...One Week...
3'RD PERSON POV
.
.
.
.
.BIGLANG dumating ang kanilang professor at sa isang iglap ay tumahimik ang paligid. Kanya kanya ng ayos ang mga estudyante sa mga upuang natumba at pulot dito pulot dyan ang ginagawa nila dahil sa napakaraming papel na nagkalat sa sahig. Pati yung dalawang nagme-make out sa loob ng C.R ay tahimik na lumabas.
Naningkit ang mga mata ni Revon at tinandaan talaga nya ang pagmumukha ng dalawang kakalabas lamang ng banyo.
'Lagot kayo sa'kin!' Sa isip ni Revon habang nakasunod ang tingin sa dalawa.
Kahit naman ganito ang mga estudyante ay may takot parin sila sa kanilang professor. Terror at nakakatakot naman talaga ang professor nila. Walang iba kundi si... Gurianriera Atacott... Aka "Gorilla" behind him back ay hindi nya alam na Gorilla ang bansag sa kanya ng kanyang mga estudyante at sa anong dahilan? Mahirap daw kasing bigkasin ang Gurianriera... Bakit pa nila papahirapan ang sarili nila kung pwede namang Gorilla na lang diba? Haysss ang titino naman talaga ng mga estudyante oh...
"Introduce yourself !" tumingin ito kay Revon na nakatayo parin sa pintuan...
Naglakad naman si Revon pupunta sa harap. Yumuko ito at kunwari ay nanginginig sa takot. "M-My name i--is -------" pinilit din nyang mautal utal sa pagsasalita ngunit agad syang pinutol ni Mr.Atacott...
"LOUD AND CLEAR! " mabagsik nitong sabi...
Napapitlag naman sa gulat ang mga nakaupong estudyante ngunit tatawa tawa ang mga ito habang nakatingin kay Revon...
Lihim namang napangiwi si Revon. Kung hindi lang dahil sa idea nya baka ito pa ang natakot sa kanya. Nagkibit balikat na lang sya at inayos ang pagpapakilala...
"Hi everyone! My name is Revon Stanford ! 16 years old! Nice to meet you !" maikling pakilala nya habang nakayuko ng konti...
"You may find your chair now. There are more vacant chair in the last row! Go there and sit down!" Utos nito kay Revon...
Sumunod naman si Revon at naglakad papunta sa dulo. Nakayuko lang sya dahil ramdam na ramdam nya ang tingin sa kanya ng kapwa nito estudyante. Napaangat sya ng tingin ng biglang may nag "Pssst" sa kanya kaya naman hindi nya nakitang biglang hinarang ng isang babae ang paa nito sa daanan ni Revon kaya ang ending....
*BLAAAAAGGGGGGG*
Napatid sya.
Umugong ang malakas na tawanan sa apat na sulok ng kanilang room. Yung iba ay napapahampas pa sa armchair. Natigil lang sila sa wagas na tawanan ng sumigaw si Mr.Atacott...
"QUIET!"
Kahit masakit ang pagkakalagapak ni Revon ay pinilit nyang tumayo. Pinagpagan nya ang suot at parang walang nangyaring naglakad ito papunta sa isang bakanteng upuan, sa tabi ng bintana at tahimik itong umupo dun...
Nakatingin parin sa kanya ang mga kaklase nya. Nagtataka ang mga ito. Akala kasi nila ay iiyak ito dahil sa pagkapahiya ngunit mukang mali sila..
BINABASA MO ANG
Nerd Pero Astig
RandomMeet Revon... Simpleng babae, matalino, masayahin, matapang, mapagmahal , malambing ,matulungin, maunawain at higit sa lahat malakas... nasa kanya na SANA ang lahat kaso may sumablay na isa eh....dahil isa syang NERD!!! Yupp, nerd sya... Pero hindi...