Chapter 6 (Party)

8.1K 503 67
                                    

Adrian's POV

   Lumabas na ako sa kwarto ko at nagtungo sa sala kung saan naabutan kong naghihintay sa akin si Kuya Ken. Sabay kasing kaming pupunta sa Party.

   "Kuya, Tara na" aya ko rito ng makarating na sa harapan niya. Tiningala niya ako at nang makita niya ako ngumiti siya.

   Tumayo siya, "Ang gwapo ngayon ng bunso ko ah" sabay kurot sa pisngi ko.

   Napasimangot ako at hinimas ang kinurutan niya. "Ang sakit"

   "Hahaha tara na, at baka naghahantay na doon ang mga kaibigan mo" Ani nito kaya lumabas na kami sa dorm namin at tinungo na ang pagdadausan ng kasiyahan.

   Pagdating namin doon, sinalubong kami ng mga kaibigan ko. Nakita ko rin si Ate Sam, pagkakita nito sa akin, sinalubong ako nito ng yakap.

   "Grabe ang pogi mo ngayon Ian" Manghang ani nito habang nakatingin sa akin o sa ayos ko.

   "Kami pa ba Secretary Sam" litaw nina Jane kaya nakipagbeso si Ate Sam sa kanila.

   "You look stunning girls" puri ni Kuya Sam sa mga kaibigan kong babae. Nahiya naman sila.

   "Hindi naman po" ani April at hinawi sa likod ng tenga niya ang takas na buhok.

   "So pupunta na kami sa table ng Student Counsil, kita kita nalang tayo mamaya" paalam ni Ate Sam at hinila na si Kuya Ken kung saan.

   "Ang pogi mo Adrian" puri sa akin ni April. Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya.

   "Attention students" panimula ng isang MC sa stage kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.

   "Goodevening everyone, masaya kami dahil pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon ngayong gabi. Ang kasiyahang ito ay para sa mga bagong mag-aaral ng ating unibersidad. Welcome to Yunji University mga Freshman students.

   Bago ang kasiyahang ito, ibinabalit namin ngayon na nagbalik na ang ating Student Counsil's Vice President, na nawala ng ilang araw dahil sa paligsahang ginanap.

   Students meet Ritsuki Kaoru Ichiro, please give him a round of applause" ani ng MC, at may lalaking umakyat sa stage. Inabot ng mc ang mic dito.

   "Nice to meet you all, I am Ritsuki Kaoru Ichiro, the Student Counsil's Vice President. Please enjoy this event and welcome to Yunji University" Malamig na saad nito at ibinigay na ang mic sa mc bago bumaba.

   "Grabe ang ikli talaga magsalita ni Vice Pres." Rinig kong reklamo ni Francis.

   "So students, lets start the party" at naghiyawan na ang mga estudyante.

   "Ay Adrian ito pala, nakalimutan kong iabot" Sabay abot sa akin ni Francis ng isang black mask. Inabot ko ito.

   "Para saan ito?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila na sinusuot ang kanilang maskara.

   "Mandatory daw eh" ani niya kaya napatingin ako sa paligid ko at nakita ang iba pang estudyante na nakamaskara.

   "Um excuse me, April" Pagsasalita ng isang boses lalaki kaya napatingin kami sa direksyon ni April at nakita namin na may lalaki sa gilid niya.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now