"Doc, kamusta na ang anak ko?" nag-aalalang tanong ng ina nito sa Doktor. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa clinic nito at talagang nauumay na siya pero wala siyang magawa. Ni hindi nga niya kayang kumilos at unalis doon ng hindi umiiyak. At ngayong naiisip niyang muli ang nangyari sa mahal niya, naiiyak na naman siya.
"P-t-ngna!" sigaw niya at umiiyak na sinuntok ang lamesa ng Doktor.
Ngumiti lamang ng konti ang doktor at humarap sa ina ni Jesrill na bahagyang nagulat sa ginawa ng anak.
"Ma'am, as of now hindi pa po niya matanggap na wala na si Gi-" pero hindi niya pinatapos ang doktor at galit na hinawakan ang kwelyo ng lab gown ng Doktor. Hindi man lang nagpatinag ang doktor at kalmadong hinawakan si Jesrill sa balikat. Hindi nagsalita si Dr. Agatha pero ramdam na ramdam ni Jesrill ang nais nitong ipahiwatig -- na kailangan niyang kumalma kaya, binitawan niya ito.
Inayos ng Doktor ang lab gown at tumayo. "Khalil, paki-assist kay Mr. Jesrill dun sa loob," tawag nito sa intern na si Khalil.
Hindi na umangal pa si Jesrill at nagpatangay na lamang kay Khalil papasok. Hanggang sa buhay siya ay hindi niya matanggap na wala na ang kanyang mahal-- na wala na si Giselle. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang pumunta sa isang Psychologist. Hindi naman siya baliw!
Ilang minuto pa lamang ay pumasok ang doktor sa loob pero hindi ito nag-iisa. May mga kasama ito at ito ay ang kanyang mga kaibigan.
"Tang-na pre. Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Daniel at mahinang tinapik ang balikat niya. Hindi siya ngumiti dahil naitanong niya rin sa sarili iyon, 'Ano nga bang nangyari sa kanya?'
Ilang araw na raw siyang hindi kumakain. Ilang araw na siyang hindi lumalabas sa bahay nila. At ilang araw na siyang hindi nakikipag-usap sa lahat maski mama niya. Sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Giselle. At handa siyang mamatay rin para sa kanya.
"Magsalita ka naman pre, Tang-na!" galit na usal ni Keil sa kanya. Hindi na nito napigilan ang sarili. Ilang beses na silang pumupunta sa bahay nila pero hindi pa rin sila kinakausap ni Jesrill. Ngayon na nakalabas na ito, lulubusin na nila.
Nanonood lamang ang doktor sa kanila na tila inoobserbahan ang nangyari.
Pinigilan nina Bernardo at Lance si Keil. Alam nila na may malaking pinagdaanan ang kaibigan at hindi nakakabuti ang galit dito.
"F-ck dude. Magsalita ka naman kasi. Don't blame yourself. Hindi mo kasalanan ang nangyari! Stop blaming yourself!" galit na sigaw ni Bernardo. Akala niya mapipigilan niya ang sarili pero maski sya ay nagalit na rin.
"Tang-na! Paano ko hindi sisihin ang aking sarili kung sa harap ko mismo nakita ang aking mahal na- na..." hindi na niya natapos ito ng muli na namang pumatak ang luha sa kanyang mga pagod ng mga mata. Pang-ilang beses na ba siyang umiyak? Ilang-beses na ba siyang nagsasabing hindi niya kasalanan pero tang-na. Maski sarili niya ay hindi sumasang-ayon.
Hindi niya alam kung bakit pero nagsiiyakan ang lahat ng naroon sa kwartong iyon maliban na lamang sa doktor at sa intern nito. Hindi niya alam kung bakit umiiyak ang kanyang mga kaibigan sa tuwing sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Giselle pero naiyak na lamang siya ng mahigpit na hinawakan ni Lance ang kanyang kaliwang braso. Seryoso itong nakatingin sa kanya pero may luha ang dalawang mata.
"Jesrill. Makinig ka. Hindi ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya. HINDI IKAW," binigyang-diin nito ang huling dalawang salita.
"Tang-na! Yun nga! Namatay siya! Namatay siya dahil nasagasaan siya ng putang-nang kotse sa harap ng Hospital! Tang-na!" nabasag ang kanyang boses at walang humpay na umagos ang mga luha sa dalwang mata. Ayaw niyang aminin. Ayaw niyang tanggapin. Ayaw niya. Talagang ayaw niya dahil ikakasal pa sila. Manliligaw pa siya. Manliligaw pa siya sa bestfriend niya. Kada pipikit siya ay paulit-ulit siyang minumulto sa nakita niya noong araw na iyon. Tatayo na sana siya para uuwi na nang makaramdam siya ng hapdi sa kanan niyang parte ng mukha.
