Chapter 5- Pinky Swear or You're Dead

28 3 1
                                    

EULA'S POV

Second subject: English. My favorite subject next to Math. Habang naghihintay kay Ms.Concepcion, Nagsulat muna ako ng attendance ng may kumalabit sa likod ko.

"Nerd." Panimula ni Steven.

"Oh bakit?" Sagot ko habang nagsusulat sa whiteboard.

"Buti naman alam mo nang Nerd ang pangalan mo." Pangaasar nya

Bwisit talaga tong lalaking to kahit kailan eh.

"ANO BA KASING KAILANGAN MO?!" Napasigaw ako kaya lahat ng students napatingin samin.

"Oops! Sorry. Uhhmm....kasi... GustoKoLigawanYungBestfriendMoKaso......WalangTutulongSakinKaya....PwedeMoBaKoTulungan?" Tuloy tuloy yung sinabi nya. ALIEN ATA TO EH

"Ayusin mo nga yung sinasabi mo!" Humarap ako sa kanya ng naka-crossarm.

"Ahhm....sabi ko...Gusto ko..Ligawan yung bestfriend mo...Pwede mo ba kong...tulungan?" Aba. Nagb-blush ang loko.

"Gusto mo sya ligawan? Sige,pero Tigilan nyo na pangbu-bully samin,tutulungan kita manligaw." Sabi ko habang nagta-tap ng right foot ko.

"Ah..Eula di ko ata maip-promise sayo yan..eh...si Kier kasi...eh......." Yung totoo. Takot talaga sila kay Kier? I mean, mayaman din sila,popular at mas makapangyarihan naman sila kesa sa other students. Bakit di nila magawang humiwalay kay Kier?

"Pwede bang...itago nalang muna natin kay Kier?" Tanong nya habang naka yuko.

"Steven? Gusto mo bang pati ako madamay sa ginagawa mo? Kala ko pa naman sapat na sainyo yung binu-bully nyo kami,pero gusto mo pa pala ako ipahamak lalo." Kinonsensya ko sya.

"Sige na naman,Eula oh. Gustong gusto ko kasi talaga si Amanda. Saka PROMISE, Di ko sya sasaktan. " Wow ha. Makapag-promise tong bully na to. Si Honesto ka? Honesto ang peg?

"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo,Steven. Dahil once na saktan mo ang bestfriend ko,Makakarating kay Kier lahaaaat ng plano mo." Um-oo naman sya agad at nagpasalamat sakin. Umupo na ko sa upuan ko at sakto namang dumating si Ms. Concepcion.

"Good Morning Class." Bati ni Miss.

"Good Morning Miss." Bati ng class namin.

"Thank you. By the way, Ms. Reyes,I'm assigning you to be my Little Teacher in English. Kaya galingan mo,kasi dagdag points yan and you will get an award." Nilapitan ako ni Miss at binigyan ako ng lesson plan.

"You will start teaching today. Alam mo naman 'yang nasa lesson plan mo,diba?" Paninigurado ni Miss.

"Uhh..yes ma'am, Na-master ko na po 'to lahat." Sabi ko habang binabasa bawat pages ng lesson plan.

Pagkatapos ko basahin yung laman nung Lesson plan,tumayo na ko sa harap at nagstart na ng lesson. Tungkol sa Allusion yung lesson namin ngayon,madali lang naman din to.

"Do you know what is Allusion?" Panimula ko palang pero wala namang nagtaas ng kamay.

Nagstart akong magsulat sa whiteboard.

"Allusion is a figure of speech. It is used to give effect. It is also a reference to a character,event,thing,place,or incident from the bible." Habang nagtuturo ako, nakita kong nakikipagdaldalan si Kier sa isang lalaki naming classmate sa likod.

"Mr. Aurelio? Mr. Agustin? Will you share here in the front the story you are talking about a while ago?" Hah. Bawi ako sayo Kier.

"Ah...." Sabi ni Agustin.

"What? Are you going to be greedy? You don't want to share the topic you're talking about?" Piniga ko sila lalo para magsalita.

"Are you listening to my discussion?" Ha-ha! Lagot kayo!

"Yes, Ms. Reyes. We're listening." Sagot ni Kier. Aba mayabang ka ah. Tingnan natin hanggang saan iyang yabang mo.

"Let's see if you're really listening....Mr. Agustin! What is the use of Allusion?" Napanga-nga yung tinanong ko. Wala syang maisagot. Halatang hindi nakikinig.

"How about you, Mr. Aurelio? Can you answer my question?" Hinihintay ko lang sya sumagot.

"Allusion is used to give effect." Simpleng sabi nya tapos umupo na sya.

"Okay Mr. Agustin,you'll be reported to Miss Concepcion for being so talkative while someone's teaching infront." Hatol ko sa kanya.

Natapos na ang klase namin,pupunta pa ko kay Ms. Concepcion para i-report yung classmate namin.

KIER'S POV

Muntikan pa kong mabigyan ng detention dahil sa nerd yan! Sumosobra na sya!

Pero parang may nagiiba. Bakit palaging kasama ni Eula si Steven? Teka. Nasaan na nga ba yung lokong yun?! Bakit si Patrick lang kasama ko?

"Patrick nasan si Steven?" Tinanong ko si Patrick pero mukang kinakabahan sya.

"A-ahh..d-di ko alam eh." Sabi nya habang nanginginig yung boses nya.

Hinila ko yung kwelyo nya at binuhat ko sya pataas.

"May tinatago ba kayo sakin? Ha?" Sinigawan ko sya. Akmang sasapakin ko na sya ng biglang....

STEVEN'S POV

Nasaan na ba yung dalawang nerd na yun.. Pumunta na ko sa Canteen pero wala sila dun. Pati sa Dean's Office wala sila. Ah! Baka nandun sila sa English Department. Naalala ko ire-report nga pala nila yung nagdadaldal kanina.

Pumunta ako sa English Department. At oo, nandun nga sila. Nakita ko si Amanda. Tumingin ako sa kanya pero umiwas sya ng tingin sakin. Parang kinakabahan yung itsura nya.

Nung natapos na sila mag-report sa teacher,pinuntahan ko agad sila.

"Hi...Amanda.. Eula.." Sabi ko habang nagr-rub ng kamay sa batok ko.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Mangbu-bully ka nanaman ba?" Nagtaray agad si Amanda. Nakakaturn-on sya kasi mahilig ako sa babaeng masungit.

"Ahh..uhmm...gusto ko lang makausap si..Si Eula." Sabi ko

"Ah oo nga pala. Sige Amanda una ka na sa Canteen." Hinila ko si Eula kung saan mas private. Dinala ko sya sa isa sa mga bench malapit sa likod ng school.

"Uhhmm..Pwede na ba ko manligaw sa bestfriend mo?'' Dineretso ko agad sya kasi malamang hinahanap na ko nila Kier. Baka lalo pa ko mahalata nun.

"Promise di mo sya sasaktan? Promise?" Tinapat nya yung hinliliit nya sakin na para bang gusto makipag- pinky swear.

"Promise." Nagpinky swear kami.

"Steven,tandaan mo lang,ipapaalala ko ulit sayo. Pag sinaktan mo sya humanda ka na." Paalala nya

"Salamat ulit Eula. Salamat." Nakipag-shake hands ako then umalis na kami dun.

Tumakbo ako dun sa lugar kung saan palagi kaming nandun nila Kier. Shit! Si Patrick! Bakit sya hawak ni Kier?!

"Kier! Wag mo syang saktan,bro." Binaba nya si Patrick.

"San ka galing?" Tanong sakin ni Kier. Ano sasabihin ko?!

"Ah..bumili ako sa Canteen ng inumin." Sana gumana yung excuse ko.

"Meron tayong sariling inuman sa clubhouse natin sa likod ng school diba? Ba't ka pa bumili?" Puta. Chismoso naman nito ni Kier.

"Nakakapagod kasi pumunta sa likod ng school. Kaya sa canteen nalang ako pumunta." Tiningnan ako ng masama ni Kier.

"May tinatago ba kayo sakin?" Nanlilisik na yung mata ni Kier.

"Ha? Kami m-may itatago sayo? B-bakit naman?" Kinakabahan na ko.

"Siguraduhin nyo lang. Dahil pag nalaman kong may tinatago kayo sakin,lagot na kayo." Sabi ni Kier sabay ngisi.

"Lika na. Bilisan nyo nagugutom na ko." Utos nya.

~~~

Nakakatakot ba si Kier? Hahahaha pero cute parin sya <3

(Sehun-biased kasi si Author-nim. Hahahaha)

Stay tuned!
DONT FORGET TO COMMENT AND VOTE! KAMSAHAMNIDA <3

I Will Show YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon