20 ~ Impregnate

243K 9.3K 2.9K
                                    







CHAPTER TWENTY

SHE can't still believe to what she's seeing. Is she hallucinating? Pinaglalaruan ba siya ng sariling mga mata? She closed her eyes and took a breath, then slowly, she opened her eyes again but the view was still the same, it's still him.

Kianna fingers were shaking and it feels like she wants to throw up because of the overwhelming feelings inside her chest. Samo't-saring katanungan din ang tumatakbo sa isip niya kung paano, kailan at saan nangyari ang lahat.

"Kielton," she whispered Kielton's name the moment she get closer to him.

Maingat na naupo siya sa gilid ng kama, hindi gusto na istorbohin ang pagpapahinga nito. Hindi rin gusto na hawakan ito lalo at nakikita niya ang mga sugat sa halos lahat ng parte ng katawan. He looks so fragile that she's scared to even lay a finger on him, scared that she would break him or hurt him.

May mga gasgas sa mukha nito at maliliit na sugat na nalinis na. May nakabalot na gasa sa ulo, at sa parteng kanan ng noo ay halata ang dugo doon, tanda na may sugat 'yon.

He's wearing a white shirt that revealed the wounds on his both forearms. Maingat na itinaas niya ang kumot upang makita pa kung may sugat pa ito sa bandang binti, ngunit hindi niya na makita dahil nakasuot ng pajamang kulay puti rin.

Kielton is not moving but he's still breathing, yes, he's a live! Her boyfriend is alive! Kielton Grande is alive and breathing!

Sa saya sa katotohanan na 'yon muli siyang napaiyak, tinakpan niya lang ang bibig gamit ang mga kamay upang hindi gumawa ng ingay ang kanyang mga paghikbi.

Lahat ng lihim na pag-iyak niya tuwing gabi noon ay unti-unti nang napapawi. Ang sakit at pangungulila na naipon sa dibdib ay kumakawala na parang umaapaw na tubig sa lalagyan.

Seeing Kielton on flesh ease the burden inside her chest. Ito lang naman ang tangi niyang hangad, ang muling makapiling ang lalaking labis na minamahal.

"I was fishing when I saw his floating body."

Napatingin siya sa lolo niya na nakasandal sa dahon ng pinto ng silid.

Pinahid niya ang luha at naghintay ng susunod pa na sasabihin ng abuelo.

"I thought he was dead, but when I rescued him, he's still breathing. Tinawagan ko ang kaibigang doktor na gumamot sa kanya kanina. May tama siya ng bala ng baril sa tiyan, sa binti at sa likod, pero ang delikado raw ay ang sugat niya sa noo."

Ibinalik niya ang tingin kay Kielton, tapos ay sa sugat nito sa noo. Labis siyang nahabag sa sinapit ng kasintahan, ngunit humanga rin siya sa tatag nito dahil nakayanang lagpasan ang matinding pagsubok sa ibabaw ng karagatan.

Malakas ang alon, malamig at madilim ang tubig, mag-isa at walang makuhanan ng lakas kundi ang sarili, hindi niya lubos maisip na sinapit lahat 'yon ni Kielton nang dalawang araw.

"Nagising na po ba siya?"

"Hindi pa simula pa kanina. Kapag bukas ay hindi pa nagising ay dadalhin natin siya sa clinic ng kaibigan ko."

"Pagod na pagod ka siguro..." pabulong na sambit niya sabay marahan na hinaplos ang panga ng binata gamit ang daliri, iniwasan ang mga gasgas at sugat. "Magpahinga ka lang, dito lang ako, babantayan kita..."

"Nandyan ang mga gamot niya at may pagkain din sa kusina. Kapag nagising ang nobyo mo, pakainin mo at painumin ng gamot." Bilin ng lolo niya.

"Opo," mabait na sagot niya.

"Magpapahinga na ako at magpahinga ka na rin."

"Paano si daddy? Magpupunta po ba siya dito?" Hindi niya napigilang itanong.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon