Chapter 5

37 21 10
                                    

Nagulat ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Binigyan ko siya ng tingin na tila isa siya sa pinakawirdong tao na nakilala ko ngunit batid pa rin ang lungkot sa aking mga mata.

Ano bang nakakatawa? Masaya ba siya kasi nalaman niya kung gaano ako kauto-uto at mabilis mapaikot?

Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha. Nakakainis ka naman Blaire eh! Napakaiyakin mo! Simpleng bagay lang iniiyakan mo! Napakababaw mo talaga kahit kailan! Nababaliw ka na Blaire! Pinapagalitan mo sarili mo eh alam mo namang wala ring mangyayari.

Napasabunot naman ako sa ulo ko. Siguro nga, nababaliw na ako! Ganito ba epekto ng nasasaktan!? Aish

Napanguso naman ako nang marinig ko ang mas malakas na tawa ni Nanna. Nakakainis naman eh. Kita mo na iyan Blaire!? Itigil mo nga 'yan, nagmumukha ka ng baliw sa harap ng ibang tao!

"Se-seryoso?! HAHAHAH Ga-ganyan ka pala mabaliw!"

Paputol-putol na saad niya dahil sa labis na pagtawa. Hindi na maipinta ang mukha ko rito. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang nangyayari. Mukhang nag-aadik ata itong babaeng toh eh!?

"A-ano ka ba! Charot charot lang"

Seryosong saad niya at humagalpak muli sa tawa. This time ay tumayo na ako. Nakakainis naman eh, nagdrama pa tuloy ako kanina, eh nagbibiro lang naman pala siya.

"H-hoy ano ba, saan ka pupunta? Huwag mo nga akong iwan dito!"

Pagpipigil niya sa akin habang tumatawa pa rin.

"Bahala ka diyan!"

Pasigaw na sabi ko sabay martsa paalis. Ramdam ko pa rin na sumusunod siya sa akin. Pero aaminin ko, nakahinga ako nang maluwag doon. Akala ko kasi talaga totoo eh. Buti tinamaan lang siya ng kabaliwan niya.

"Sorry na nga eh, masyado ka kasing seryoso diyan"

Tila nakokonsensyang saad niya. Nilingon ko naman siya nang nakangiti. Hindi naman ako galit sa kaniya eh.

"Alam mo bagay tayo, parehong moody. Tingnan mo kanina, nakabusangot iyang mukha mo tapos ngayon mas maliwanang pa sa sinag ng araw iyang ngiti mo"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Oo, aminado akong moody ako. Katulad na nga lang ng sinabi ko kanina ay mabilis magbago ang emosyon ko.

"Tara, punta tayo kay Manang"

Hinayaan ko na lamang siya na hilahin ako patungo sa Maid's Quarters. Nagpapahinga ata si Manang.

"Hello Manang, look oh friends na kami"

Masayang bungad ni Nanna kay Manang at ipinakita ang nakaangkla niyang kamay sa akin.

"Oo nga, mabutj naman iha at nakita na kitang ngumiti nang totoo"

Nagitla naman ako sa sinabi ni Manang. Ganoon ba ako kasama magpanggap at nahalata ni Manang iyon?

Nginitian ko na lamang si Manang bilang sagot.

"Sabi naman kasi sa'yo Manang, 'di iyan papalag si Blaire sa ganda ko"

Sabat naman ni Nanna sabay hairflip. Sabay kaming napailing ni Manang sa kabibohan niya.

"O, siya sige na, mag-ayos na kayo roon sa sala at baka maabutan pa kayo ni Tyler na walang ginagawa at mapagalitan pa, lalong-lalo ka na Blaire iha."

Agad naman kaming sumunod kay Manang at nagtungo sa sala. Nakita ko ang iba ring katulong roon na naglilinis. Napayuko na lamang ako dahil sa kakaibang tingin na ipinupukol nila sa akin.

Tahimik kong kinuha ang feather duster at nilinis ang makikita kong alikabok. Hindi ko na inalintana pa ang mga tingin nilang nanghuhusga.

Halos mahulog ko ang hawak ko dahil sa pagkakasigaw ni Nanna.

"HOY KAYO!? ANONG TINGIN 'YAN HA!? NAIINGGIT BA KAYO KAY BLAIRE KASI MAGANDA SIYA TAPOS KAYO HINDI!?"

