Chapter 3- Awkward..

35 2 0
                                    

EULA'S POV

bumalik si Kier dun sa study table ko. Tulala parin ako sa ginawa nya.

"Ano? Di pa ba tayo mags-start?" Tanong ni Kier. Bigla naman akong nabalik sa reality.

"S-sorry." Sabi ko at bumalik na sa study table ko.

"Nagdala nga pala ako ng snacks. Pero kung ayaw nyo sige aalis na ko." Bubuksan na ni Amanda yung pinto.

"Gusto mo ba,Kier?" Lumapit si Amanda kay Kier at kumuha naman si Kier ng isang brownie.

"Ikaw,Eula?" Lumapit naman sya sakin.

"Ayoko. Sige na sayo na yan. Haha." Tumawa nalang ako at kinuha yung Math book ko.

"Sige. If that's what you want. Aalis na ko. Hoy Kier! Tigilan mo Bestfriend ko ah!" Sabi nya sabay tingin kay Kier.

"Tss." Umiling si Kier.

"Sige na. Tapusin nyo na yan ha?" Umalis na si Amanda.

"So....may Permanent Marker ka?" Tinanong ko si Kier pero nakaiwas ako ng tingin.

"Meron." Sagot nya.

"Edi ilabas mo. Gagamitin natin yan duh." Pagtataray ko. Tinulak nya ko habang papunta sa bag nya at Kinuha nya yung permanent marker nya. Sa lakas ng pagkakatulak nya sakin,tumama yung noo ko sa gilid ng lamesa.

"Ouch." Hinawakan ko yung noo ko. Pagtingin ko sa daliri ko,Hala! Nagdudugo.

"Oh ano nangyare sayo nerd?" Tiningnan nya ko. Pinakita ko sa kanya yung noo kong nagdudugo.

"Tanga mo kasi,di ka marunong magbalance." Sabi naman nya.

Lagot. Takot ako sa dugo. Baka maya-maya lang mag-hyper ventilate ako. Lalo na pag madaming dugo nakikita ko.

Teka.. Di ako makahinga. Sabi na eh.

Nakita ako ni Kier na nagha-hyper ventilate.

"Hoy nerd. Wag ka ngang umarte." Kala nya siguro nagbibiro ako.

""Huy ano ba nang-" Magsasalita pa sana sya pero bigla ng nag-black yung paligid ko.

KIER'S POV

"Huy ano ba nang-" Magsasalita sana ako kaso bigla syang hinimatay. Nauntog nanaman sya dahil sa pagkahulog nya.

Nilapitan ko sya. Lalong nagdugo ang noo nya. Bakit ko ba kasi sya tinulak!

Kinarga ko sya,bridal style papunta sa kama nya. Tumulo yung dugo nya sa braso ko galing sa noo nya. Naghanap ako ng malinis na towel at binasa 'to. Nilinis ko yung dugo sa muka nya. Lumabas naman ako ng kwarto para hanapin yung kaibigan nya. Sakto naman na nakaupo sa may Sofa malapit sa hagdan yung kaibigan nung nerd.

"Huy bookworm." Tinawag ko sya.

"Oh ano nanaman kailangan mo?" Nakataas pa yung isang kilay nya.

"Hinimatay yung kaibigan mo. Nagdudugo yung noo." Sabi ko sa kanya.

"HUH?! WHAT DID YOU DO TO HER?! HUH?!" Sumigaw sya.

Hindi ko sya masagot kasi alam kong ako yung may kasalanan. Tumakbo sya sa kwarto nung nerd at kumalma.

"K-kinarga mo sya papuntang kama?" Tanong ulit nya.

"Oo. Alangan namang iwan ko syang nagkakalat ng dugo sa lapag,diba? Wag shunga." Sagot ko.

"Eh anong nangyari kay Eula bakit nagdugo yung noo nya?" Sht. Anong sasabihin ko?

"A-ahmm..-" naputol yung sinasabi ko dahil sa kaibigan ng nerd.

"Ikaw ba may gawa nito sa kanya?" Tinulak nya ko. "Sumosobra ka na ah! Ano bang ginawa sayo ng bestfriend ko at nagkakaganyan ka?! Pasalamat ka wala na syang magulang at walang magagalit sayo kung di ako lang."

Huh? Walang magulang si Eula?

"A-ano? Wala syang m-magulang?" Tanong ko.

"Bingi ka ba talaga o nagbi-bingi bingihan? Kakasabi ko lang diba? Wala na nga syang magulang tapos sasaktan mo pa sya? Ibu-bully mo pa sya? Ang bait mo naman. Pagpalain ka mg Diyos." Pagtapos nun ay umiyak sya.

"Oh ano? Pano yung report nyo? Hindi ko alam kung kailan gigising si Eula. Mabuti pa ikaw na muna gumawa ng report since ikaw naman ang dahilan kung bakit hinimatay si Eula." Sabi nya at binuksan nya yung pinto. "Tawagin mo ko pag gising na yung bestfriend ko." Lumabas na sya.

Pinuntahan ko si Eula at tiningnan yung sugat nya.

Hindi na masyadong nagdudugo yung noo nya.

"Sorry,Eula. Di ko alam na wala ka na palang parents. Im really sorry." Nangingilid na yung luha ko pero di ko sila pinatulo. Di dapat ako umiyak. Bumalik nalang ako sa table at pinagpatuloy ang paggawa ng report namin.

***30 minutes later***

Malapit na kong matapos sa ginagawa ko. Narinig ko yung nerd na nagsalita.

"K-kier?" Tiningnan ko sya. Tatayo sana sya sa kama nya pero tumakbo agad ako sa tabi nya,pinaupo ko sya.

"Wag kang tumayo,nerd. Gusto mo ba makakita ng dugo?" Panakot ko sa kanya.

"Pero..yung report. Magga-gabi na eh. Di ko pa tapos." Sabi nya at nakatayo na rin sya. Pinuntahan nya yung study table nya at nagulat sya kasi dalawang words nalang,matatapos na yung report.

"Ikaw gumawa nung report?" Tanong nya sakin.

"Di ba obvious? Hinimatay ka na naging shunga ka nanaman." Pagkasabi ko nun ay umupo sya sa study table at tinuloy ang ginagawa ko.

"Ako na gagawa nito,pwede ka na umuwi. Thank you ulit. Baka sabihin mo kasi wala akong ginawa dito sa report. Thank you sa paggawa nito." Sabi nya habang nagsusulat. "Ako na rin magdadala nito sa school." Tiniklop nya yung cartolina at nilagay sa bag nya.

"Eula...Sorry." Sabi ko habang nakayuko.

"Okay lang. Sanaya na ko sa mga bully. Wala tong sugat ko. Okay lang ako." Sabi nya habang nakangiti. Diba? Mabait sya.

"Hindi. May nalaman kasi ako sayo." Tiningnan ko sya sa mata.

"Ano? Na wala na kong magulang?" Pano nya nalaman?

"Oo....Sorry hindi ko alam. Di ko alam na pino-problema mo din pala yung magulag mo bukod sa bullies. Di ko talaga alam. Eula. Im really sorry." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo Kier,di mo kailangan mag-sorry sakin. Like what I've said earlier,Sanay na ko sa inyong mga bullies. " sabi nya pero umiiyak na sya.

Gusto ko na syang yakapin pero hindi ko magawa.

"Sige na. Pwede ka na umalis. Thank you ulit,ha?" Pinupunasan nya yung mga luha nya. "Ihahatid nalang kita para ipag-drive ka ni Manong Greg."

Bumaba na kami sa 1st floor at gaya nga ng sinabi nya,ipapahatid nalang daw nya ko sa driver nila. Sinabi ko yung address ko at umalis na kami nung driver.

Pagdating ko sa bahay,naligo ako at nagbihis. Inaantok na ko. Andaming nangyari ngayong araw na to. Puro awkwardness.

~~~

I Will Show YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon