A C E

3 0 0
                                    

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa mga bantay na nakakasalubong namin. Kumapit ako ng mahigpit sa kamay ni Dad dahil nakakatakot ang mga tingin ng mga tao sa gusaling ito. May mga hawak pa silang baril na bago sa paningin ko at mukhang handa silang paputukan ang kahit sino mang lalabag sa batas ng buong Arvana.

"Stay close to us, Chacerie." Bulong ni Mom. Hindi kasi biro ang laki ng lugar na ito at ang dami ng tao. Lahat ng freshmen at ang pamilya nila ay nandito para sa recruitment na magaganap.

Isa kami ni Chancellor, ang kapatid ko, sa mga freshmen kaya kami narito ngayon. Ilang kakilala at kamag-anak ang nakita namin ngunit hindi kami pwedeng basta magbatian dito lalo na't nandito rin ang mga tauhan ng Athera na nagmamasid. Sigurado akong sa isang tingin pa lang ng mga Athera ay alam na agad nito ang dapat malaman, ganoon sila katalino.

"Ayun!" Tinuro ni Dad ang pwesto namin. Nakasulat doon ang Grayson.

Lumapit na kami doon at naupo na. Napapagitnaan namin ni Llor ang parents namin. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyang napuno ang buong hall. Umakyat sa podium ang apat na representatives at heads ng bawat block at pinatong sa pacurve na lamesa ang mga dala nilang marble container kung saan nakalagay ang mga bagay na sumisimbolo sa block nila.

Mayroong apat na block o mga grupo at ito ang nagsisilbing division upang mas maging united ang magkakablock at mas madaling mapasunod ang mga tao sa Arvana.

Naupo na ang mga representatives sa kaniya-kaniyang pwesto at naiwan namang nakatayo ang apat na heads sa likod na parte ng podium. Ang mga taong may designated block na ay nakahiwalay ng pwesto sa aming mga freshmen. Nasa taas sila nakaupo.

Isa-isang nagpakilala ang apat na heads. Nagsabi rin sila ng brief discussion tungkol sa block na pinapamunuan nila. Nagchi-cheer naman ang mga nasa taas bago magpakilala ang head nila.

Athera, Cereus, Pascea, at Quisa. Iyon ang apat na blocks.

Tumayo sa podium si Caroline Brent, and head ng Athera at pormal na sinimulan ang pagtatawag ng apelyido para sa recruitment.

Arvana is a dead city. Kaya hindi na nakakapagtaka na wala pang five hundred ang mga freshmen.

Sabi nina Mom at Dad, maganda raw dati ang Arvana nung kapanahunan ng parents nila or grandparents namin. Ngunit dahil sa isang labanan sa politika, nagkaroon ng civil war sa Arvana at nadamay pa ang ibang bayan. Kaya ganito na sa Arvana ngayon, mas madami ang sirang buildings kesa sa mga napapakinabangan. Pero kahit ganoon ay unti-unting bumabangon ang city mula sa pinsala nung unang civil war kaya nagkaroon ng panibagong sistema na siyang sinusunod mula nung kabataan nila Mom at Dad.

Malaki naman ang Arvana kahit may matatayog na bakal na nakapalibot sa boarders. Mukha lang maliit dahil doon pero kapag nakapasok na sa loob, malawak ito.

"Chancellor R. Grayson."

Natauhan ako nang tumunog sa speaker ang pangalan ng kapatid ko.

"Good luck, Llor!" Sabi ko dito at ngumiti. Ngumiti rin ito sa akin pabalik. Bago ito tumayo ay hinawakan ni Dad ang kamay niya.

"Choose wisely, Chancellor. Piliin mo kung saan ka magiging malaya at masaya." Dating Pascea si Dad kaya ganito ito magsalita, parang politiko. But the truth is, he just wants happiness and peace for us.

Tumango sa kanya si Llor at tuluyang bumaba papunta sa podium. Naghanda na rin ako dahil ako na ang susunod. Pinanood kong hiwain ni Llor ang kamay niya gamit ang dagger na nasa lamesa. Napangiwi ito dahil sa sakit. Tumingin siya sa amin bago itinapat ang kamay sa simbolo ng Athera, isang kumpol ng mga dahon. Kung sa bagay, matalino si Llor at talagang gustong gusto ang technology.

Mystiques of AstaileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon