Kimberly Pov
"Ang diyaan na raw sila!"sigaw ni Tine sa labas kaya napalingon kaming lahat dito sa loob ng room.
At sa sinabi niya parang nagkinangan lahat ng mga mata namin..lalo na ako dahil fan na fan nila ako. Walang pakunda kundangan akong tumayo sa pagkaka-upo at kinuha na ang isang notebook at isang ballpen.
At katulad ko tumayo narin halos lahat sila at lumabas kagaya ko. At expected...andami ng estudyante rin sa labas at ang mga nasa taas din ng building na ito ay nakadungaw din sa gate.
Dalawang palapag lang ang skwelahan pero malawak ito kaya malaki talaga.
May nagtutulakan narin sa likod ko kaya natulak ako konti kaya medyo nagalaw itong malaking salamin ko kaya agad ko itong inayos sa pamamagitan ng index finger ko.
Lumingon ako sa kung sino man ang nagtulakan at nakita ko ang mga kaklase ko kaya yumuko nalang ako at tumingin ulit sa gate dahil alam kong katulad ko rin silang hinihintay ang mga magkakaibigan.
Tumingin ako sa paligid at talagang lahat ay nakaabang sa gate kung sino man ang papasok..sa mga nasa kwarto naman ng klase nila ay pawang nakadungaw sa mga bintana nila.
Unang araw din kase ng klase kaya halos lahat talaga inaabangan sila at curious sa mga itsura na nila katulad ko excited na excited at halos hindi na matanggal ang ngiti ko sa labi.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito nalang kami kasabik sa mga iyon dahil sa lahat ng mga may grupo na magkakaibigan sila lang 'ata ang nagtatagal na magkakasama. Sabi nga ng mga senior high dito na simula nung first year high school sila magkakasama na.
Nalaman din namin na simula nung first year sila hindi daw pala sila magkakakilala dahil iba iba ang skwelahan ang pinasukan nila noong elementary sila. Dito lang din daw sila nagkakakilala.
At hanggang ngayon magkakasama parin sila...
How many years na ba sila? Sa kalkula ko na sa mga tatlong taon na sila mahigit na magkakaibigan. Eh anong year na ba sila ngayon...fourth year high na sila.
At bali balita---chismis pala. Chismis din na hindi pa sila nag aaway ng matagal. Kapag daw nag away sila isang araw lang daw at kinabukasan okay na at magkakasama na naman.
Gusto ko rin ng squad nila..yung walang plastikan at purong totoong kaibigan.
Marami rami din ang impormasyon na alam ko sa kanila..
Hinawakan na ng security guard ang gate para buksan kaya naman napa-ayos halos lahat kami ng tayo, sa pagbukas nito....
"Miss niyo na naman kagandahan ko? I know that friends hahaha."tatawa tawang sabi ni Seri....
Aviniel Seri Morgen..unang tingin mo pa lang sa kanya talagang magagandahan ka na dahil sa bawat lakad at gestures niya it screams beauty. Siya ang pinaka matangkad sa magkakaibigan. Tingin lahat sa kanya mahinhin at parang mahihiya kang lumapit dahil para siyang artista na kung kumilos ay professional. At nakaka intimidate din siya. Makinis na balat...medyo may kalakihan na mata pero ito ang nagpaganda sa kanya...medyo manipis na bibig at short hair ngayon siya. Noong last school year kase hindi naman maliit buhok niya. Black hair at matalino rin. Ayaw na ayaw ng mga kaibigan na sabihan siya ng maganda dahil lalaki daw ang ulo niya. At sabi rin ng mga kaibigan niya na lagi siyang nagbubuhat ng bangko. Mahilig din siya sa mga mamahalin na bagay lalo na kung mga gamit ito.
"Yack! Ang piling talaga nito. Gusto mong gumanda talaga? halika at lagyan kita ng liptint.."yan naman si Faith..
Ella Faith Fadrogani.....siya naman ay moody paminsan minsan.Mahilig din siya sa mga bags tsaka mga mamahalin din na mga gamit katulad ni Seri.Maganda din siya..she have this almond eyes that can attract man easily. Maliit na ilong pero may katangusan ito, at meron siyang buhok na hanggang baba ng dibdib niya. Siya yung may buhok na parang buhaghag pero bagay parin sa kanya. Siya ang pinaka maputi sa kanilang magkakaibigan, at siya rin ang maarte sa kanila well..parehas sila ni Seri na maarte pero sa case ni Faith siya yung tipong nagdadala ng liptint, pulbos, lotion, pabango, at alcohol. Malimutan na lang lahat wag lang ang mga iyan. Kapag lalabas din sila na magkakaibigan hinding hindi siya aalis sa kwarto nila ng hindi nag li-liptint. Alam kong sinabi ko kanina na first year high naging magkaka ibigan na sila...pero si Faith tsaka lang naging kaibigan yung apat nung mag second year siya. Nasali siya kumbaga sa magkakaibigan kaya hanggang ngayon magkakaibigan parin sila.