03

352 21 2
                                    

Nakangiti akong naglalakad papuntang 2nd floor. Sino naman ang hindi ngingiti? Nahawakan ko yung kamay, ano ba. Ang gandang lalaki ng lalaki na iyon ay hindi dapat sinasayang. 

Hinahawakan ko ang Kamay kung nahawakan ni Alvaro ng biglang may kumuha nito. Agad ko itong binawi at kinunotan ng noo si Easton.

"Bat mo hinahawakan yang kamay mo ng nakangiti?" 

tinaasan ko siya ng kilay at pinaikot ang aking mata, upang ipakita ang pagkairita sakanya. 

"Ay, kausapin mo yang best friend mo Easton at baka inlove na yan" sambit ni Nadine

"Sige, una na kami sa loob ah?" Sambit naman ni Hadley 

tumango lang si Easton sakanila at saka kunot noong tumingin saakin. Sumulyap naman ako ng nakangiti kay Easton at agad naman niya akong tinignan ng may pagtataka.

"Why?" 

"Ano yung sinasabi ni Nadine na inlove?" 

Agad ko siyang nginitian at pumunta sa Side ng corridor namin.

"Kilala mo yung transferee sa A3?" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

"Oo, si Alvaro ba?" Sambit nito saka tumingin sa akin.

"Oo, alam mo ba nahawakan ko yung kamay niya" 

Iniisip ko palang na nahawakan niya ang kamay ko ay kinikilig na ulit ako, hay. sarap naman pag gwapo crush mo. 

"Nanchansing ka?" tanong nito saakin na malaki ang mga mata

Agad ko siyang tinignan na may bahid na inis sa aking mukha, bumuntong hininga ako at saka nag face palm nalang dahil sa katangahan ng bestfriend ko. 

"Oa, napaka Oa. Nahawakan lang yung kamay Tsansing na?" 

"Charr lang" natatawang sambit nito sakin kaya agad ko siyang sinuntok sa kanyang balikat. Agad naman siyang nagulat sa ginawa ko at hinawakan yung balikat niya.

"Oh, ano?" Sambit ko at inambahan ng suntok. Agad naman niyang pinagsanggala ang kanyang mga kamay.

"Bat mo ba ko gustong suntukin ah?" 

"Nambwibwisit ka naman kasi eh!" Naiinis na tugon ko saka ako tumalikod sakanya at pinag-cross ang kamay ko sa aking dibdib. Kainis.

"Joke lang naman eh" sambit nito sa nanlalambing na boses.

"balik ka na sa section mo, nang-iinis ka ulit eh" 

"Parang di mo ako pinagtritripan ah" sambit nito na parang natatawa.

"Eh, sa araw na to hindi pa naman ah?" Sambit ko sakanya na parang nanghahamon ulit.

agad naman siyang natuwa. Pinag-usapan namin ni Easton kung kailan daw ako pwede para makalabas ulit kami.

The bell ranged for the Afternoon Classes, kaya agad nagpaalam si Easton sakin. Hinatid niya ako sa door ng section namin pero saktong pag-alis niya ay nabangga siya ni Nadine.

"Ay, Hala sorry Easton" sambit nito ng nakayuko at agad pumunta sa section niya.

bilang supportive na bestfriend ay paloko kong tinignan si Easton habang sinusundan niya ng tingin si Nadine, agad niyang nakita ang aking expression kaya naman agad niya akong tinuro.

"Tumahimik ka" .

Tumatawa akong pumuntang Upuan ko at tinignan si Parissa na tahimik lang.

"Oh, bakit antahimik mo?" Tanong ko sakanya pero inismiran lang ako

Agad akong tumingin sa Likod namin at tinanong sila kung bakit ganun ang Itsura at pakikitungo ni Issa.

"Anyare dito?" Tanong ko sakanila ng pabulong.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon