✔| 07 | Chosen Souls

75 15 43
                                    

-Pangalawang Pagkakataon.
Nawa'y gamitin niyo
ito ng maayos
at palaging pag-isipan
ng mabuti ang inyong
magiging pasya.

[Altheia Coreene's POV]

Nasa sala kami ngayon ni Mika, nanonood ng TV. 'Yung mga pinapalabas dito ay galing sa Mortal Realm kaso mala-80s ang dating. Black and white ba naman ang kulay ng screen pero latest yung movies. Hay...

"Alam mo, girl... Nakapagtataka 'yung essay writing kanina," kunot noong saad ni Mika. Hala! Baka mayroon ding lumilitaw na tanong sa papel niya pagkatapos niyang sagutin ang isang tanong. Humarap naman ako sa kanya.

"Mayroong lumalabas na panibagong tanong pagkatapos mong sagutin yung isa, 'no?" seryoso kong tanong sa kanya. Hay... Sana hindi lang ako ang nakasaksi sa kababalaghang 'yon. So weird!

She gasped. "Oo, girl! Ganoon din ba ang sa 'yo?" tanong nito sa akin. Nakakunot pa rin ang kanyang noo. Ang cute niya na naman.

"Yes!" I exlaimed. Bigla naman akong napa-isip kung lumitaw rin sa ilalim ng answer sheet niya yung katulad ng akin kaya tinanong ko siya, "Mika, may lumitaw ba na 'Very well said. Your wish is granted. Good Luck!' sa ilalim ng answer sheet mo?"

Bigla namang nagliwanag ang kanyang mukha at tumango-tango. Napahinga naman ako ng maluwag! Buti na lang! At least, kahit anong mangyari, alam kong magkasama kami ni Mika.

Napatingin ako sa oras at napagtantong alas-diyes na ng gabi. Hala! Gabi na pala! Tumayo na ako't niyaya si Mika na matulog na kami. Binati muna naming ang isa't isa ng 'good night' bago tumungo sa sarili naming mga kwarto.

○●○●○

"Class dismissed," paalam ni Ma'am Agoncillo at saka tumungo na palabas ng silid. Mabait itong guro, ngunit mas gusto ko talaga si Madame. Hindi kasi masyadong malapit si Ma'am, basta na lang siya papasok at magtuturo.

"Tara na, girl!" bulalas ni Mika sa tabi ko. Hala! Andito na pala siya, 'di ko agad napansin. Tumayo na ako mula sa aking upuan at kinuha ang bag ko. Naglakad na kami palabas ni Mika nang may mabangga si Mika na babae.

"Sorry, miss! Are you okay?" paghihingi ni Mika ng paumanhin habang maingat na tinutulungang tumayo ang babae. Pinagpag naman ng babae ang kanyang palda, kahit wala namang dumi. Tumango na lamang ito at nahihiya kaming nginitian.

Maganda naman ito. Matangos ang ilong at maayos ang pagka-ahit ng kanyang mga kilay. Manipis ang labi at mahaba ang mga pilikmata. Mahinhin siya, para sa akin, sobrang soothing kasi ng boses niya.

Halatang hindi maarte sa pananamit at conservative. Mas mahaba siguro ng 1-2cm ang kanyang palda sa amin kaya umabot ito hanggang tuhod niya. 'Di katulad ng sa amin ni Mika na above the knees.

"Saan ka papunta, miss?" Ako naman ngayon ang nagtanong sa kanya. Nag-aalangan pa siya nung una pero sinagot niya rin naman ako, "Sa canteen po."

"Sabay ka na lang sa amin! Doon din kami papunta," masayang yaya sa kanya ni Mika. Makulit si Mika, 'yon ang dahilan kung bakit friendly siya. Nakakairita siya kapag sobrang kulit niya pero never pumasok sa isip ko na feeling close lang siya.

"Sige po," magalang na tugon nito sa amin at sumunod sa paglalakad namin. Hawak ng mga kamay niya ang strap ng kanyang bag. Nakaharang naman ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang mukha.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" biglang tanong ni Mika sa kasama namin. Napahinto naman ito saglit at nagpatuloy maglakad. Pati 'yung paraan ng paglakad niya, napakahinhin.

"Ako po si Winter Madeline Dominguez. You can call me, Maddie po," magalang na pagpapakilala sa amin ni Maddie. Ang cute naman ng name niya!

Pumasok na kami sa canteen at humanap ng puwesto. Nung makahanap na kami, pumunta na si Mika sa linya. Siya na lang daw ang bibili. Kinausap ko naman si Maddie habang wala pa si Mika.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon