Chapter 5

1.2K 32 21
                                    

He looked shocked about my backlash. I can't believe as well that I can say such thing. He must've thought how much I'm putting my personal feelings on this argument, which I should not do.

Nang makabawi ako sa sariling sinabi ay binawi ko rin agad iyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong argumento. "Why are we even fighting over this?" Tanong ko sa kanyang medyo mas mataas na ang boses.

The few people in this area looked our way because of my tone and I kind of feel embarrassed.

Dahil doon ay saglit na napakurap-kurap ang mga mata ni Vinze at ang pagkabigla ay agad ding napalitan ng pagkaseryoso. "We're not fighting, Natalie. I'm trying to make you see a point here." Mahinahon niyang saad.

"Well, I can't see your point because I seriously think it's petty."

"You don't get what I'm talking about and it shows." Mahinahon pa rin ngunit may diin na ang kanyang pagkakasabi.

"News flash, Vinzeler, I'm not dumb! I clearly get that you want me to stay away from Vile because I might get myself hurt." pinipigilan ko na lang ang aking sarili kahit sa totoo lang, nasasaktan na naman ako. "Naiintindihan kita sa part na yan, pero hindi ko ma-gets kung bakit kailangan mong gawin at sabihin yan, when I am this vocal about how much I like you!"

I've had enough for this argument. Arguing with him about this is just futile.

Paalis na sana ako sa harap niya ngunit pinigilan niya ako sa paghawak sa aking palapulsuhan. He's touching me more today and I am greatly fine with it.

"Natalie, we're not done here." pagpigil sakin ni Vinze.

"Oh yes, we are!" I snapped on him when I finally get what he really meant. Is he what? Threatened? "If it makes you uncomfortable then fine, I'll stay away from him. Para rin wala ka nang maiparatang sakin dahil gustong gusto naman kita. You're underestimating my feelings and it shows." Binalik ko sa kanya ang litanyang iyon na may ibang konteksto.

Huh! Akala mo, ha? Marupok ako pero kinaya kong panindigan ang pinaglalaban ko ngayon. If he underestimates my feelings then I'll prove to him that he should not.

Pagkasabi noon ay inalis ko ang hawak niya sa aking palapulsuhan at umalis na sa lugar na iyon. Hindi naman na siya umalma at hinayaan na akong umalis. Well, I guess because I finally told him I'll do what he wants me to do. Whatever.

Habang naglalakad paalis ay naisipan kong umuwi na lang muna dahil mahaba naman ang vacant namin kaya tinext ko ang aming driver para magpasundo. Hmp. Excited pa naman ako, I thought I'd finally grab a lunch with him. Next time, 'kala mo.

Three days passed and I'm here with Sandra at the school's garden, near the engineering building. Palagi ko siyang inaaya na dito tumambay. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi ko pa nakakausap muli si Vinze. Ang tawag diyan, giving him space. Baka akala niya sumusuko na ako kaya dito kami laging tumatambay para alam niyang nandito pa rin ako.

Sa tatlong araw na lumipas mula nung nagtalo kami ni Vinze ay hindi ko pa nasasabi kay Sandra ang nangyari. Talking to Vinze has been in my everyday routine and now that I'm just looking at him from afar is a strange thing for Sandra.

Nakaharap ako ngayon sa entrance ng building at seryosong inaabangan ang mga nalabas. Kita ko sa aking peripheral vision kung paano ako panliitan ng mata ni Sandra na ngayon ay nakaupo sa tabi ko.

"Tatlong araw na at patingin-tingin ka lang talaga kay Vinzeler mula rito. Sabihin mo nga sakin, nasaan ang best friend ko at sino ka?"

Seryoso ko siyang hinarap at inilingan na lang. Activated na naman ang pagka-OA at weirdo ng babaeng 'to. Bumalik ang tingin ko sa entrance ng building at tahimik na naghihintay.

10 Last MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon