Aiah's POV
Kakauwi lang namin ni sherie galing trabaho sumaglit muna siya sa apartment niya para kunin yung mga gagamitin namin alam niyo naman yun, gusto niya laging nakaayos kapag nag paparty ayaw ng simple kasi daw hindi makakadagit ng gwapo.
Diretso na agad ako sa banyo para maligo para kasing na drain yung buong pagkatao ko dahil sa mga nangyari kanina. Sa tuwing naiisip ko yun tinatamaan parin talaga ako ng kaba ewan ko ba kung bakit-dahil siguro sa klase ng titig niya o dahil sa gwapo siya well either both haha.
Habang naliligo ako naisip ko nanaman yung pag uusap namin kanina well kung ikaw ba naman makaharap mo yung kinatatakutang boss sa lahat ng boss ewan ko nalang kung hindi ka maihi sa takot. Kilala din si mr. Cambridge bilang hitler sa labas. Hindi mo siya makikita sa labas dahil mailap siya sa media at sa tao. Bibihira lang ang may alam sa kanyang mukha sa labas pero sa loob ng empire niya ay kilala siya. Pero may pinermahan kaming disclosure documents na bawal ipagsabi kung anong mukha ng boss namin at kung anong kaganapan ang nagaganap sa loob ng company namin.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagsuot ng bathrobe dahil sa mag aayos din naman kami mamaya at magpapalit nanaman ako ng damit sayang lang-mahirap pa naman maglaba.
Dumiretso agad akong kusina para magluto ng pagkain. Iniisip ko kasi malalasing nanaman mamaya si sherie at ako siguro di ko sure eh hehe wala pa kaming kain. Habang nagluluto akong ganyan ay biglang may kumatok.
"baka si sherie na yun" ani ko at pinatay muna yung niluluto ko at naglakad na ako patungo sa pinto ngunit bigla akong napatigil " pero ambilis niya naman atang dumating" nagtatakang ani ko sa sarili pero pinagkibit balikat ko nalang ito at pinagbuksan ng pinto.
Pagkabukas kong ganyan ay bigla akong nahilo. Hindi ko na gaanong naulingan ang taong nagpa amoy saakin noon.
Shiro's POV
"jana dalian mo naman" sigaw ko habang nasa sala kami ng rest house niya " babagal bagal eh" segunda ko nanaman ng makita ko siyang pababa ng hagdan.
"oo na, eto na nga oh" iritableng sagot nito at inirapan pa siya saka ito nagayos ng gamit nitong nasa bag.
Baka matapilok pa ito eh, alam namang nasa daan doon pa nag aaayos ng gamit isip ko.
Nauna na akong pumasok sa van na dala namin. Naka convoy na kami para mas madali at para narin mabantayan namin ng maigi yung pinababantay ni boss mahirap na, baka masugatan lang ng kaunti yung pinakamamahal niya eh buhay na namin ang kapalit. Agad ko ng pinatakbo itong van patungo kila aiah- oo kami ang kasama niya at siya ang pinababantayan ng boss namin.
Nang makarating kami ay agad ng bumaba yung tatlo at naiwan ako para para iparking itong sasakyan panigurado naman kasing magtatagal kami dito dahil sa daming kaekekan ng mga babae. Pero agad akong nagulantang ng sumigaw si jana.
"waaaaaahhhhhhh" sigaw ni jana, Alam ko dahil matinis yung boses.
Agad akong bumaba at tinungo ang pwesto ni jana "anong nangyari?" agad kong tanong sakanya.
"nawawala si aiah" agad namang sagot ni nina sa napaka seryosong boses.
"may nannalisi sa atin" sobrang lamig na tinig na ani ni shiro. Biglang tumalim ang tingin nito at kumipot at bibig nito tanda na galit na ito.
Kilala ko si shiro, simula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa, sabay kaming pumasok sa mafia bilang assassin-oo assassin kami hindi lang halata dahil na rin sa naiwang obligasyon ng aming mga ama na dapat lamang naming ipagpatuloy. Kami ang pumalit sa pwesto ng aming mga ama, isa nang dahilan ay upang maipaghiganti ang ginawa nilang pang aambush sa mga tatay namin. Naging mahirap ang pagtanggap nito sa pagkamatay ng kanyang ama kayat mag mula noon ay ayaw na nitong sinasalisihan dahil sa karanasan niya noon. Ayaw na naming maulit ang masakit na nakaraan na pilit kaming hina hunting ngayon sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
Dangerous Man Obssession
RomanceI once never have you but now I'll make sure I have you in every way I can and whoever gets on my way - there's HELL to pay - johannes ariel Cambridge