Chapter 05

219 19 0
                                    

...The Transferee...

3'RD PERSON POV
.
.
.
.
.

KANINA pa nagtitimpi na sumabog sa inis si Revon. Kuyom ang kanyang isang kamao at pigil na pigil ang sariling pagsasapakin ang mga estudyante sa paligid nya.

Pagkapasok na pagkapasok nya kasi sa malaking gate ng Zanchi Academy ay agad nyang nakuha ang LAHAT ng atensyon ng mga tao. Mapa -guard, teacher's ,students , at ultimo mga mag jowa na busy sa pakikipagharutan ay napahinto at napatingin sa kanya.

Sa totoo lang sanay na sanay na si Revon sa ganitong senaryo dahil nga ganito rin ang nangyayari sa kanya sa sa dati nyang paaralan ngunit ang kaibahan lang ay pinagtitinginan sya ng mga ito gamit ang matalim nilang tingin at pinagbubulungan pa sya ng kung ano anong masasamang salita tungkol sa kanya. Kung sa dati nyang school ay nginingitian, binabati ,iniidolo, at may TAKOT sa kanya ang mga kapwa estudyante, ngayon naman ay kabaliktaran ito ng nangyayari ngayon...

"Sya na ba 'yung transferee? Like eww! Bakit nerd?"

"Oh my god! What is she doing here? Hindi sya bagay dito!"

"Yeah right! She's so napaka panget and super manang! Bakit hinayaan nilang makapasok ang panget na nerd na 'yan?"

And blah blah blah! Ilan lamang 'yan sa mga bulungan (kung bulungan nga bang matatawag dahil rinig na rinig naman ni Revon) ng mga estudyante habang nandidiring nakatingin kay Revon. Yung iba nga ay napapangiwi pa. Meron ding bigla bigla na lang nang-iirap. At higit sa lahat may mga pasimple pang lumalapit kay Revon atsaka bahagyang itutulak. Kunwari ay hindi nila sinasadya pero tatawa tawa naman ang mga ito nang makalayo.

'Kalma ka lang self! Habaan mo pa ang pasensya mo! First day na first day mo ngayon kaya naman huwag ka munang maghahasik ng ka-astigan mo. Makakapaghintay 'yan kaya mabuti pa'y dedmahin mo na lang sila. ' bulong ni Revon sa sarili habang patuloy parin sa paglalakad...

Pasimpleng luminga sa paligid si Revon at nagbabaka sakaling mahagip ng mata nya ang inaasahan nya sanang makita nya ngayon ngunit hindi nya ito makita. Puro mga mapanghusgang tao lamang ang nakikita nya. Hindi nya mahagilap ang bagong kaibigan. Si Mits.

Inaasahan pa naman nya ito na madadatnan sa gate gaya ng sabi ni Mits ngunit nadismaya sya ng wala syang nakitang Mits, ni anino nito ay hindi nya makita. Sa isip isip nya tuloy ay baka pinag tritripan lamang sya nito. Hindi malabo 'yun dahil sa itsura pa lang Mits ay halatang wala sa ugali nya ang makipagkaibigan sa kung sino sino at lalong lalo na sa Nerd. Gwapo at Mayaman si Mits tapos makikipag kaibigan ito sa Nerd? Sabagay hindi pa naman gaanong kilala ni Revon ang binata dahil kakakilala pa lang naman nya ito kahapon. Hindi nya pa alam ang takbo ng utak ng lalaking nakipag kaibigan sa kanya.

Nerd Pero AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon