Marahas kong ibinaba ang katana na ginamit ko upang kitilin ang buhay ng lalaking nasa harapan ko. Gumulong ang ulo nito papunta sa gilid ng kalsada.
Ang biktima ko ngayong gabi ay si Dalton Schein. Isa siyang lawyer na humawak sa kaso ng tatay ko. Nagtrabaho siya sa pamilya ko upang ipagtanggol ang ama ko na tunay namang inosente. Ngunit dahil sa konting pagpapaikot sa kaniya ng mga tunay na kriminal ay binaliktad niya ang ama ko kaya ito nakulong. Iyon ang pinaniniwalaan ko.
Ako si Benilde Mac Manroe. Nagtatrabaho ako sa isang sikretong organisasyon na binuo ni Rafael Salazar na humahawak sa mga kasong hindi kayang hawakan ng gobyerno. Ako ang leader ng sikat na grupong tinatawag na Red Viper at kami ang nagunguna sa listahan ng pinakamagaling na grupo sa Serpentine.
"Bakit ka nangialam, Tyler?" Inis kong tanong sa lalaking nakatayo sa likod ng biktima bago ko ito pugutan ng ulo.
Isinukbit naman ni Tyler ang baril sa kaniyang bewang bago ako sinagot.
"Si Salazar ang nagsabing bantayan kita dahil ang napuntang pangalan sayo ay sakto pang may kinalaman sa kaso ni Tito Baron." Sagot niya bago punasan ang kamay niyang natalsikan ng dugo ni Dalton.
"Hindi ko alam na hindi ka pala marunong umintindi, Tyler. Ang utos sayo ay bantayan ako, hindi mangialam sa trabaho ko at makisawsaw." Tinago ko na ang katana sa sheath na nakasabit sa likod ko at tinalikuran and hayop na Tyler na ito.
"Alam ko, Ben, pero--"
"No more buts, Tyler. Alam mo naman pala, bakit hindi mo sinunod?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumakbo na papunta sa pinagparadahan ko ng motor ko.
Dahil kalagitnaan na ng gabi, mabilis lang akong nakarating sa underground headquarters namin. Nasa pinakailalim ang opisina ni Salazar at bago ang palapag niyon ay ang palapag na nakalaan para sa Red Viper. Marahas kong binuksan ang pinto ng opisina ni Salazar.
Bago pa ako makapagsalita ay tinaas na niya ang kaniyang kamay upang patigilin ako.
"Kilala mo ako, Manroe. Ayokong may pumalpak sa mga pinapagawa ko. Ayokong humadlang ang personal mong buhay sa trabaho mo. Tandaan mo ang mga tinuro ko, Manroe."
Hindi na ako nakapagsalita at umalis na lang. Kahit pa wala kaming galang ni Tyler kay Salazar ay may takot at respeto pa rin kami sa kaniya bilang nakatatanda at nakatataas.
Nagtungo na ako sa palapag na nakalaan para sa grupo ko upang magpahinga at upang makapag-meeting na rin kami. Tulad ng inaasahan ko ay nandoon na ang limang miyembro ko.
"Viper..." Tumayo sila at yumuko bilang pagbati at paggalang. Ginawa ko rin iyon at sabay-sabay na kaming naupo sa paligid ng pahabang lamesa. They call me Viper dahil na rin sa pangalan ng grupo namin at dahil ako ang pinuno nila.
"Let's start this meeting with your accomplishments." Tinawag ko silang isa-isa para sa report nila. Gagawan ko pa kasi ito ng report na kailangang ipasa kay Salazar upang mabayaran niya kami.
Umabot ng dalawang oras ang pagpupulong namin kaya inabot ako ng madaling araw doon para makuha ang libo-libong pera namin.
Kinabukasan ay bumalik na ako sa headquarters upang ipamigay ang pera ng mga kagrupo ko. Nang matapos iyon ay mabilis na kaming nag-ayos para sa assignment namin bilang grupo.
"Are you all set?" Tanong ko. Tumango naman sila kaya sumakay na kami ng elevator. Kanya-kanya kaming sakay sa mga sasakyan namin.
"We'll meet up two blocks away from the building in fifteen minutes. Then we'll talk about the plan. Is that clear, Vipers?"
"Yes, Viper!"
Nang makarating doon ay mabilis kaming nagplano na mabilis rin naman nilang naintindihan. Kasama namin dito ang mga grupo na hinahawakan ng mga miyembro ko upang makatulong rin namin. Sila na ang bahalang magpaliwanag at magturo sa mga miyembro nila.
BINABASA MO ANG
Mystiques of Astaile
RandomThis is a compilation of my one-shot stories. The names (some), plots, settings came from my pure imagination. Through writing different genres and experimenting on various formats, I'm exploring my own writing style.