Chapter 17

2.3K 27 0
                                    

Chapter 17

"Huwag kang tatanggap ng inumin sa kahit kanino. Huwag ka din lalayo kay Connor." Paalala sa akin ni Kuya Asa.

Nandito ako ngayon sa bar kung saan tutugtog sila Isaiah kasama si Kuya Asa. Ito ang pinagkaabalahan nila noong summer. It's their first time to perform in a crowd.

I rolled my eyes and nod. I sipped to my drink and look at the crowd. Medyo marami na rin ang tao ngayon dito.

I bit my lips when I saw Isaiah walk through the crowd and can't help but to smile. Sinalubong siya ni Kuya Asa.

Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita, napansin ko ang pag-babago sa kanya. Mukhang malimit siya sa gym dahil mas lalong nadepina ang kanyang braso. Ang kanyang buhok rin ay medyo magulo at mahaba at mukhang hindi na rin naman siya nag-abalang ayusin iyon.

My lips parted when I realized that he's wearing the sweater I gave to him again and he paired it with his dog tag, jeans and a Balenciaga shoes. His eyes met mine when he realized that someone is staring at him. Nag-iwas naman ako ng tingin ng nakaramdam ng hiya at tinitigan at nilaro ang aking inumin.

"Kanina ka pa dito?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Connor na pala iyon.

Umupo siya sa tabi ko hawak ang kanyang jacket na nilagay niya iyon sa hita ko dahil naka-skirt ako.

"Nope, halos kadadating lang din namin." Ani ko.

"Binilin na ako sa iyo ni Kuya ha." Biro ko sa kanya at bahagyang natawa.

Halos mag-kasama kami palagi nitong nakaraang linggo kaya mas naging komportable ako at mas nakilala siya ng maayos.

"Kahit hindi niya na sabihin ano." Sagot naman niya at mayabang akong nginitian.

Inirapan ko na lang siya at medyo natawa na din.

"Ladies and gentlemen, let's give it up for The Unknown." Napunta na ang buong atensyon ko sa entablado.

Really? The Unknown. Akala ko hindi seseryosohin ni Kuya ng sinabi niya sa akin na The Unknown ang gusto niyang ipangalan sa banda. Buti napapayag niya ang kabanda niya. I laugh at my thought.

Lahat sila ay pare-parehong naka sweater, halatang halata tuloy na para silang mag-dedebut as a band.

"Good evening everyone! We are The Unknown and I'm Jean their vocalist and Electric guitar. Martin our drummer." Kumaway naman iyong nasa may drums.

"Isaiah our pianist." Nakita ko naman na tumango lang si Isaiah at hindi man lang ngumiti.

Napailing na lang ako sa inasal ni Isaiah.

"Asa our leader and in bass." Napairap naman ako ng kumaway si Kuya Asa at ngumiti pa ng pilyo na siyang kinatili sa mga babae.

"I hope you'll enjoy our first performance." Nakangising sabi ni Jean saka inayos na ang strap ng gitara niya.

Itinutok ko ang buong atensyon ko sa kanila. Nasa pwesto na sila at sinimulan na ang instrumental music nila.

"Mukhang maiinspired si Isaiah ah." Pang-aasar ni Connor kaya't siniko ko siya.

Ininda niya lang iyon saka ako inakbayan

Nagulat naman ako ng makitang tumingin si Isaiah sa akin but I'm not sure kung ako nga ang tinitignan kaya't tumingin ako sa likod at walang nakitang tao doon. Binalik ko ulit sa kanya ang tingin ko pero sa keyboard na siya nakatingin.

I bit my lips at napaisip, baka naman namalik mata lang ako.

Nag-simulang tumugtog ang drums na sinundan naman ng keyboard.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon