Hindi sa lahat ng pagkakataon,
makikisama sa iyo
ang tadhana,
Sasaktan ka niya
kung kailangan
Basta matuto ka lang.[Altheia Coreene's POV]
Nung wala na kaming mapuntahan ni Bryan, sinabihan ko siya na kailangan kong pumunta sa grocery. Pumayag siya at sinamahan ako.
Wala ba siyang gagawin ngayon? Eh, bakit hanggang ngayon sama pa rin siya ng sama. Aish!
'Huwag ka nang mag-deny, Altheia. Nakakarindi lang.'
Isa pa itong inner voice ko, ang daming side comments tapos pangangaralan ako. Ang lakas lang ng trip, 'no?
Habang nasa grocery kami, tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone. Sinagot niya ang tumatawag at lumayo muna sa akin ng konti. Nasa biscuits section kami ngayon. Kumuha ako ng Presto at Oreo.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumapit na siya sa akin. Tumingin siya sa akin at awkward na ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay at 'di na napigilan ang sariling magtanong.
"Ano ang gusto mong sabihin?"
"Ah... Eh... Kailangan ko na kasing umalis," nag-aalangang paalam niya sa akin habang kumakamot pa sa kanyang batok. I carelessly nodded.
"Nice meeting you, Altheia. See you when I see you!" Kumaway muna siya sa akin bago lumabas ng grocery.
Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng kailangan ko sa push cart, pumila na ako. Inabot ko sa cashier ang aking credit card. Bigla naman akong napaisip...
Within 100 days, aasa na lang ba ako sa credit card na ito? No more twists?
Habang naglalakad papunta sa parking area, may nag-pop na idea sa utak ko. Aha! This is hitting two birds with one stone.
First of all, papasok ako bilang singer sa Café na pagmamay-ari ng magulang ko. Tapos, doon ko na rin sisimulan ang aking misyon. At least, magsisimula na ako tapos 'di pa ako maiinip.
Nilagay ko sa likod ng sasakyan ko ang mga pinamili ko bago tuluyang pumasok sa driver's seat. Nag-drive na ako patungo sa Asylum Hotel.
I noticed na malayo rin pala ang Hotel na ito sa siyudad. Actually, it's not like ngayon ko lang napansin, sadyang nanghihinayang lang ako sa 1 hour na nasasayang kapag papunta at paalis ako sa hotel na ito.
Though, sinabihan naman kami ni Madame na pwede naman kaming lumipat. Imagine, paano na lang ang mga Chosen Souls na nakatira sa Mindanao o kaya naman sa Visayas? Buti na lamang at taga-NCR ako.
Pero kapag nakilala na ako ng mga magulang ko, babalik na ako sa bahay namin. I'm sure papayagan naman ako ng mga 'yon. Anak pa rin nila ako. Duh!
Suddenly, natigilan ako. Paano nga ba kung tuluyan na nila akong kamuhian at itakwil? Altheia, stop it!
Hindi ako papayag. Itakwil man nila ako o kamuhian, gagawin ko ang lahat, matuto lang silang umintindi. Besides, this second chance is not just for me, I'm also doing this for them.
Gusto kong ibigay sa kanila ang pagkakataong ito para itama ang mga mali nila sa akin.
This second chance is for the better not just for my own gain.
Binaba ko muna ang aking pinamili bago ni-lock ang aking sasakyan. Tinulungan ako ng isa sa mga staffs at saka kami nag-teleport sa harap ng pinto ko.
Kung mayroong metal floor mat sa loob meron din sa labas. 'Yung mga staffs kasi hindi pwedeng pumasok sa suite namin except na lang kung isa siya sa mga house keeping. But, I decided to decline their service and be independent.
![](https://img.wattpad.com/cover/218824603-288-k515235.jpg)
BINABASA MO ANG
Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)
Paranormal"Why Do People Die?" A lost soul who willingly took her second chance but ended up breaking one of the rules that answered her questions. ***** Altheia suffered from sadness and anxiety in her previous life that pushed her to kill he...