ako pang masama ngayon" Napalunok naman ako ng sabihin niya yung katagang iyon. Nararamdaman kong sobra na siyang nasasaktan
At pati ako nasasaktan din para sa kanya
"Tangina pala ano. Pare" Wika niya at ngingisi ngisi at tila ba kinakausap si Ivan ngunit nakahawak lang sa mukha si Ivan dahil siguro sa sakit ng suntok
At tumulo yung luha ni Charles
Aalis nalang siguro ako. Mas maganda sigurong wala na ako doon
"Hindi lang naman ako yung nagloko, Charles! Alam mo yan!" Basag na boses na wika ni Margaux
Tatalikod na sana ako pero bigla akong tinitigan ni Margaux. At ngumiti ng malungkot sakin
"Hindi ba? Rebound mo lang naman ako!" Sigaw ni Margaux at galit na nilipat yung tingin kay Charles. Dapat wala na ako dito e mas lalo lang gumulo
I bit my lower lip to restrain myself from having tears on my eyes
Masyado ng maraming drama sa loob ng kwartong ito ayoko ng dagdagan
"Hindi....hindi" Mariing tanggi niya at umiling "Wag mong isisi sakin bigla yung gulong to. Dahil unang una ikaw yung nanggago" He clenched his jaw. Nakita kong napa-awang yung labi ni Margaux ako rin naman e
Masyadong gulat sa mga nangyayari
"Edi ako pa dapat sisihin. Dapat kasi hindi ka nalang lumapit sakin sana hindi mo nalang ako kinulit! Edi sana wala tayo sa eksenang ito" Sunod sunod na sumbat ni Margaux pero kahit isa roon ay wala akong naintindihan
Sarkastikong napangisi si Charles
"Dapat din kasi sinabi mo sakin. Sinabi mo na mayroong tarantadong Ivan diyan sa buhay mo. Ng hindi na kita ginulo" Mariing napapikit si Margaux. Hindi sila magkakaintindihan kung magsisigawan lang sila
Ang gulo niya
"Pilit kong sinasabi sayo! Pero pilit mo din na iniba yung topic pag tungkol na dito yung usapan" Sambit ni Margaux. Natawa lamang si Charles at napapikit
"Hindi ba pwedeng ayoko lang masaktan?" Tanong niya na sinundan ng pagtulo ng luha sa mata niya isang patak lamang iyon na mabilis din niyang pinunasan
"Umalis ka nalang. Hayaan mo nalang ako at wag ka ng magkunwaring nasasaktan diyan dahil kahit kailan naman hindi mo ako minahal. Ginamit mo lang ako para kalimutan si Amandine ngayong nagawa mo na, patahimikin mo na yung buhay ko" Wika ni Margaux at hindi mapigilan yung sarili niya sa pag-iyak. Naalala kong buntis siya at baka ma stress siya ng sobra at pati yung baby mapahamak
YOU ARE READING
(Sky Series#1) Look Up In The Sky (COMPLETED)
Teen FictionSky Series #1: Amandine Lazaro is a sweet girl and she happened to met Charles Scott Velasquez the guy who has very unique personality which will make Amandine's life like a rollercoaster ride and give her different kinds of emotions. And also Kaise...