~~~
Ilvia's POV
Nang maramdaman kong lumapat sa lupa ang sinasakyan namin ay agad na hinawakan ni Kreia ang dalawang maleta niya at may ibinigay na parang barya ngunit kulay ginto iyon marahil ay ginto nga atsaka naunang bumaba sa karwahe na sinundan ko naman.
Nang makababa ay napalingon ako sa paligid at may mga kasabay rin kaming mga estudyante.
Bahagya pa akong nagulat ng may kumalabit saakin at ng lingunin ko ito ay nakapameywang na Kreia ang bumungad saakin.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" sarkastikong tanong niya saakin pero nanatiling blanko lang ang tingin ko sakanya atsaka na naunanang maglakad papunta sa gate kung saan may dalawang pila sa kaliwa at sa kanan.
"Ilvia hintayin moko!" sigaw niya dahilan para matigil ako at makakuha siya ng pansin galing sa iba. Ngiti ngiting siyang lumapit saakin. Bipolar.
"Halika na," aniya at nauna na saakin na sinundan ko naman dahil wala akong kaalam alam dito.
Agad siyang pumila sa kanan na pilahan na sinundan ko naman. Malayo layo pa ang pila namin bago makarating sa may gate. Napatingin ako roon kulay ginto ang gate at may nakaukit na Achras Academy gamit ang itim na kulay.
Saang parte kaya ito? Inilibot ko ang paningin ko pero puro puno at halaman lamang ang nakikita ko. Napatingin ako sa kabilang pila at wala silang masyadong bitbit. Mga datihan siguro at dito ang baguhan sa pila namin.
Nawala ako sa pagiisip nang makita kong isa nalang bago makapasok si Kreia hanggang sa siya na ang kinausap nang isang babae na nasa mid 30's at may pinaghalong bronze at brown na mata at buhok.
"A demigod," sabi nito atsaka ngumiti kay Kreia bago nagpatuloy "What is your name Miss?" tanong nung babae.
"Kreia Elvie Skyfall," masigla at magalang na tugon naman ni Kreia kaya napatango tango naman ang babae.
"Welcome to Achras Academy then Kreia," sabi nung babae na sinuklian naman ng ngiti ni Kreia atsaka na humakbang papasok ng gate na sinundan ng tingin nitong babae bago bumaling saakin.
Nang ibalik niya ang tingin niya saakin ay bahagya pa siyang nagulat pero ngumiti pa rin.
"An angel...what is your name miss?" pagtatanong nito saakin kaya sumagot ako.
"Ilvia Clark Ezeckiel," sabi ko kaya napatango tango pa siya at mukhang may naalala pero nagsalita parin.
"Then you may now enter Welcome to Achras Academy Ilvia," tinanguan ko na lamang siya. This is it Ilvia baka may mahanap ka pa tungkol sa sarili mo rito. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago humakbang papasok.
Ng tumapak ang paa ko sa loob ng gate ay nakita ko kung saan ako napunta. Isang open field nakita ko si Kreia kaya lumapit ako sakanya.
Namamangha lang siyang nakatingin sa paligid kaya inilibot ko rin ang paningin ko ngunit open field lang ang nakikita ko at isang stage malapit saamin tapos ay wala na. Mas pinagtuunan ko pa ng pansin hanggang sa makakita ako ng mga building pero hindi ganoon kalinaw. Napakalaki ba nitong academy na ito?
"ETHERIANS!" tinig ng lalaki ang umalingawngaw sa paligid nagsitahimikan ang kanilang nagkekwentuhan at napatingin sa nagsalita kaya naman ay napatingin rin ako doon at nakita ko ang isang lalaki na nasa stage nasa mid 40's na siya at mayroong pilak na buhok so I guess isa siyang Alchemist. Nakatayo siya at nasa likod ang dalawa pang lalaki at dalawa rin na babae na nakaupo at may iba pang nakatayo.
"I'm Liro Achras one of the Council of this Academy," nakangiting aniya pero mahihimigan mo ang awtoridad. Achras? Council?
"Ano kaya yung Council?" narinig kong bulong ni Kreia.
BINABASA MO ANG
Achras Academy
FantasyExplore to the magical world called Etheria and open the gate for you to enter the Achras Academy.