"Lance!"
Nanlalaki ang mga mata siyang bumaling sa sumuntok sa kanya. Galit na galit na nakatingin si Lance sa kanya at malakas na sumigaw, "Tang-na! Yan ang problema Jesrill! Hindi. ikaw. ang. pumatay. sa. kanya!" Huminga ito ng malalim at medyo kalmadong nagsalita, "Jes. Namatay si Giselle hindi dahil nasagasaan siya ng tang-nang kotse. Namatay siya sa operation niya. Namatay siya dahil hindi matagumpay ang heart transplant niya. And no. You didn't see her that day sa Manila dahil tang-na. Mag-aalas singko kang dumating sa Maynila pero tang-na. Anong oras siyang namatay?" Huminga na muna ito at tila pinapasok ang mga salitang binitawan sa kaibigang ngayon ay tulala na sa kanyang kinauupuan.
"Tang-na, Jesrill!" nasasaktan na mura ni Lance sa kanya. Nasasaktan siya para sa kaibigang hanggang ngayo'y nahihirapang tanggapin na patay na ang minamahal at hinihintay nito sa ilang taong nagdaan.
Tumayo ang doktor at lumapit sa apat na kaibigan niya, "Ako na." Lumapit naman ito sa kanya at iniharap sa kanya ang kanyang cellphone na ilang araw na niyang hindi ginamit. Para saan pa ang paggamit nito kung si Giselle naman ang rason kung bakit siya tumatawag di ba?
Tinitigan siya ng Doktor at nagsalita, "Look. Tama ang mga kaibigan mo. Sabi mo nakita mo siya pass five in the morning but her death certificate said she passed away on 3:42 am that day. Imposibleng namatay siya sa isang aksidente kung patay naman na siya ilang oras bago mo siya nakita."
Tulala siyang nakatingin sa imaheng nakaflash sa cellphone niya. Death Certificate ito ng mahal niya. Sa simpleng tingin niya lang dito'y parang tinutusok ang puso niya.
"Hindi!" mariin niyang iling. Hindi. Hindi maaaring patay na si Giselle. Nakita niya ito. Nakipagkita ito sa kanya. Sumagot ito sa tawag niya. Oo! Ang tawag!
Dinampot niya ang sariling cellphone sa kamay ng Doktor. Mabilis niyang hinanap ang Call History nito. Imposibleng wala ang Call History nito. Papatunayan niya na nakita niya si Giselle. Papatunayan niya na hindi ito namatay ng dahil sa operasyon kundi sa pagkabunggo.
"Ayan! Sinagot niya ang tawag ko. Sinagot niya!" pagpupumilit niya at ipinakita sa Doktor ang Call History nito noong araw na pumunta siya ng Maynila.
Lumapit ang mga kaibigan niya at tumingin nito ngunit hindi siya makakita ni isang tingin na naniniwala sila sa kanya. Tiningnan niyang muli ang screen at laking gulat nang makita ang isang Missed Call sa alas singko ng umaga.
Missed Call? Pero sinagot iyon ni Giselle. Hindi siya maaring magkamali.
Apat na missed call ang idinial niya sa araw na 'yon pero ni isa ay hindi sinagot ng kanyang 'Ms. Engineer'.
"Pero... kausap ko siya noon. S-sabi pa nga niya pupuntahan niya ako kaya bumili ako ng bulaklak sa shop sa harap ng Ospital!" pagpupumilit niya sa kagustuhang paniwalaan ng lahat ng nasa silid. Hindi siya baliw. Hindi.
"Jes, oo bumili ka noon ng bulaklak. Pero pre. Ang sabi ng nakakita sa'yo noon na wala silang babae na nakita sa harap ng daan. Ang nakita nila'y ikaw na tumawid sa kalsada kahit nagsidaanan ang mga sasakyan. Nakangiti ka raw at walang takot na tumawid sa kalsada," paliwanag sa kanya ni Daniel.
Mabilis siyang umiling. Hindi. Hindi iyon totoo. Nakita niya si Giselle. Hindi siya ang tumawid dahil si Giselle ang tumawid.
"Pre. Sinabi iyon ng tindera sa flower shop na binilhan mo. Nakita ka niyang tumawid sa kalsada pero isang himala ang nangyari," huminto si Keil at tumingin sa kanya. "Hindi ka nasagasaan."