Chapter 08

427 30 42
                                    

...The Last Day...

3'RD PERSON POV
.
.
.
.
.

HINDI makapaniwala at takang taka ang ekspresyon ng mga estudyante ng makita nilang pumasok sa gate si Revon. Na akala mo ay hindi binubully araw araw dahil masayang masaya ito at tila isang batang patalon talon pa habang naglalakad.

Marami pa ang napanganga dahil sa nakikitang kasiglahan na pinapakita ng dalaga. Akala ng mga ito ay pagsapit ng kinabukasan ,dalawang araw o tatlong araw ay aalis na ito ng Zanchi. Akala nila ay natakot na ito at pipiliing magtrasfer na lamang ulit sa ibang school. Akala nila ay hindi na ito aabutin pa ng Isang Linggo ,tulad ng mga Nerd na binubully nila na hindi pa 'ata inaabot ng dalawang araw o kung hindi pa'y, hindi na umaabot ng kahit ilang oras ay mapipilitan ng lumipat o magdrop out dahil sa pangbubully nila... Pero sadyang matibay nga ang Nerd na binubully nila ngayon ,mukang wala talaga itong balak na lisanin ang Zanchi dahil lang sa pangbubully nila...

"What the?! Matibay ang nerd na 'to! Akalain mo? Pumasok pa talaga?" Manghang mangha na sabi ng isang lalaki.

"Sya lang yata ang binully natin ng ganito katagal ah? Mukang hindi pa nadadala! Kailangan pa siguro ng mas matinding leksyon hahaha" tumawa ito ng mala-kontrabida.

"Your right! I swear na pagsisihan talaga ng Nerd na 'yan na dito pa sya pumasok! Hindi sya bagay dito ! Like duhhh! She's so ugly and my eyes hurt when I see her!" maarteng sabi ng isang babae sabay hawak sa mata nya..

Binalewala naman ni Revon ang mga naririnig nyang usap-usapan ng mga estudyante. Hindi na bulungan ito dahil rinig na rinig naman nya. Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad ngunit agad syang napahinto nang harangin na naman sya ng tatlong babaeng bully. Sila rin lagi ang humaharang sa kanya sa araw-araw kaya hindi na sya nagulat.

"What are you doing here? Bakit hindi ka pa lumilipat ng school? Aren't you scared to us?"mataray na tanong ng leader nila.

"Wow! Ang galing ! Mukang ine-enjoy mo ang pangbubully na ginagawa namin sayo huh!" sarcastic namang sabat ng isa nitong alipores..

"Wala ka talagang kadala-dala noh? Mukang gustong gusto mo talaga ang pag-iistay dito ha? Sabagay, okay na 'rin yun para naman may mapaglalaruan kami! Right? Queen Richie?" sabat din ng isa sabay tingin sa leader nila . Na ang pangalan pala ay Richie  ..


Nagpantig naman ang tenga ni Revon sa narinig nitong pangalan . Saglit syang natigilan at nahulog sa malalim na pag-iisip. Iniisip nya kung saan nya narinig ang pangalan na 'yun dahil pamilyar na pamilyar talaga sya dito.

Biglang pumasok sa isipan nya si Ian, ang pakikipag bugbugan nito sa mga outsider, kung paano sya ma-kick out, at higit sa lahat ,kung ano ---- sino ang dahilan ng lahat ng 'yon...

'Richie Guevarra! Ikaw nga kaya ang babaeng tinutukoy ni Ian? Pwes, kung ikaw nga ! Lagot ka sa'kin...'

"Tama ka dyan , Krisha! Kaya ano pa ang hinintay nyo? Hawakan nyo sya!" Utos ng leader nila---- si Richie...

Agad namang tumalima ang dalawang lalaki at hinawakan sa magkabilang braso si Revon. Nakatayo lang naman si Revon at hindi na nag abalang magpumiglas sa mga ito. Hinayaan nya lang.

Nilahad ni Richie ang kamay nito sa isa nyang kaibigan na nagngangalan namang Lenny. Binigay naman ni Lenny ang hinihingi ni Richie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd Pero AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon