Prologue

65 3 0
                                    

Ashley's POV

Ang init naman. Sabagay, summer kasi ngayon at nandito kami sa resort na pagdadausan ng birthday ni Dylan ba yun? Di ako sure sa pangalan ng name pero sa pagkakatanda ko, dylan ung pangalan. At aba, ang gwapo niya ha! Ang gwapo niya para pilitin ako ng best friend kong pumunta sa party na 'to. Paano, imbitado kasi siya. Tapos wala siyang kasama kaya ako ung sinama niya. Sasabihin ko sanang busy ako kaso naawa naman ako sa best friend ko. Baka maoop siya don. Kaya sumama na din ako.

"Ayaw mong uminom?" Sabi ni Kimberly, ang best friend ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, ayoko sa mga inom inom na yan eh. Party-goer ako pero without drinks hanggang juice lang ako. Natatakot kasi ako baka mamaya di ko pala kaya uminom tapos may mangyari lang na hindi maganda.

"You know me, Kim." Kung sa iba buong pangalan ang tawag kapag seryoso na, kami naman ni Kimberly pag seryoso na nick name ang tinatawag. Sabi nga namin, It's better to be weird than to be boring.

"Whatever, ashley. Whatever." Aba, at nagmake face pa siya bago ako talikuran at kumuha ng drinks niya. Hay nako. Ang boring naman dito. Wala naman kasi akong kilala. Mas masaya pa sana kung nagbasa nalang ako ng libro ni Gayle Forman na If I Stay kaysa tumunganga dito at hintayin na matapos 'tong si Kimberly.

"Hi." Nakakagulat naman 'to. Ang lalim lalim ng boses. Medyo husky, baka akala niya kinagwapo niya yan?!

"Uh, H-hello?" Ang gwapo niya pala! Asan na ba si Kimberly? Kailangan ko ng hampasan ngayon. Ang tangos ng ilong niya, ang pula ng labi niya, tapos ung mga mata niya nangungusap. Grabe! Tapos ang husky rin pala ng boses niya.

Kaso..nilagpasan niya ko! Nakakahiya yung pangyayari na yun. Akala ko sakin siya nag-hi. Yun pala sa katabi ko. Grabe, nakakahiya talaga. Hindi ako makaget-over. Kasi nakakahiya talaga.

"Kimberly!! Nakakainis. Ayoko na, uuwi na ko." Oa na kung oa pero kasi ang dating nung kanina para akong nagsalita ng walang kausap. Paano na lang pala kung may nakakakita? Nakakahiya talaga! Tapos feeling ko narinig niya kasi tumawa siya nung kausap na niya ung sinabihan niya ng hi.

"Ano na naman nangyayari sayo, ash?" Okay, seryoso na din siya. Ash na kasi tawag niya sa 'kin. Diba sabi ko kanina kapag seryoso na kami, nick name ung tawag namin sa isa't isa? Eh pano, nagagalit na siguro 'to kasi wala siyang kasama.

"Kanina kasi ung guy na yon.." Sabay turo ko sa lalaki kanina. "Akala ko nag-hi sakin kaya nag-hello ako pabalik medyo nautal pa 'ko kasi ang gwapo niya tapos malaman-laman ko, di naman pala sa 'kin nag-hi kundi dun sa babaeng nasa likod ko. Nakakahiya." Pagkatapos na pagkatapos kong i-kwento yun, tinawanan lang ako ni Kimberly ng pagkalakas-lakas. Nice one, kim. Nice one.

"Siya ung may birthday! Si Dylan ung sinasabi ko sayo. Ang gwapo 'no? Sabi ko naman sayo eh. Ayaw mo pang sumama ha?" Pang-aasar na naman sakin ni Kimberly. She really knows how to make me upset, huh?

"Nang-iinis ka pa ha? Makauwi na nga, di ko pa tapos basahin ung librong binili ko kahapon." Nakita ko naman ung pagbabago ng expression niya. Alam ko din ang kahinaan niyan, ayaw niyang naiiwang mag-isa kaya nga palagi 'yang nakatambay sa 'min. Baligtad kasi kami, I love being alone. Kasi nakakapagbasa ako ng books na gustong-gusto ko nang basahin kaso ang dami-daming ginagawa.

"Okay ash, sabi ko nga eh. Titigil na. Pero aminin mo, gwapo siya diba?" I-dedeny ko pa ba? Eh gwapo naman talaga siya eh kaso mukhang maangas. Kaya tumango na lang ako.

"Omg ashley! Don't tell me type mo siya? Utang na loob, wag siya!" Tapos lumapit siya sa 'kin at bumulong. "Sikat na playboy yan dati sa school natin, di mo ba alam yung balitang 'yon?" Umiling ako. Alam naman niyang di ko hilig makinig ng chismis eh.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Sinabi ko lang na gwapo siya, anong masama don ha? Tsaka wala akong balak magkagusto sa mga taong pinaglalaruan lang ang mga babae." Sabi ko at bigla namang lumapit si Adam. Ang dahilan kung bakit talaga kami pumunta dito.

"Hi girls, may problema ba kayo? Mukhang masyadong seryoso ang usapan niyo ha?" Sabi ni Adam na ikinapula na mukha ni Kimberly. Hay nako. Halata talaga 'tong babae na 'to kahit kelan.

"W-wala naman kaming problema. Uh, h-hello?" Sabi ni Kimberly at kinamayan si Adam. Utang na loob kimberly! Masyado 'kang halata, nakakahiya ka!

"Hi Adam. You are with?" Tanong ko sakanya para naman hindi mahalata si Kimberly.

"Kasama ko sila Dylan, ung may birthday? Pati na rin ung mga kabarkada namin. Sila Jack at Bryan." Isa pa 'tong si Adam, halata namang may gusto kay Kimberly eh ayaw pang manligaw. Pano ko napatunayan? Habang kinakausap niya ko eh sulyap siya ng sulyap sa kumakain na si Kimberly.

Oops.. wala kong planong maging si kupido. Bahala silang magtago ng mga nararamdaman nila sa isa't isa.

"Kabarkada mo pala 'yun? Bakit ngayon ko lang nalaman ha?" Sabi ko kay Adam ng biglang lumapit si Bryan, isa pa sa mga kabarkada niya.

"Eh kakauwi lang kasi ni Dylan galing sa states last month kaya di mo siya kilala." Singit ni bryan at inabutan niya ko ng drinks at makakain. Ang gentleman talaga ni bry. Ah kaya naman pala. Kilala kasi sila sa school. Lalo na ung grupo nila adam. Ang pangalan nga ng grupo nila eh the five stars. Eh aapat lang naman sila. Yung Dylan pala ang pang-lima at leader ng grupo nila.

"Oh, I see." Sabi ko. Wala na 'kong masabi. Nabibwiset kasi ako pag naalala ko ung Dylan na 'yan.

"Teka wait, ipapakilala kita." Sabi ni Bryan at bigla-bigla na lang umalis sa harapan namin ni Adam at Kimberly. Nakita ko namang napangiti si Kimberly at inirapan ko nalang siya.

Nakita ko na papalapit na ung Dylan. Mukhang na-istorbo pa nga ni Bryan kasi nakatalikod pa siya at nagpapaalam dun sa kausap niya. Kahit kelan ka talaga tadhana, napakasama mo sa 'kin.

"So eto na ung sinasabi ko sa'yo bro. Meet Ashley, Dylan this is Ashley and Ashley this is Dylan." Sabi ni Bryan. Inoffer naman sa 'kin nung Dylan ung kamay niya at tinanggap ko naman.

"Yan na ba ang taste mo ngayon Bryan? Ang cheap mo na 'pre! Ang pangit niya eh." Tama ba ung naririnig ko? How dare he?! Sabi na nga ba, maangas talaga 'tong Dylan na 'to eh! At mayabang pa! Akala mo kung sinong gwapo.

"Anong sabi mo?! Bakit akala mo gwapo ka ha?! Makapagsabi ka ng pangit akala mo gwapo ka! Bwiset!" Nakakainis. Napakawalang-modo! At anong sabi niya kay bryan? Ang cheap daw ni Bryan dahil ako gusto ni Bryan?!

"Isn't it obvious miss? Diba halatang gwapo ako? Diba nga nag-hello ka pa sa 'kin kanina? Miss lea ba? Di ko na agad maalala pangalan mo. Di ko kasi tinatandaan ung mga hindi naman magaganda." Sa sobrang inis ko sa sinabi niya eh tinulak ko siya sa pool. Magdusa siya! Akala niya kung sino siyang gwapo?!

"Di mo pala maalala ung pangalan ko ha? Pwes, ipapaalala ko sayo. Ako si ashley! At ako ang papatay sayo dahil sa kayabangan mo!" Feeling ko sasabog na ko sa sobrang pula ng mukha ko sa inis. "Uuwi na ko, Kim. Bry, salamat kanina ha. Pakisabi sa kaibigan mong napaka-yabang magpakalunod siya! At sana malunod na siya. Bwiset!" Sabi ko at pumasok na sa banyo para magpalit ng pang-uwing damit. Nakita kong napailing na lang sila Kim at Adam sa nangyari.

Nakakainis talaga! May araw ka din sa 'kin Dylan, tandaan mo yan.

You don't know meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon