Chapter 1 : The Beggining

78 1 0
                                    

Naniniwala ka ba sa Destiny ?? Ehh sa love? Kung ako ang tatanungin siguro di ko masasagot yan . Imposible talaga. NBSB ata ako or No Boyfriend Since Birth. Never ko pa kasi naramdaman ang mahalin ng lubos ng taong di ko kadugo.Magmahàl oo kase Bata palang ako nung mainlove ako sa kababata ko na si Miel . Di ko nga alam kung paano o bakit ako nainlove sa mokong na yun ehh ang lampa lampa at ang hina siguro ay dahil sa angking kabaitan at talino nya. Puppy love lang yun oo alam ko naman sa sarili ko pero nahirapan din ako na itago sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanaya ng maraming taon. Hanggang sa binago ng tadhana ang aming mga landas nang tumuntong na kaming dalawa sa edad na labing lima. Nagmigrate ang pamilya nila Miel sa UK isang araw na hindi ko man lang narinig o nakausap ang kababata ko ni hindi ko rin nasabi sa kanya ang nararamdaman ko .Naputol ang aming kumunikasyon sa isa't-isa pero naibigay ko naman sa kanya yung cellphone number ko at kabisado naman nya yun . Lumipas ang isa, dalawa ,tatlo at apat na taon na hindi ko siya nakausap. Natanong ko tuloy sa sarili ko na may pag-asa pa kaya na magkita kaming muli ?. Sa ano kayang paraan ? Kailan at paano ? yan at ayan rin lang ang laging binubulong ng puso at isipan ko . Alam ko na iba na ang dapat kong gawin bilang isang ganap na dalaga. Ang dami nang magbago sa aking pisikal na katangian at kaanyuan.Pero di ko parin maalis sa aking isipan na nung bata ako ay nainlove sa aking pinakaiingatan at pinaka mamahal na si Miel . Nasa harap ako ng salamin ngayon at parang baliw na tinatanong sa salamin na maganda ba ako o hindi. Parang baliw lang sa telenovela. Napansin ko na nagbago ang hubog ng aking mukha at timutubuan narin ako ng taghiyawat. Naniniwala ako na edad lang ang nadadagdagan at hindi ang aking muang. Magdadalawangpu na ako sa susunod na buwan pero wala parin akong mahanap na mag mamahal at mamahalin ko ng totoo. 

Gabi na nga pala at nakadungaw lang ako sa aking bintana. Nakatulala lang ako sa buwan at bituin na kumikinang sa harapan ng aking mga mata. Ang lamig ng simoy ng hangin tuwing gabi na dumadampi sa aking balat . Parang nakahiga ako sa duyan sa tabi ng dagat at naka tulala sa madilim na ulap. Napansin ko na may lumulutang na apoy at akala ko ay isa itong St. Elmo's fire o di kaya ay isang UFO. Nagulat talaga ako na bababa ang bagay na iyon sa aming bakuran. Tulog na ang aming mga kapit bahay kaya wala nang masyadog dumadaan na tao sa labas. Papalapit ng papalapit ang bagay ng iyon sa aking bintana . Naaninag ko na isa iyong tela na nay apoy sa ilalim na parang hot air baloon. At ngang aamba na itong tumama malapit sa akin ay hinawakan ko na ito bago pa bumagsak at tuluyang masira. Hinipan ko ang apoy nito at may napansin akong papel na nakatali sa bandang gilid. Kinuha ko iyon ay may kung anong bagay ang nalaglag sa aking  paanan. Isang Silver na may Buwan at pendant na kalahating araw. Ang wirdo nga ng Bracelet na ito ehh. Unti-unti kong binuklat ang papel ay may naka sulat na "Reaching My Dream That I Never Had Then And Now . NOw I Wish For A Girl Who Opted To Take The Risk If She Wait For The Right Time At The Same At The Right Place." - Mysterious Guy. May nakasulat pa na nunber. #0927achuchuchuchuchu173 at nagtaka ako dahil 174 yung huli ng number ko as in magkasunod yung number ko at yung sa nakasulat. Ito na kaya yung tinatawag nilang destiny o trip lang ako ng kapit bahay namin . Pero imposible kasi walang nakakaalam ng number ko bukod sa nga classmates ko at kay Miel . Miel nanaman. Ano ba namang buhay ito ohhh gusto nang kalimutan sya pwede ba brain paki delete na nga ang memories ko with Miel lalo lang kaso akong nasasaktan sa tuwing naaalala ko ang pangalang Miel. Di man lang sya  nag text sa akin o tumawag man lang kahit alam nya ang numero ko . 

Still clue less parin ako sa mga nabasa ko dala ng isang Sky lantern . Mag- aantay ako kung sino man ang nagpalipad ng sky lantern na ito. Siguro naman hindi ko ikamamatay ang umasa ng isang taon sa isang lalaking imposible kong makita at makilala. Matry nga na itext yung number na naka lagay sa papel. Itext ko kaya ang numero papel or worst tawagan ko sya para sigurado. Bukas nalang kaya. May pasok pa ako ehh.

KINABUKASAN.......

"Shane!!!!! hoy ikaw babae !! bakit hindi mo na ako pinapansin ? Shane!!!!! maawa ka na please pansinin mo na ako." sigaw sa akin ng bestfriend ko na si Camila. Ang aga aga ay boses nya agad ang narinig ko. Di ko parin sya nililingon pero naisip ko na kailangan ko syang pansinin kase baka mawala sya sa akin. " Sige na nga papansinin na kita bihira ko lang kase marinig na magmakaawa ka ehh,." sabi ko sa kanya.  Sabay na kami pumasok habang magkaholding hands at paswing swing pa. Sa room namin na napaka gulo grabe hahanga ka talaga mala basurahan ang classroom namin kaya tinawag ko itong "Room of Payatas" . "Hay nako.... kelan kaya titino ang mga baliw nating classmates . Grabe ang aga aga ang alikabok at ang gulo ng classroom natin nakakahiya sa first subject teacher natin!" Bungad sa amin ng presidente ng section namin na si Roxette. "Asa pa tayo iilan-ilan lang siguro ang matitino dito sa section natin.' sabad ni Camila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sky LanternTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon