Prologue

12 0 0
                                    

Paano mo naisasapuso ang mga alaala?

Maraming mga tao, bagay at pagkakataon na nakakapukaw ng atensyon, pero bilang lang ang nanatili.

Lima, sampu, dalawampung taon... Matapos nito, ano pang naaalala mo?

Naalala mo pa ba 'yung talon sa puso mo, nu'ng inaya ka niyang sumayaw sabay sa tugtog ng plaka?

O 'yung ganda ng kanyang ngiti nu'ng nilutuan mo siya ng paborito niyang afritada nu'ng bertdey niya?

Sarap tamasain, lalo kapag nanunuot sa'yo 'yung ligaya.

Eh 'yung sakit nu'ng bigla siyang umalis nang walang paalam?

Hindi maganda, pero bakit nakatatak pa, nanunuot rin sa pagkatao mo, sa'yong bawat hibla.

Napatawad mo na ba siya?

Ang malaking sugat, gumaling man at maging peklat, 'di masasawalambahala ang bakas.

Paano ka nga ba mamimili kung anong alaala lang ang babakas?

Maraming maaaring kalimutan, maraming maaaring sariwain.

Pero lahat, sa puso mo, mababalikan.

Samakatuwid, 'yung mga alaalang gusto mong manatili sa'yo? Masaya o malungkot, sa'yo rin nakasalalay.

Sa'yo ang desisyon.

Alalahanin ang ligaya.

Palagpasin na ang sakit.

Ikaw na, oo, ikaw nga ang bahala.

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon