Kabanata 1

23 1 0
                                    




Kabanata 1

Merlot


"Savannah! Pwede bang ikaw muna ang mag serve sa table six?" Ani ng katrabaho ko at ang nag iisang best friend kong si Cresencia.


Parehas kaming serbidora sa isang five-star restaurant dito sa hotel ng Oceanic Bay na malapit sa Manila Bay. Isang restaurant that primarily serves all kinds of fresh seafoods. Katabi ito ng isa sa pinaka malaking casino na pinupuntahan ng mga mayayaman. At ang mga floors naman pataas ay karamihan hotel rooms and residences.

Bihira ang makapasok ng trabaho dito sa mismong restaurant. They usually require employees that have a degree on HRM dahil nga high end socialites ang usually na pinagsisilbihan dito. At first, si Cresencia lang talaga ang nag apply dito sa restaurant. At ako naman ay panandaliang naging casino dealer sa gambling floor. Mas malaki ang naging sahod ko nuon sa pagiging card dealer. Madami rin kasi ang nag titip ng malaki lalo na kapag sinuswerte o nananalo ang mga manlalaro. But there was a time that Alduke was here with his girls and friends. They played on my table that night. Kaya lang after that, nalaman ko na lang na inilipat na ako dito sa restaurant ng wala man lang dahilan!

I confronted Duke about it dahil panigurado namang kagagawan niya iyon. Probably dreads na nakakaipon ako ng malaki sa trabahong iyon. But Cresencia said na baka naman daw hindi si Duke ang may gawa kundi daw si Darwin. Medyo napaisip rin ako sa sinabi niya na baka raw dahil sa mga sinusuot ko tuwing trabaho. Strict kasi ang dress code naming mga dealers. Kailangan full make up on, high heels, at maiikling mga damit.



"Bakit nanaman? Nakakailan ka na sakin ah!" Sambit ko sakanya habang nilalapag ang mga pinggan sa counter.



Napakamot siya ng ulo. "Yung babae kasing nakaupo sa table six yung ex ni Matthew. Ayokong matanggal sa trabaho."



Kumunot ang noo ko. "Bakit ka naman matatanggal sa trabaho? Pag mamay-ari niya ba ang hotel?" Sa pagkaka-alam ko, pamilya ng chinese na kaibigan namin ni Darwin ang may ari nito.



Umiling siya. "Hindi! Baka kasi masabunutan ko siya at kaladkarin sa labas dahil sa punyetang kalandian niya! Kaya sige na please!"



I chuckled. "Oo na! Oo na! Pasalamat ka, kaibigan kita!" Ani ko.


She has been my friend since freshman year. Hindi kami parehas ng kurso pero naging magkaklase kami sa iilang minor subjects. Madalas kaming magkasamang kumain sa campus lalo na nung mga taong hindi parehas ang schedule namin ni Darwin. Close din naman sila ni Darwin. She has been on our trips on beaches. At kung minsan pa nga ay siya pa ang gumagastos. Hindi ko kasi katulad si Cresencia. May estado sila sa buhay. Ang pamilya niya ay hindi lang may 'kaya'. Meron silang iilang chains of hotels sa bansa. Kaya lang nag ta-trabaho dito si Cresencia dahil gusto niya munang mag simula sa pinaka baba at magtrabaho rin sa ibang hotel para kapag siya na ang nagmanage ng pagmamay-ari nila, ay may experience na daw siya.



Ngumiti siya ng malawak at yinakap ako. "Thank you talaga bestieeee! Libre kita mamaya!"

Breaking PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon