Chapter 19 (New Classmate)

6.2K 337 10
                                    

Adrian's POV

Umaga na pero dilat na dilat pa rin ako, hindi manlang ako nakatulog kahit unti lang. And this is President Yuichiro's fault!. Tinignan ko ang alarm clock sa side table ko at Ala singko imediya palang ng umaga.

Naiinis akong bumangon mula sa kama ko at ginulo ang buhok. Bumuntong hininga muna ako, tumayo at kinuha ang tuwalya bago pumasok sa loob ng banyo para maligo na.

Hinayaan kong bumagsak ang malamig na tubig sa buo kong katawan mula sa shower. Hinawi ako na ang basang bangs ko na tumatabing sa mukha ko. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin na nandito sa banyo. At halatang halata na hindi talaga ako nakatulog.

Ebidensiya na rito ang mamula mula kong mga mata na halatang kulang sa tulog at nagkaroon ako ng eyebags sa ilalim ng mga mata ko.

Trenta minutos din ang tinagal ko sa banyo bago lumabas na nakatapis habang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang basa kong buhok. Natinig ko na nagring ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito bago sinagot ang caller at niloud speaker.

   "Good Morning Adi!" Bungad ng tumawag. Kinuha ko ang brief kong nasa ibabaw ng kama.

   "Good Morning din, Jade" balik ko habang sinuot ang brief ko. Sinunod ko ang pants ko na isuot.

   "Already Up?" Tanong niya. Noong itanong niya sa akin iyon, inaayos ko na ang uniform at neck tie ko.

   "Yes, Papasok na ako maya-maya" sagot ko na nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin habang kinakabit ang neck tie ko.

    "Ang aga mo naman Adi" ani niya at natawa nalang ako. Well kahit kasi nakadorm si Jade dito sa University, minsan nalilate pa ito.

    "I'm not you Jade" asar ko rito at nagtagumpay naman ako dahil narinig ko itong inis na napabuntong hininga.

    "Yeah right!, I'll see you later" ani nito at pinatayan ako ng tawag. Natawa nalang ako, hahaha naasar kasi iyon.

Lumabas na ako sa kwarto ko at tinungo ang kusina. Naabutan ko doon si Kuya Ken na nagluluto.

   "Good Morning, Kuya Ken" bungad ko rito para makuha ko ang atensiyon niya. Nginitian niya ako.

   "Good Morning din Adrian, umupo kana at malapot na ring matapos itong niluluto ko" Ani niya kaya umupo na rin ako.

Natapos naman siyang magluto at inilagay sa harap ko ang isang plato na may lamang bacon, itlog at sinangag. Binigyan niya rin ako ng fresh milk. Oh diba? Babyng baby ako hehehe.

   "I heard that you hangout with the Fujiwara Brothers yesterday night" sabi ni kuya. Napatigil naman ako sa pagsubo at nahihiyang napatingin sa kaniya.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang umiinom ng kapeng tinimpla niya.

   "Um opo, hehehe paano nyo po pala nalaman?" Tanong ko at pinagpatuloy ang pagkain.

   "Hmmm, kina Jade pero kahapon pagbalik ko, narinig ko na usap-usapan kayo ng mga estudyante" sagot ni Kuya Ken.

Hay naku talaga Jade, lagot kayo sa akin mamaya.
Ngiming ngumiti nalang ako at tinapos agad ang pagkain ko.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now