#LUITS #Chapter36
"Dra. Lazaro saluhan mo na kami dito" Pang-aaya sakin ng isang Nurse mayroon kasi silang maliit na salo-salo doon sa Cardiology Staff Station
Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila kaysa nasa office ako at mag-isa doon makikisalo nalang ako dito. Maayos naman yung lagay ng mga pasyente kaya pwede naman ito siguro
"Ay! Dr. Manansala sali kana din dito" Tawag din nila kay Wade ngumiti siya sakin ng makita ako kaya ganun din ang ginawa ko
Kinain ko na yung palabok, ang sarap ha!
"Sobrang cute talaga ni Doc Charles hano!" Parang kinikilig pang sabi ng isang Nurse dito sa tabi ko kaya nagulat pa ako ng onti
Napatingin ako kay Wade na mukhang pilit na pinipigilan yung pagngiti
Tss. Chismoso din ito e akala mo kung sinong tahimik, kumain nalang din siya
"Hindi kaya! Mukha kayang gwapong badboy si Charles" Apila pa ng katabi niyang Nurse, kaya nabulunan tuloy ako
Ano ba naman yan!
"Dra. Lazaro tubig po" Inabutan naman ako ng tubig nung Nurse na sinabihan ng cute si Charles tinanggap ko naman
At tumango tango pa pagkatapos kung uminom. Bakit ba kasi kailangan pa nilang pagusapan si Charles. Sabagay, gwapo talaga yung lalaking yun kaya hindi malabong magkagusto sa kanya itong mga Nurse na ito
Pero hindi kaya yun cute mas bad boy pangang tingnan yun pero may time nga na cute siya
Fuck?!
Nakikisali pa talaga ako sa kanila!
"Speaking of him" Rinig kong bulong ng isang Nurse kaya napatingin ako sa paligid at nakita ko nga siya kausap niya yung Head ng mga nurse
Talagang workaholic talaga siya
"Doc Charles kain po kayo dito" Nahihiyang sabi pa ng isang Nurse mga kabataan nga naman halatang may crush kay Charles ito e
Iba talaga ang tama ng mga kabataan kay Charles
Ngumiti lamang siya "Busog pa..." At tipid na sagot niya, kumain nalang ako kj naman talaga siya e kasarap sarap ng pagkain dito
"Hay nako sobrang gwapo talaga ni Doc Charles nakakainlove talaga!" Bigla akong napatingin sa Nurse ng isigaw niya yun. Tapang a
Kaso ang hirap makuha ng isang Charles Scott Velasquez, peste naman kahit pangalan niya ang gwapong pakinggan
Nagtawanan lang kami
"Mauna na ako, kailangan ko pang puntahan yung mga pasyente" Paalam ni Wade ng tumingin siya sakin tumango lang ako ganun din naman siya
"Ah! Dra. Lazaro" Nagulat ako ng tawagin niya ako at hinawakan pa yung kamay ko at nakatingin sakin na parang nakikita na niya yung kaluluwa ko
Baliw na baliw na siya kay Charles
Nakakabaliw naman talaga yung lalaking yon
"Yes?" Pormal na tanong ko sa kanya
"Diba po close kayo ni Doc Charles?"
"Hindi"
"Eh? Rinig ko po kasi close kayo lalo na ng nasa Med School daw po kayo?" Sunod na tanong niya at bigla akong napa-iwas ng tingin. Walang hiya? Saan niya narinig yun?!
Pinagchichismisan ba kami dito?!
Minsan meron akong narinig na chismis at sabi ay mataray na suplada daw ako
YOU ARE READING
(Sky Series#1) Look Up In The Sky (COMPLETED)
Genç KurguSky Series #1: Amandine Lazaro is a sweet girl and she happened to met Charles Scott Velasquez the guy who has very unique personality which will make Amandine's life like a rollercoaster ride and give her different kinds of emotions. And also Kaise...