Ipinukol ni Nanna ang masasama niyang tingin sa iba pang katulong. Agad ko namang nilapitan si Nanna upang pigilan. Naku, ayaw ko ng ganito. Mamaya ay mapahamak pa siya nang dahil sa kakatanggol niya sa akin.

"Nanna, tama na. Ano ba? Ayos lang ako noh?"

Ngumiti pa ako kay Nanna upang maging mas kapani-paniwala ang sagot ko.

"Hindi Blaire, kagabi pa 'yang mga' yan eh. Dapat diyan tinutusok yung mata eh!"

Gigil na gigil na saad ni Nanna. Natatawa na lamang ako sa kamalditahan niya. At the same time nakaramdam ako ng tuwa, kasi ipinagtatanggol niya ako.

Napapailing na lamang ako sa kaniya at inabot sa kaniya ang feather duster na hawak niya kanina upang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

"ANO PANG HINIHINTAY NIYO!? MAGSORRY NA KAYO KAY BLAIRE! HINDI SIYA SI ALEXANDRA, OKAY!?"

Nagitla nanaman ako sa pagsigaw ni Nanna. Grabe ang sama ng tingin nito. Tila kinakain niya ng buhay ang mga katulong na nasa harap niya.

Nabigla naman ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Pagkatingin ko rito ay yung isang katulong pala, palagay ko ay mas matanda siya sa amin ni Nanna ng sampung taon.

Halos mapaluhod ako sa sunod-sunod na paghawak ng mga natitira pang katulong dito at sabay-sabay akong inalog.

"Ano ba!? Pipilayan niyo ba 'yan!?"

Agad naman na napabitaw sila sa akin at sabay-sabay na humingi na lamang ng tawad. Napailing na lamang ako sa inakto nila. Grabe naman kasi talaga itong si Nanna, kung ako rin ay agad akong susunod sa kaniya.

Hindi ko maiwasang mahiya. Eh kasi naman, ang iba pa sa kanila ay mas matanda pa sa amin, hays.

"Uy Nanna, ano ka ba!? Ayos na nga ako sabi eh.  Sige na po mga ate, okay na po tayo hehe, balik na po tayo sa trabaho baka mahuli pa po tayo."

Pag-iiba ko ng usapan kasi malamang ay hindi titigil itong si Nanna.

"Tsk, aayos din pala eh, gusto pang tinatakot."

Mahinang bulong niya ngunit narinig ko naman ito. Agad ko naman siyang binatukan nang mahina. Aba, nakakahiya kaya iyong ginawa niya huhu

Ipinagpatuloy na lamang namin ang paglilinis upang matapos na agad.

Maya-maya pa lamang ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan, ibig sabihin lamang nito ay nandito na si Sir Tyler. Agad naman kaming yumuko nang dumating siya.

Rinig na rinig namin ang takong ng sapatos niya habang papaakyat sa hagdan. Nagulat kami nang huminto siya bigla at magsalita.

"Continue what you're doing at ikaw babae follow me"

Babae? Teka ako ba? Babae laging tinatawag niya sa akin diba? So ako nga? Eh paano kung hindi naman ako, edi nagalit nanaman iyon sa akin. Bakit naman kasi hindi na lang tawagin sa pangalan!? May babae pa siyang nalalaman! Kainis!

"ARE YOU DEAF!?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Sir Tyler. Napalingon naman ako agad sa kaniya at nasalubong ko ang matatalim niyang tingin.

A-ako nga iyong babae na tinutukoy niya! Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko. Kinakabahan ako kasi baka kung anong ipagawa niya sa akin.

"FOLLOW. ME. NOW."

May diing sabi niya habang sobrang sama ng kaniyang mga tingin na ipinupukol sa akin. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kaniya. Hindi ko kayang sabayan ang kaniyang mga tingin, pakiramdam ko nanghihina ako sa tuwing magpapang-abot ang aming mga mata.

Bago sumunod sa kaniya ay nilingon ko muna si Nanna at nginitian niya naman ako upang palakasin ang aking loob. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik at sumunod na sa amo ko.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa kaba. Bakit naman kaya niya ako pinapasunod sa kaniya? Simula na ba ng pagpaparusa niya sa akin?

UNWANTEDWhere stories live. Discover now