Chapter 4- Memories

14 2 0
                                    

EULA'S POV

"Mama! Saan ka pupunta? Wag mo naman akong iwan!" Sigaw ko kay  Mama pero di nila ako pinakinggan.

"Mama! Madulas yung daan! Wag ka na mag-drive!" Pinagalitan ko si Mama.

"Wag mo nga akong pakialaman,Eula! Palibhasa di mo alam yug nangyayari. Dun ka! Pumasok ka sa bahay!" Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa bahay at umiyak. Nagaaway nanaman ang parents ko.

"Nasan ang Mama mo?" Tanong ni Papa.

"Umalis po sya gamit yung car nya." Sabi ko habang umiiyak.

"Dito ka lang Eula. Susundan ko ang mama mo." Kinuha ni Papa yung susi ng sasakyan nya at lumabas ng bahay.

"Papa! Umuulan eh! Madulas yung daan! Papa wag ka ng umalis! Papa!" Huli na ang lahat. Nakaalis na si Papa.

"Eula,ineng. Dito ka nalang muna sa bahay. Ako na muna bahala sayo habang wala pa mama't papa mo." Sabi ni Manang Tessie. Yung kasambahay namin.

Nanood nalang ako ng TV pero umiiyak parin ako.

"Teka teka. Ilipat mo muna sa balita."  Sabi ni Manang Tessie.

Nanlumo ako sa nakita ko. Ibinalita na nabangga yung dalawang kotse na sinasakyan ng mga magulang ko sa isang truck.

"Manang Tessie! Wala na sila Mama!" Umiyak nalang ako ng umiyak. Niyakap nalang ako ni Aling Tessie.

**

Nagising ako ng puro luha yung mukha ko.

Pawis na pawis na din ako. Napanaginipan ko nanaman yung nangyari kanila Mama't Papa.
"Papa,Mama, miss ko na kayo. Wala tuloy akong karamay sa mga pinagdadaanan ko." Kinuha ko yung picture nila. Di ko namalayang tumulo na naman pala ang luha ko.

"Uhhmm..Eula? Nakaligo ka na ba?" Tanong ni Amanda na pumasok sa kwarto ko. Bigla ko namang pinunasan yung mga luha ko para di nya mahalatang umiiyak ako.

"Ah hindi pa. Kakagising ko lang eh. Maliligo na ko sige" sabi ko sabay ngiti.

"Eula,napanaginipan mo nanaman ba parents mo?" Pumunta si Mandy sa tabi ko at niyakap nalang nya ko.

"Oo best eh,pero ok lang naman ako. Wag mo na ko alalahanin. Sige,maliligo na ko." Kumuha na ko ng mga damit na gagamitin ko tapos dumiretso na sa banyo.

Narinig ko na lumabas na si Amanda ng kwarto ko kaya nagpatuloy na ko sa paliligo. Pagtapos ko maligo,nagbihis na ko ng uniform ko at bumaba na ako sa dining room at dun nakita ko si Amanda at si Manang Tessie na naghahanda ng pagkain.

"Oh Ija! Anong nangyari sayo? Bakit ka may band-aid sa noo mo?" Nilapitan ako ni Manang Tessie.

"Ahh wala po,nauntog lang po ako sa pader. Hehe.." Sagot ko kay Manang.

"Ah sige sige ikaw bahala. Umupo ka na para maka-kain na kayo. Haaay! Late na kayo oh." Sabi ni Manang at nilapag nya yung dalawang plato ng pancakes na nilagyan nya ng maple syrup.

Pagkatapos kumain ay nagtooth brush na kami at dumiretso na sa kotse papuntang school.

"Oh,kamusta na yung sugat mo?" Tanong ni Amanda sakin habang inaayos yung bag nya.

"Ok naman..di naman masyadong masakit." Sagot ko "Pero Mandy,ano bang nangyari nung hinimatay ako? Ba't parang bumait ata si Kier? May ginawa ka ba sa kanya? Saka pano din nya nalaman na wala na yung parents ko?"

"Teka. Ano to? Q&A portion? Easyhan mo.

Oo,pinagsabihan ko sya. Uhhmm--about your parents... Sorry Eula.. Ako nagsabi sa kanya. Kasi kung di nya pa malalaman,di ka pa nya titigilan eh." Nagulat ako sa sinabi ni Mandy.

"Its okay,Mandy. Thank you rin. Napansin ko rin yung pagbabago nya kahapon. Thank you talaga." Sabi ko sa kanya and we hugged.

**Starship University**

Thank you Lord! Di pa kami late. Goodthing History first period namin,madali lang naman yun para samin ni Mandy.

Pumunta kami sa classroom namin at we're just in time. Tumingin samin yung teacher namin sa History.

"Ms. Reyes,you're just in time. By the way,what happened to your forehead?" Tinanong ako ni Ms.

"Uhh.. Ma'am this is nothing." Sabi ko sabay tingin kay Kier. Umiwas nalang sya ng tingin. Umupo na ko sa upuan ko and then the lesson started.

Tungkol sa mga kabihasnan yung lesson namin ngayon. Hashtag medyo boring. Hahahaha! Bigla akong napahawak sa sugat ko.

"Ouch!" Napasigaw ako.

"What's wrong,Eula?" Tanong sakin ni Ms. sakin.

"Uhhmm... Accidentally ko po kasing nahawakan yung sugat ko pero Okay na po ako ma'am, dont worry! Haha" excuse ko.

And the class goes on...and on..~

*Bell Rings*

Di na ko masyadong binu-bully ni Kier. Actually,he's not paying attention to me anymore. Siguro natauhan na sya matapos syang dakdakan ng bestfriend kong brave.

~~~

Hi guys! This is a short chapter,It's just about Eula's memory about her parents.. Kailangan ko na rin kasi matulog! Hahaha kahit walang pasok~

Let's pray pala for the Bagyong Ruby Victims~ Sana maging safe silang lahat.

Ganun din kayo! Be Safe guys! Saranghae

I Will Show YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon