Nandito na ako ngayon naglalakad sa corridor ng school building na ito. Did I mention na 1st year college na ako?? Na sa Shisei Ken, isang elite school ako nag-aaral?? Na top student din ako, academics man o kahit ano'ng sports (wag lang ang sipa dahil, di ko alam kung bakit?). Na isa ako sa top pagdating sa karate. Na Law ang course ko, na panghapon ang shift ko, na mag-i start ang klase ko mula 09:00 ng umaga hanggang 05:00 ng hapon??? Well kung hindi pa, eh di ayan na alangan namang ulitin ko pa eh nasabi ko na nga di ba.?!
Well eto na ako papasok na sa room ko medyo na-late nga ako eh mga 5 minutes lang naman at dahil yun kila picachu kasi pagkatapos ko sa kanila nagpunta pa ako sa medyo maliblib na lugar malapit lang din dun sa pinagbugbugan ko kay picachu at ayun naidlip ako at napasarap kaya oras na ng klaae nung magising ako.
Pagpasok ko, isang babaeng hipon ang nahagip ng mata ko, bakit? Dahil tapon-ulo sya, palagay ko mga nasa mid 30's pa lang sya at sya ang teacher namin, obvious ba hah?!
"At saan ka naman galing miss at saka..... bakit ka na-late aber??" mayabang at medyo inis nyang sabi with matching lakad-kembot sa harap at death glare pa sa akin. Palagay ko para sa mga kaklase kong hambog na mga toh, terror ito'ng si Miss Hipon pero hindi yan uubra sa akin.
Ano ginawa ko?? Eh di tinitigan ko rin sya at saka sinagot.
"Kung sasabihin ko ba yung dahilan hindi ka na puputak dyan hah?! Eh paano kung sabihin ko'ng na-late ako ng gising, mananahimik ka ba huh.?! So tell me may mapapala ba ako kung sasabihin ko hah.?!" cold na sabi ko sa kanya, lalo naman syang nagngitngit dahil dun. Lumapit sya sa akin at sinampal ako (aba pakshet to ah, humanda ka sa akin gaga ka, nakigaya ka pa kay picachu huh) sabay sabi'ng "Bastos ka hah!! Wag na wag mo ako'ng masagot-sagot dahil esyudyante ka lang at teacher ako kaya wala kang karapatan!!! Kaya'ng-kaya kita'ng palayasin dito sa school na to!!! So get out!!" pasigaw nya'ng sabi. Akmang sasampalin nya ulit ako kaya pinigil ko ang kamay nya.
"Ako ang wag na wag mo'ng masagot-sagot at masampal-sampal.., dahil hindi ako ipinanganak para lang sampalin at pagsabihan ng kung anu-ano!!!" medyo iritado ko'ng sagot, pansin ko namang nagitla ang mga blockmates ko dahil sa pagsagot ko. "Hindi mo ba alam na nalabag mo ang ilan sa mga rights ko hah! Kung tutuusin pwede kita'ng idemanda dahil dun or worst pwede ka'ng mawalan ng lisensya at makulong pa..." dugtong ko pa gamit ang mahinahong boses at cold na expression.
"At ano'ng rights mo naman ang nilabag ko aber, at saka baka nakakalimutan mo, ikaw ang unang gumawa ng mali dito.." confident nya'ng sabi.
"Ano yung nilabag mo?? Well sinaktan mo lang naman ako, base kasi sa page 42 paragraph 6 sa book ng rules and regulations ng school na ito, bawal manakit ng estudyante ang isang guro kahit ano pa man ang reason at isa pa, kasalanan na pala ang magsabi ng katotohanan ngayon ahh???, binago na nila??.., ibig sabihin ba nyan mapaparusahan din sila dahil sa pagsasabi nila ng totoo nilang pangalan, edad at iba pa'ng bagay about themselves nung first day of school class hah!! (sabay turo sa mga kaklase ko) kung ganoon..., dapat sampalin mo rin sila, pagsalitaan ng kung anu-ano at palayasin dito.." bigla namang nag-ingay yung mga kaklase ko dahil dun... at lahat sila nakaayon sa akin...
"Tama sya.." yan ang karamihan sa mga naririnig ko mula sa kanila.Halata namang napahiya si Miss Hipon at dahil dun magwo-walk out na sana sya pero bago pa sya tuluyang makaalis tinawag ko pa sya at huminto naman sya kaya nilapitan ko na sya.
"Ma'am Hipon, Ooopss sarreh, Ma'am kung gusto nyo pa'ng makapagturo, wag nyo na ulit ako'ng babanggain. Nagkakaintindihan ba tayo??" sweet na sabi ko, hindi naman sya kumibo kaya inulit ko pero bago yun sinampal ko muna sya.. "*pak* Nagkakaintindihan ba tayo?!?" medyo iritado ko nang tanong pero hindi pa rin sya sumagot kaya... "*pak* *pak* *pak* Nagkakaintindihan ba kako tayoo?!!!" binigyan ko sya ng 3 malalakas na sampal kaya halos mapabiling-biling na ang mukha nya, medyo mataas na rin ang boses ko nun, bihira lang mangyari to ah, pinikon nya kasi ako eh.
"O-oo" mangiyak-ngiyak at nanginginig nya'ng sagot.
"Good, oh quits na tayo Ma'am hah, oh sige po alis na kayo baka may lakad pa kayo eh, ako na po ang bahala dito.." ^___^ malambing na sabi ko sa kanya sabay ngiti ng matamis, dali-dali naman syang umalis at parang takot sya at kaunti na lang tutulo na luha nya, uhhh how sad..!
Bago lang kaya sya?!? Wala naman kasi talagang book of rules and regulations ang school na to eh, nakakapagtaka nga eh hahahh wawa naman sya.
Yung mga kaklase ko naman ayun nagpaparty-party pansin ko naman na may isang grupo'ng tahimik lang sa isang tabi, mga nasa 9 na katao sila 3 na babae at 6 na lalaki, I think gang sila. Ayun hiyawan dito, hiyawan dun kaya yun "Makinig kayo sakin" sabi ko pero wa epek di-ata sila natakot sa akin kanina kaya pumunta ako sa likod at kinuha ang dalawang trash can na may laman at pagkatapos pumunta ako sa harap at isinaboy sa kanila ang mga laman nito natamaan din yung mga tahimik lang sa likod.
"WTF!!" sabi nung mga pakshet na classmate ko sabay titig sa akin ng masama.
"Oh gulat kayo noh?? Akala nyo mabaho yan noh???! Pwes tamaaa kayooo,... eh basura yan eh..!" inis na sabi ko. Bigla namang may tumayong isang lalaki at lumapit sa akin, isa yata sya sa mga tahimik lang kanina eh.
"Wag ka'ng mayabang, bago ka lang dito. Kung si Ma'am nakaya mo... kami hindi, matagal na kaming nabubwisit sa guro na yun di lang namin pinapatulan, kaya wag kang magmalaki." sabay higit sa kuwelyo ko, teka pamilyar sya ah, huh isa nga sya dun sa mga Demonyong yun. Hindi ko inaakala na mismong sila pa ang lalapit sa akin. Akmang susuntukin na nya ako kaya no choice, sinipa ko ang kanyang harapan, dahil dun natigil sya at namilipit. Oh natulala na naman yung mga kaklase ko nebeyen..
Habang namimilipit pa din sya, pinagsasampal ko sya ng 13 beses lang naman kabilaan, sumakit na nga mga kamay ko eh. Matapos iyon hinawakan ko sya sa buhok at hinila at iniuntog ng iniuntog sa blockboard, haaayyy nasisiyahan ako. Hahahahh.. Putok na labi at noo ni kuya, bungi na rin sya at may dugo na rin ilong nya, ayyy may kulang pa pala kaya pinagsusuntok ko sya sa sikmura at mata so may black eye na rin sya at sumusuka na din ng dugo at para sa finale isang malakas na upper cut ang pinakawalan ko. Ano nangyari.??? Eh di bulagta sya, nakalobo isang mata at maga ang dalawang pisngi. Isang napakagandang pagbati nyan para sa kanila.
Nakita ko naman yung kasamahan ng ugok na toh, huh sila din nandito din pala , but wala pala yung main star nasaan kaya siya??!
"Kayong lahat kung ayaw nyo'ng matulad sa lalaking toh na mukhang dog, makinig kayo sa akin!!!.." mahinahon pero malakas ko'ng sabi, pansin ko naman na parang natakot sila kahit papano, eh paano ba naman mga pawisan kahit naka-aircon yung room. "Sino ang class president dito?!!" sabi ko pa. Nagtaas naman ng kamay yung isa'ng lalaking maputi pero mukhang mayabang.
"Mula ngayon tanggal ka na. Mula ngayon ako na ang susundin nyo, kung ayaw nyo'ng magaya sa mga bayani na parte na lang ng kasaysayan wag na wag nyo ako'ng susuwayin.!!! Understood??!" tanong ko sa kanila pero wala'ng sumagot kaya naman itinumba ko ng pagkalakas-lakas yung table sa harapan, pansin kong nagulantang sila. "Tinatanong ko kayo kaya sumagot kayo..!!!!" lahat naman sila ay nagsisagot pwera lang yung mga nakatahimik kanina sa likuran na bigla na lang tumayo at sabay-sabay na nagsilabasan. Umpisa pa lang ito, sinisigurado ko'ng mababayaran nyo rin ako, alam ko'ng di nyo pa ako kilala pero isinusumpa ko, ako ang magiging bangungot nyo.... This is just the beginning.....
Lahat ng ito para sa iyo...
______________________________________________________________________________
Vote..
Comment..
And be a fan...
jayhen_kulet14 :-)
BINABASA MO ANG
Miss Antagonist
RomanceParating na ang bidang mang-aapi at dudurog sa inyo . . . . . siya si....... ... .. .. .. . Miss Antagonist..