Avie Seri's Pov
Nakatingin lang ako sa mga studyanteng nagkukumpulan sa pagpila para makabili na ng mamemeryenda dahil break time na. Kasama ko ang mga kaibigan ko syempre pero sila ang nakapila ngayon at ako nakaupo dito sa isang table na kakasya kaming lima.
Ako na ang nagbantay dahil baka may makaagaw ng upuan namin. Mawalan pa kami.
Medyo meron ding nagtutulakan sa pagpila kaya may iba na naiinis at yung iba walang pakealam basta makabili lang.
Ayaw ko naring ako ang bibili at pipila kung ganito sila kagulo baka hindi ako makapagpigil baka may masabi akong masama mahirap na.
Si Daisy na ang bumili ng kakainin ko dahil lagi naman siya yung nagvo-volunteer kapag ganito. Mas mahaba kasi pasensya niya kaysa sa akin. Well...I can control my temper naman eh pero mahirap na.
Nakita ko ng papunta na sa gawi ko sila Daisy bitbit ang kakainin namin. Medyo may karamihan dahil gutom kami ngayon lalo na at nakaka stress yung last na subject namin before break time.
Science kasi iyon. Nasa part na kami ng law. Like Charle's Law, Avogadro's Law, Combined gas law and so on. Like wtf? Science yung subject pero parang math sa daming formula gosh! I hate science talaga.
Lalo na ang math!
Sino ba kasi ang may gawa ng math na yan! I mean pano siya kasigurado na tama yung mga formula at tama yung mga sagot niya? Right?
"Sa waka makakakain din."salita ni Makie at naupo na sa tabi ko. Katabi naman niya si Daisy. At kaharap ko ngayon si Faith at sa tabi naman niya si Nadia.
"Nakaka stress yang mga first year na yan. Kung magtulakan kala mo naman mawawalan sila ng kakainin."inis na sabi naman ni Faith tsaka siya sumubo ng siomai.
Tumango tango naman ako pati narin sila.
"Yun na nga. Naku! Kung pumapatol lang ako sa bata kanina ko pa sila sinigawan."si Makie tsaka nagsimula na rin na kumain.
Kumain narin ako. Inuna ko yung siomai dahil masarap eh.
"Matagal ka naman ng pumapatol sa bata ah?"si Nadia.
"Ako? Pumapatol sa bata? Kailan naman?"
"Diba may crush kang mas bata sayo? Lalaki yun ah!"prangkang sabi ni Nadia kaya natawa kami. Sinamaan naman ng tingin ni Makie si Nadia pero natawa lang din naman agad.
"Sus! Nakapagsalita ang may gusto sa second year na babae!"agad naman na kumuha ng isang maliit na stick si Nadia at inihagis ito kay Makie.
Nakita naman agad ito ni Makie kaya agad siyang umiwas na natatawa.
Parehas din naman kasi si Makie at Nadia na may crush sa babae minsan mas matanda sa amin pero kadalasan mga mas bata. Ewan ko nga kung tomboy ba ang mga ito oh hindi eh.
Basta ako babae talaga.
"Ikaw first year nga bago mong crush eh babae naman! Diba nga chinat mo pa siya pero sineen ka lang?"pang iinis ni Nadia kay Makie.
"Ouch! Na seen."gatong naman ni Faith.
"Kung ako yun hindi ako papayag. Ako? I-si-seen lang? Aba! Hindi pwede yun!"pang iinis din ni Daisy kaya halata na sa mukha ni Makie ang inis.
Pero mas halata ang kahihiyan dahil sa sinabi nila.
"Tumigil nga kayo!Isusungalngal ko itong tissue sa ilong niyo eh!"pagbabanta kunwari ni Makie pero tinawanan lang namin siya.
"Ba't ba kase ang kapal ng mukha mo?"tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagnguya at tinignan ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.