The Raven With Pink Feathers

14 2 0
                                    

Fiction

Warning! This chapter contains mention of death, bullying and alcoholic drink and a little R18. So if you're not comfortable with such topics, kindly skip this part and read the other parts. Thank you! :)

[edited.]

--


"Look at that fucking hair!"

Matalim kong tinignan si Celine. Bitch. Umagang umaga eh ako agad ang nakita ng tatlong ito. I raised both of my middle fingers as I walk towards them.

"Can't afford the salon, Emraive?"

Another friend of Celine shouted. I think her name is Farah. She motioned her hands and flipped her hair. Edi sila na ang straight ang buhok, I don't care.

"Maybe she ran out of pink hair dye too!"

Sigaw naman nung singkit na medyo maliit. That's Jessa. She looks like a nun with her black long dress.

"Fuck off! At least I don't fuck with my hair stylist! Right, Farah?" Sigaw ko sa kanila. Gulat silang humarap kay Farah at halata sa mukha nilang nandidiri sila sa kaibigan.

"What the fuck, Farah?!" Galit na bulyaw ni Celine.

Ngumiti ako ng matagumpay at ibinaba na ang mga kamay ko. Habang naglalakad papasok sa entrada ng mismong school ay narinig ko ang mga sigaw nila sa isa't isa.

"What?! You actually believe that liar?" Sigaw naman ni Farah. Nilingon ko sila at napangiti na lang.

Gagawin pa akong sinungaling ng mga ito. Tsk tsk.

Well, I'm telling the truth. I saw Farah last week. Kaharap lang ng salon na yun ang pinagtatrabahuhan kong coffee shop. I can still remember the scene. Si Farah pa mismo ang naunang tumuka kesa sa hair stylist niya. And that hair stylist of her winks at me every time he sees me.

Hindi ko na sila pinansin at naglakad na sa corridor. Nagmadali akong maglakad papunta sa garden ng school na nasa mismong kalagitnaan nito. I still need to meet Jules before the class starts. Jules became my friend since junior high school. We're very close though she's a bit slow. But I like being with her because I can be free and because she's kind. She doesn't look at me the way other people do.

Nakarating ako sa garden nang walang gumagambala sa akin and thank goodness for that. Sa mga normal days kasi, madalas may mangharang sa akin na mga lalaki at babastusin ako o di kaya ay mga babae at mangiinsulto. But I don't care. I'm used to it. Nothing they can say could make me feel worse than I already feel. And it's been like this since junior high school days.

Nilabas ko na ang phone ko para tawagan si Jules pero narinig ko na ang boses niya mula sa gilid ko.

"Raive!" Rinig kong sigaw niya. Lumingon ako at nakita siyang nakaupo sa bench malapit sa mga bulaklak.

"Hey." I greeted her. Tumayo naman siya at humalik sa pisngi na gustong gusto ko. She's sweet. Humalik rin ako sa pisngi niya.

Inilabas ko mula sa bag ko ang lighter at isang kaha ng sigarilyo at nanguha ng isang stick. Inalok ko siya pero tumanggi siya.

"It's morning, Raive. Stop that. Baka ma-detention pa tayo niyan." Salubong ang kilay niya. Well, she doesn't like smoking when it's still morning and when we are in public. Gusto niya ay yung pananghalian o hapon na tsaka yung tago dahil baka may makakita sa kaniya at isumbong siya sa headmaster, which is her grandmother.

"Fine." Napairap na lang ako at binalik sa bag ko ang stick ng sigarilyo at ang lighter. Yes, I smoke and I drink.

"By the way, why'd you call me here for? " Tanong ko. Malapit na maging ang bell.

Mystiques of AstaileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon