Ashley's POV.
Ugh, nakakainis talaga. Akalain mo 'yong Dylan na yon?! Ang yabang yabang talaga niya. Akala niya kung sino siyang gwapo ha?! Oo, sige na. Informed naman ako na I am not like any girls out there. Maganda, sexy, at fashionista. Not like me. Pangit, payat, at simple lang manamit. Oh, whatever. Di naman ako nabuhay to please people like Dylan.
"Ashley..." nahihiya at puno ng pagsuyo ang boses ng magaling kong best friend.
"Come in." pag kasabi ko non, dali dali siyang pumasok ng kwarto ko.
"I hate you! May pa come-in, come-in ka pang nalalaman! Bakit mayaman ka na ba?" She chuckled. Di ko na rin napigilang matawa. Oo, di kami mayaman. May kaya siguro? Average lang. Minsan nabibili ang gusto, minsan hindi.
"Whatever kimberly. Baka naalala mong galit ako sa'yo. Hindi mo naman ako ininformed na may antipatikong mayabang na akala mo kung sinong gwapo!" Natawa naman si Kimberly pagkasabi ko non.
"Ano ka ba ashley! He's one of the hottest boy in the town. Pano ko masasabi na ganon siya kayabang eh may ipagmamayabang naman talaga?" Nakapout na sabi ni Kimberly. That's so unfair. Pag gwapo, pwede magyabang? Pag hindi, mayabang? I hate how our society rules these days. Grabe ang discrimination sa mga tao.
"Wow, so dahil gwapo siya pwede na siyang magyabang? That's insane kimberly. Pwes, ipapakita ko sakanya na hindi dapat siya magyabang." Mukha namang di sumasang-ayon si Kimberly sa gusto kong gawin.
"Wala ka pang alam tungkol sakanya, Ashley. Wala pa." Sabi sa 'kin ni kimberly. So what? Hay nako. Hindi ko na nga lang iisipin yan. He's not worth of my time.
"Edi tantanan nalang natin ung pag-uusap about kay Dylan. Isipin nalang natin di nangyari yun. Kasi hindi naman siya importante para problemahin pa. Just go back to our normal life. Sige na kimberly, go to your home na. Tatapusin ko pa yung binabasa kong libro na If I Stay." Pagkasabi ko non, bigla naman siyang sumimangot. Wala na naman ba siyang kasama sa bahay? Ugh. Nakaschedule na yung pagbabasa ko eh.
"Ugh wala akong kasama sa bahay e. Can I sleep here? Wala na naman si daddy at si mommy e. Nagtatampo na nga ako e. Wala na naman sila bahay. Hay ashley." Nagdadramang sabi ni Kimberly. Di pa siya nasanay. Eh alam ko naman na sanay na yan e. Nagdadrama lang siya para payagan ko.
"Ewan ko sa'yo Kimberly. Alam ko naman na nagdadrama ka lang for me to allow you to sleep at my house. Whatever, sige na. Pero please, magbabasa ko. And you know my rules. When it comes to reading..." Sabi ko at dinugtungan niya. "DON'T DISTURB ME." At sabay kaming natawa. Hindi man ako expressive sa mga nararamdaman ko but I know that she knows I love my best friend so much.
Habang nagbabasa ko ng librong If I stay at si Kimberly ay nangangalkal sa laptop ko, biglang magnotif yung sa phone ko. Omg!!!! nagrelease na ng book 2 ng if i stay. Ah, gusto kong pumunta ng mall. Kakadeliver lang daw ng books. Pinagipunan ko talaga yang books na yan.I prefer na magbaon nalang ng recess at lunch rather than wala akong libro.
"Kimberly!! Samahan mo ko sa mall ngayon." Sabi ko habang ngiting-ngiti pa. Oh my gosh. Happiness ko talaga ang pagbili ng libro.
"Aba himala, biglang good mood ang napakasungit kong best friend? Okay, go ako. May natira pa naman akong allowance dito." After non, pinagbihis ko na siya. Kahit magseseven pm na, naeexcite ako. Grabe talaga, dream come true pag makumpleto ko na ung sa If I stay book series. Naiiyak-iyak pa nga ako ng mapanood ko ung If I stay. Oo, I am a fan of writers and movie directors. Nowadays, nagfofocused na kasi sila sa mga pangyayaring alam mong pang-reality. Hindi ung hanggang movie at libro lang.Dahil sa buhay ngayon, nakakalimutan na nating harapin ang reality kasi palagi natin iniisip na baka mangyari ung fantasy.
"Tara na, Ashley!" Ako naniniwala ako na naopposites attract. Si Kimberly, girly manamit. Floral crop top and high waist jeans ang suot niya ngayon. May sling bag din siya at keds na shoes. Cute niya talaga manamit. Samantalang ako, simple lang. Hanging blouse na color gray at black jeans tapos roshe na shoes. Yun lang. Wala ng accesories.
"Tara na, Kimberly." Lumabas na kami ng bahay. Magcocomute nalang kami. Isang jeep lang naman papunta sa mall e.Sabi sainyo, di naman kami mayaman. Wala kaming kotse.
