Chapter 3

0 0 0
                                    

Mahimbing siyang natutulog ng gabing iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad siyang bumangon at kabadong sinagot ang tawag. "Jesrill anak.."

Napako siya sa kama at nanatiling nakatitig sa kawalan. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Unti-unting tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata. At hindi iyon tumutulo sa lungkot at kasawian, tumutulo iyon sa kasiyahan dahil oo, successful ang operasyon nga mahal niya.

Kinaumagahan, masigla siyang bumangon at masayang tumungo sa kusina.

"Oh anak. Himala lumabas ka pa sa kwarto mo?" natatawang sabi ng Mama niya. Nagluluto ito ng piniritong itlog.

"Oo ma. Oo," nakangiti niyang sagot at nagpaalam sa ina na lalabas muna siya saglit.

"Ang weirdo talaga ng isang iyon," naiiling na sabi ng ina niyang rinig niya bago siya umalis.

Nasa likod siya ng bahay nila sa may dalampasigan. Kitang-kita niya ang ganda ng pagsikat ng araw mula sa mga bundok sa malayo. Parang ibang kasiyahan ang dulot ng araw na ito. At alam niya ang dulot ng kasiyahang iyon. Hindi pa niya nakakalimutan ang balita kagabi. Naging successful ang operation pero hindi pa rin nagigising si Giselle. Kahit na ganon, ang importante ay naging successful ang operation nito.

Bukas makalawa ay napagdesisyunan niyang umuwi ng Maynila at bisitahin ang kanyang mahal... na mahal din pala siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig kagabi pero ramdam niya ang sinseridad sa pagsasalita nito.

Tinawag niya ang mga kaibigan at wala pang tatlumpung minuto sa pagkakaupo sa seawall na mag-isa ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan niya.

"Oh? Anong meron Pre?" tanong nitong si Keil na mukhang kagigising lang.

"F-ck you Jes for waking me up this early!" ani Bernardo at kinusot ang mga mata.

"Wazzup mga pre," cool naman na bati ni Daniel. Parang sa sobrang saya nito ay kanina pa itong bukang-liwayway nagising.

Tumango naman si Lance sa kanya habang hawak ang cellphone.

Nakangiti siya sa kanila at nag-anunsyo, "Babalik akong Maynila."

Gulat na gulat ang tatlo sa narinig. Except naman kay Lance na parang alam na kung bakit.

"Ano? Nahihibang ka na ba? Babalik ka don?" nakapameywang naman na tanong ni Keil. Alam na alam ng lahat kung gaano kagulo ang buhay ni Jesrill sa Maynila. He even said it before them that he hates Manila.

"Aba aba. Gago ka talagang gago ka," natatawa namang kumento ni Dan. Malakas ang kutob niya na si Giselle ang dahilan sa pagpunta niya doon.

Bernardo just shook his head in disbelief habang nakangiti naman na napailing si Lance.

Oo. Determinado siyang pupuntahan niya sa Maynila ang babaeng mahal niya. Ang bestfriend niya. Ang babaeng nagsabing mahal din siya.

1-4-3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon