Ikalimang Kabanata

1 1 0
                                    

~~~

Ilvia's POV

Nang magising ako ay dilim ang bumungad saakin. Napabangon ako.

"Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo? Sorry kung hindi kita naprotektahan kanina Ilvia," napalingon ako kay Kreia dahil sa ingay niya, maluha-luha pa siya habang nagsasalita. Napatingin ako sa katawan ko at may mga dahon na nakalapat saking mga sugat at hindi ko na rin ramdam ang sakit. Bakit nawala yung cloak ko? Tinangal ba nila. Wala na rin yung cloak ni Kreia.

"Ayos na ako salamat," sinserong saad ko sakanya at bumaling sa katabi niya. Yung lalaki kanina.

"Nasaan tayo?" pagtatanong ko sakanila.

"Probably nakapasok tayo sa nullified dimension na kagagawan ng isa sa mga fake enemies, hindi tayo rito makakalabas hanggang sa hindi matapos ang examination pero mukhang ilang minuto nalang ay matatapos na rin naman," mahabang saad nung lalaki na tinanguan ko na lang.

"Oo nga pala Ilvia siya si Cole anak ni Headmaster Liro," sabi ni Kreia kaya mas tiningnan ko ng maigi yung lalaki at doon ko napansin ang pagkakapareho rin nila.

Ano bang nangyari kanina? Bakit wala akong maalala?

"Ilvia anong nangyari sa laban mo?" pagtatanong saakin ni Kreia.

"Hindi ko rin alam," tanging sagot ko sakanya kaya napatingin naman siya saakin ng nagtataka pero hindi na rin siya nagsalita.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakita ulit namin ang liwanag.

Napatayo kaming tatlo. Iniikot ko ang paningin ko at nakita kong marami ring mga sugatan at may iba pang wala namang sugat na marami tanging galos lang at ang iba ay talagang walang sugat.

"Bye, we'll see each other again." nakangiting paalam ni Cole saamin na tinanguan ko lamang at kinawayan naman ni Kreia.

"Etherians!" muling dumagundong ang boses ni HM Liro kaya nalipat sakanya ang atensyon namin.

"Maaari muna kayong kumain at ipagamot muna ang sarili niyo at bumalik kayo dito makalipas ang dalawang oras," sabi ni HM Liro atsaka tumingin muna sa may bandang kaliwa "Ang mga gamit niyo ay naroroon," sabi pa nito at itinuro ang mga guard na kumuha sa gamit namin kaya nagsialisan naman na ang iba sakanila na sinundan rin namin ni Kreia upang kunin ang maleta namin.

"Halika kumain na tayo nagugutom nako." nakangiwing sabi ni Kreia ng makuha namin ang mga gamit namin.

Papunta sa stage si Kreia na sinundan ko na lang.

"Uhm ate saan po ang cafeteria dito?" nakangiting tanong ni Kreia dun sa isang nurse yata.

"Doon po," sabi nung babae atsaka itinuro ang isang bahagi ng open field.

"Ah ang cr?" pahabol pang tanong ni Kreia dun sa babae.

"Sa cafeteria po may cr dun." sabi pa nung babae na tinanguan ko nalang at nagpasalamat muna si Kreia bago kami magsimula na ulit maglakad.

Nagsimula na kaming maglakad pero napalingon ulit ako sa stage ng maramdaman kung may nakatingin saamin at doon ay nakita ko ang Council na nakatingin sa pwesto namin.

Nakipagtitigan ako sakanila hanggang sa sila na ang umiwas ng tingin.

"Halika na." sabi ni Kreia saakin at nauna nang maglakad habng bitbit ang dalawang maleta niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makakita na kami ng mga bulidings.

May mga estudyante rin kaming kasabay hanggang sa makita namin ang bungad ng cafeteria.

Achras AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon