"Ayoko na, Keither. Sawang sawa na ako sayo at sa kaartehan mo!"
Nabasag ang puso ko dahil sa mga masasakit na salitang narinig ko mula mismo sa kaniya. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang galit niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya nang tumalikod siya at mabilis siyang pinahinto.
"Please, Clyde. 'Wag mo naman akong iwan ng ganito. Please. Nagmamakaawa ako, Clyde."
Ngunit marahas niyang binawi ang kamay niya kaya napasubsob ako sa sahig. Masama siyang tumingin sa akin. Inapakan niya ang kamay ko ngunit mabilis ring inalis.
"Pwede ba, Keither? Tigilan mo na ang paghahabol sa akin! Tapos na tayo. Kahit magmakaawa ka pa, hinding hindi ako babalik sa isang kagaya mo."
Nag-unahang tumulo sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngunit hindi ko na talaga kayang tanggapin ang mga masasakit na salitang binabato sa akin ni Clyde. Kung makapagsalita ito ay parang hindi na niya ako mahal at isang basura na lang sa buhay niya.
"At para sa kaalaman mo, napilitan lang naman ako sa'yo, Keither. Ipinilit ka lang ng kuya mo dahil mag-isa ka at walang nagmamahal sa'yo. Kahit sino pang lalaki dyan sa tabi-tabi, hindi gugustuhin na makasama ka dahil dyan sa ugali mo. Alam mo sa totoo lang, nagsisisi akong pumayag ako sa alok ng kuya mo. Nagsisisi ako at nakilala kita dahil isa kang walang kwentang babae. Kung maibabalik ko lang ang oras, tatanggihan ko ang kuya mo at hahabulin ko si Eunice. Dahil kung pagkukumparahin kayong dalawa, wala ka pa sa kalingkingan niya. Isa ka lang basahan na tutungtungan niya at paglilinisan ng paa. Wala kang binatbat kay Eunice kahit saang anggulo tignan dahil wala kang kwenta."
"Clyde, bakit ba ganiyan ka magsalita? Sobrang sakit na!"
"Tama lang 'yan sa'yo, Keither, dahil punong puno na ako. Wala kang kwenta. Tandaan mo ang araw na 'to, babae. Ngayon ang araw na iiwan kita ng tuluyan."
At umalis na nga siya at iniwan ako sa lugar na hindi ko naman alam kung saan.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-iyak ay nagsimula na akong maglakad kahit hindi ko alam ang daan pauwi. Dinala ako ni Clyde dito para magrelax kami ngunit ganito pa ang nangyari.
Nang mawala siya nung hapon, hinanap ko siya sa buong resort. Hindi siya sumasagot sa telepono at mukhang pinatay nito ang phone niya. Bumalik ako sa hotel at doon ako kinutuban nang marinig ko sa isang babae ang pangalang 'Eunice'. At hindi nga ako nagkamali. Pagkarating ko sa hotel room namin ay naghahalikan na ang dalawa sa kama.
At ito na ang sumunod na nangyari. Iniwan na niya ako at sinabihan pa ng mga masasakit na salita.
Isa pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ay ang kapatid ko. Ipinilit lang pala ako ni Kuya Devon kay Clyde. Niligawan lang ako ni Clyde dahil sa kagustuhan ng kapatid ko. At wala nang mas sasakit pa doon.
Nang makita ko ang tulay na dinaanan namin kanina ay napabuntong hininga ako. Ibig sabihin ay tama lang ang dinadaanan ko. Umupo muna ako sa gilid ng daan dahil sa pagod. Naiyak akong muli.
Gabi na at wala namang dumadaan na sasakyan. Wala ring kabahayan kaya wala akong choice kundi maglakad pauwi. Wala rin naman akong dalang phone o wallet dahil nasa sasakyan iyon ni Clyde lahat.
Napangiti ako dahil may naisip ako. Kung ganito lang rin naman ang sasapitin ko, mabuti na lang na ganito.
Sinampa ko na ang isa pang paa ko at tumayo ng ayos. Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Itinaas ko ang kamay at niyakap ang kadiliman. Pumikit ako hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ko sa batuhan at ang konting pag-basa sa akin ng tubig.
BINABASA MO ANG
Mystiques of Astaile
AcakThis is a compilation of my one-shot stories. The names (some), plots, settings came from my pure imagination. Through writing different genres and experimenting on various formats, I'm exploring my own writing style.