Entry 1

51 1 0
                                    

Raven's POV

Maaga akong bumangon dahil first day na ng school for second sem... Marami rin kasi akong aasikasuhin sa University na papasukan ko dahil nag-aapply ako sa isang club doon.. Hmm, right now, stay in ako sa isang condo na malapit sa pinapasukan ko. Hindi ganoon kalakihan, sakto lang para sa isang tao. Kumpleto ang gamit, may wifi connection and may television din.

"Mamayang alas-9 ng gabi matutunghayan ang isang lunar eclipse.---." mabilis akong napapunta sa sala nang marinig ko ang balita na yun.

I love science. I really do.. I want to explore things behind this planet earth... Kaya lang, 9:00 pm?.. Masyado nang gabi, baka hindi ko na maabutan dahil maaga akong nakakatulog lalo na kung pagod at galing sa eskwela. Pero for the love for Science, I will try my best.

"Goodmorning po SIR!" tinanguan ko lang yung guard sa tinitirhan kong Condo, mababait ang mga tao dito kahit yung mga kasama ko sa building nato', except to the owner. Strikto kasi at hindi basta basta nagpapasok ng babae sa dorm ng lalaki at ng lalaki sa dorm ng babae.

Tumuloy ako sa Dean's office para iclear yung schedule ko dahil nga ayaw kong magkaroon ng conflict in terms of schedule... Since mamaya pa mag-sstart ang unang klase ko ay umakyat ako patungong rooftop... Dito ako madalas dahil wala namang tumatambay dito at kitang-kita mula dito ang kalangitan...Napakalamig ng simoy ng hangin dito at tamang tama kapag gusto mong mahiga at magpahinga...

I trace the cloud na nagform nang human using my hand. "Great, He is creating another human being."

Napapikit ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin at naramdaman ko na lang ang mabagal na pagbaba ng talukap ng mata ko..

***

Pagkamulat ng mata ko ay madilim na ang paligid... Napatingin ako sa phone ko na sa tingin ko ay kanina pa ring ng ring..

"Mom... Uhm., sorry po... sige...." natahimik ako sa dahil sa mga salitang lumlabas sa bibig ng Mom ko...

Maraming alam ang mom ko about sa Science and extraordinary things in earth...Parang sya yung nasa pagitan ng Science and Fictions, dahil naniniwala sya sa Science, and sa mga bagay tulad ng spirits... Sa kanya nga siguro ako nagmana.

[Yun, lang.. kaya ingat ka ha.. Labyu.]

"Te—.." hindi ko na ako nakapag-salita pa dahil pinagbabaan nya na ako ng telepono..

Tumingila ako sa langit para saksihan ang magaganap na Lunar Eclipse..

"Ang gabi kung kelan magtatagpo ang nakaraan sa kasalukuyan, ang panahon kung saan maari mong makasama ang mga taong namatay na... The night when the moon hide to earth's shadow.." bangit ko sa mga salitang binigkas ni Weya sa isang librong nabasa ko tungkol sa Lunar Eclipse... Napailing na lang ako dahil ang librong iyon ang puro lang kalokohan at wala naman talagang sense. Pero karamihan sa mga nakasulat sa librong iyon ay talagang nakakapangilabot dahil nangyayari iyon but in different way...

Pinikit ko muli ang mata ko dahil nga mas lalong dumilim ang kalangitan... Pero nung pinikit ko ang mata ko ay agad ko ring binuksan dahil sa liwanag na nagmula sa nagpatong na anino ng mundo at maliwanag na buwan... saglit lang naman ang pagliwanag na to' dahil agad itong nawala at bumalik sa kulay pula nitong kulay...

Umiling na lang ako ng maisip kong ilusyon lang ang lahat ng nakita ko... Impossible na mangyari yun.. Siguro nananaginip lang ako..

Lunar Eclipse (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon