Entry 2

21 0 0
                                        

        Umalis na ako ng apartment ko para pumasok, hindi ko alam kung saan nagpunta si Teal pero sinarado ko pa rin yung apartment dahil wala naman akong balak na patirahin sya… Sapat na yung pinakain ko sya kaninang umaga.

            Lumabas ako ng apartment building at tulad ng usual na nagyayari ay binabati ako ng guard at tinatunguan ko lang sya, pero ang araw ngayon ay bago dahil may maputing babae na nasisinig nang araw ang katawan ang nag iintay sa akin..

“Boss, iniintay ka daw ng…”

“I am his girl friend.” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Teal, nakangisi habang ang mga kamay ay nasa likod nya… Ngayon ko lang napansin ang damit nya na mukhang damit ng dyosa pero  kulay pula ito imbis na puti…

“—ng kasintahan nyo ho..” yumukod pa ang guard matapos sabihin ang mga salitang iyon.

“Hindi kita girlfriend.” nagpatuloy ako sa paglakad at nilagpasan lang si Teal.

“Okay.” narinig kong sabi nya bago nya ako bunguin at mauna sa akin sa paglalakad.

            Lumiko ako sa unang kanto dahil may shortcut doon papuntang school pero hindi safe dahil maraming mga tambay na lasengero dito…

“Raven!” tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Judd, isa sa mga suki ng Office of Students Affair,  na nakatayo kanina si gilid ng gate at ngayon ay papalapit na sa akin. “Anong nangyare sa mata mo? Bakit kulay dugo ang kaliwa mong mata..” nagulat ako sa sinabi nya at agad tumingin sa paligid…

            Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng mga estudyanteng nakakasalubong ng mata ko at agad silang umiiwas ng tingin… Namanhid ang buong katawan ko dahil sa mga tingin na sinasalubong nila sa akin... Alam koang gagawin ko, at yun ay ang tumakbo, pero parang isa ako ngayong tuod na nakatayo sa gitna ng mga mapangmatang tao…

El’ sinandres’.” napalingon ako sa likuran ko para tignan kung sino nag bumulong sa akin at nakita ko si Teal na nakatingkayad. “Ilusyon lang ang nakita mo kanina.”

“Anong ibi—.”

“Raven!” napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang papalapit na si Judd. “Pakilala mo naman ako sa kasama mo.” muli akong tumingin sa kanya at tumango lamang sya..

“Hi!” she said eyeing to Aimon. “I’m Teal and you are?”

“Judd.” lumapit naman itong si Judd at nakipagkamay na parang ulol na aso.. “Pinsan ka ba ni Raven?”

            Tumango lang si Teal at ibinalik ang tingin sa akin… Lumapit sya at muling tumikangyad papalapit sa tenga ko..

“Tumingin ka sa paligid..” sinunod ko ang ginawa nya at nakita ko ang mga estudyante na kaninang takot ang mga nasa mata ay ngayon ay nasa normal na… “Ilusyon lamang ang kanina mong nakita, ako ang may gawa nang lahat nang iyon…”

“Bakit mo iyon ginawa?”

“Para humanga ka.” pinihit nya ako papaharap muli sa kanya at niyakap nya ako.. “Suot mo to’.” Napatingin ako sa bagay na hawak nya at laking gulat ko na contacts nya ang hawak ko… “Dali.” inabot ko naman ito at pasimpleng sinuot…

Lunar Eclipse (Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon