You're a human after all.
Nagkakamali ka
and that's acceptable,
but every mistakes
has its own consequences.[Altheia Coreene's POV]
Kasalukuyan akong nasa buffet ng isang mall. Konti lang ang kinain ko kaninang umaga kasi wala akong gana. Masyado akong maraming iniisip kaya gano'n pero dadamihan ko na ngayon kasi naalala kong pagkain nga pala ang nagpapakalma sa akin maliban sa mga kanta.
Nabigla ako nung mayroong nagpatong ng tray sa harapan ko. Inangat ko ang aking tingin at bumungad sa akin si Madame na nakangiti.
"Kumusta ka na, Altheia?" nakangiti nitong tanong habang nililipat sa lamesa ang mga pagkaing nasa tray kanina.
"Okay lang po," sagot ko. Buti na lang at hindi ako nautal.
Pinatong niya na lang sa isang bakanteng upuan ang tray. Pang-apat na tao ang inuupuan namin ngayon kaya mayroon pang dalawang bakanteng upuan.
"Mahirap bang sundin ang limang rules na sinabi ko?" Para niya akong pinapaamin pero ang paraan ng pagkasabi niya, kaswal lang.
Tumango ako bilang sagot. Mahina naman siyang natawa pero sapat lang para marinig ko. It's a genuine laugh not a sarcastic one.
"At least, aminado ka," natatawa pa nitong sambit. I wonder, kung bakit ako ang napili niyang makatabi. Eh, ang dami namang available na seats.
Narinig ko siyang tumikhim kaya binalik ko sa kanya ang tingin ko. Natigilan ako nang sumeryoso ang kanyang mukha, "Mayroon ka na bang nasuway sa mga rules na 'yon?"
Napa-iwas ako ng tingin at saka bumuntong hininga. Pumikit ako ng mariin. Anong isasagot ko? Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at saka lumingon sa kanya.
Muli akong natigilan nang mapagtantong nakangiti na siya ngayon. "You did," mahinahon nitong sambit.
"You're still a human after all. Nagkakamali ka and that's acceptable," saad nito habang nakahalukipkip. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi.
"But every mistakes has its own consequences. Aware ka doon, 'di ba?" Sumeryoso ulit ang mukha niya. Shocks! Bakit papalit-palit 'yung reaction niya?
"I'm aware po and I'm willing to face it, alone or with someone," I answered bravely. Tumango-tango naman siya at ngumiti ulit.
"Very well then." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, nagpatuloy na siya sa pagkain.
"After nating kumain, pwede bang samahan mo akong mamasyal?" tanong nito pagkatapos niyang lunukin ang kinakain niya.
"Okay po," sagot ko agad kaya naman mas lumapad ang ngiti niya.
○●○●○
Kasalukuyan kaming nasa department store. Tumitingin-tingin ng mga gamit. Tumigil kami sa accessories section ng mga bata. Lumapit si Madame doon sa mga may pang-ipit ng buhok at saka mga designs.
Natatawa niyang hinawakan ang isang hair clip na golden butterfly ang design, "Parang kailan lang nung humawak ako ng ganito."
Lumingon siya sa akin at sinenyasang lumapit sa kanya, "Altheia, dito ka!" Sumunod naman ako at tumayo sa harapan niya.
Nabigla ako nang ayusin niya ang buhok ko at saka nilagay ang hawak niyang hair clip. Pumalakpak naman siya at saka hinarap ako sa salamin. Napangiti ako sa aking nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)
Paranormal"Why Do People Die?" A lost soul who willingly took her second chance but ended up breaking one of the rules that answered her questions. ***** Altheia suffered from sadness and anxiety in her previous life that pushed her to kill he...