At yehey, nakarating na kami sa mall. Dali-dali ko siyang hinila papuntang book store.
"Ano ba ashley, ang hyper at kulit mo naman. Teka nga, may bibilin lang ako sa department store. Punta ka na sa bookstore, alam ko naman na excited ka na to buy the book na kakarelease lang." Napangiti na lang ako.
"You know me well, huh? Sige na pupunta na kong book store." Pagkasabi ko non ay dali dali akong pumunta papuntang book store. Oh my gosh. Mababasa ko na ung where she went ni gayle forman. Ang galing talaga niya. Pangarap ko maging writer like them, pangarap kong makapagpublish ng book.
Sa sobrang pagmamadali ko, may nabangga akong lalaki. Nako, patay tayo diyan. Tinulungan kong pulutin ung mga librong nahulog ko at sinabi ko sakanyang, "Sorry..." Napa-angat naman siya mg tingin. "What?! Ikaw pala yan!" Napatayo naman ako dahil sa inis pero ang mas kinagulat ko eh ng makita ko na ung mukha niyang nagtataka na parang di niya ko kilala.
"Uhh.. miss sorry pero please lower your voice. I don't know who you are. So please don't act like you know me. Nakakahiya. Wag ka magiskandalo." What the hell, so seryoso pala siya na di niya ko maalala? Ugh, he's getting intomy nerves.
"Ugh. Sorry. Akala ko kasi ikaw ung nakaaway ko last time. It was just a misunderstanding. Go on, I'll just buy what I need here. Sorry." Okay kahit alam ng buong kaluluwa ko na siya ung mayabang na Dylan na yun eh ayoko namang mapahiya ako dahil di niya pala ko makilala. Hay nako, mabili na nga lang ung where she went. Ahh, my all-time favorite book!
"So favorite mo rin pala yang libro na yan miss." Sabi nung akala mo kung sinong gwapo na si Dylan. Pero sige, act like nothing happened. Malay mo, may good side pala siya.
"Yup, it's my all time favorite. Pero paborito ko rin ung mga libro ni nicholas sparks." Sabi ko sakanya at ngumiti. Nakakatuwa, mukhang book lover rin 'tong isa na 'to.
"Are you here kasi kakarelease lang ng where she went?" At dahil sa sinabi niyang yan, nakalimutan ko ung unang encounter namin.
"Yup. Ikaw rin ba?" He nodded. Oh my. Magkaroon na ba ako ng book buddy? Pero imposible, yang Dylan na yan? It's a big big NO. Pagtitiyagaan ko nalang si Kimberly na kain ng kain habang nagbabasa ako.
"Do you mind kung sabay na tayong bumili?" Tumango ako. Pagdating sa books, lahat ng kapwa ko book lover natutuwa ako.
At yun nga, sabay na kaming bumili ng book. Nagkapagkwentuhan na din kami. Mabait naman pala siya. Sadyang pangit lang ang first impression ko sakanya. Pero dahil pangit ang first impression ko sakanya, pangit pa din siya. Kinwento pa nga niya na naiyak siya If I Stay. Sa sobrang libang ko, nakalimutan ko na si Kimberly. Hala!
"A-ashley, I hate you. Kung san san kita hinanap tapos nandiyan kalang pala? At sino yang kasama mo?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Adam.
"Kimberly, nahanap mo na ba? Di ko pa kasi nakikita si Dylan up until now. Sabi niya bibili lang daw siya ng book." Hingal na hingal na sabi ni Adam.
"Bro, sorry." Sabi ni Dylan. Nagulat naman si Kimberly at Adam ng makita kaming magkasama ni Dylan.
"WHAT THE?! OMG, WHY YOU GUYS ARE TOGETHER?" Sabi ni Kimberly na di makapaniwala sa nakikita.
"Ha? Kilala niyo siya bro? I just met her a while ago sa bookstore. And I can say that she's kind." Sabi ni Dylan na parang nagtataka sa nangyayari. Maybe he doesn't recognized my face.
"But bro.." Sabi ni Adam.
"What? Ano bang problema niyo?" Sabi ni Dylan na halatang naiinis na.
"Wala. Ash can we go home na? Dylan if you don't mind, next time nalang ulit kayo mag-usap." Uh-oh. Looks like I'm in a big trouble. Nakangiti si Kimberly, at alam ko ang mga tingin na yan. Hay nako. Ang best friend ko talaga.
"Okay. Good bye, uhh what's your name again? 'Til next time." Sabi ni Dylan. Tumango nalang ako at ngumiti. Di niya pa rin naalala pangalan ko? Mukha nga siyang naweirduhan sa 'kin. Nako. For sure magiging long night sa 'min ni Kimberly ang gabing ito.

BINABASA MO ANG
You don't know me
Teen FictionHindi mo alam ang pangalan ko, ang address ko, ang mga likes at dislikes ko, ang paborito kong pagkain, ang pangalan ng nanay at tatay ko, ang brand ng damit na ginagamit ko, ang brand ng pabangong binibili ko, at higit sa lahat hindi mo rin ako kil...